#SQ Chapter 6

42 2 4
                                    

#SQ Chapter 6

Nakatitig lang ako sa Math teacher ko habang dada siya ng dada sa harapan at may sinusulat na equation sa white board. Siya si Mr. Earl Brandywine, ang spokening dollar naming teacher! (Taga Canada siya, actually) Hindi ko siya tinititigan dahil gwapo siya ha! In fact, medyo may katabaan siya at nakasalamin at mahaba ang buhok at may bigote. Para siyang hindi teacher. Hindi karespe-respeto ang itsura. Bakit kaya siya tinanggap ni Daddy? Hula ko, lasinggero ang angkan niya, e.

Tinititigan ko siya dahil sinusubukan kong bilangin ang mga butas sa mukha niya. 'Yung parang mga tigyawat na tiniris kaya nagka-butas ang mukha? Ganun. Mabuti na lang hindi ako yung tipo ng taong tinitigyawat. Baka kapag nainis ako sa kanila bigla ko na silang tirisin bigla. Maging kamukha ko pa si Mr. Brandywine. A BIG NO!

Naiinis ako sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan yung mga pinagsasasabi niya, e! Tapos yung mga numbers and formulas na nakasulat sa white board, ang gulo! Yung ibang mga kaklase ko tutok na tutok sa pinapaliwanag ni Sir, samantalang yung iba naman ay nakakunot ang noo habang nakanganga. May karamay ako! Yehey! (Pero hindi ako nakanganga, ha!) Kahit naman kasi nasa Section A kami ay hindi ibig sabihin, alam na namin ang lahat! Kailangan pa rin namin ang gabay ng mga guro (wow). Pero what if teacher mo si Mr. Brandywine? Magaling ka nga sa Math pero yung teacher mo naman napakagulo magturo, edi wow na lang! (Edi wow nga, mga pinaglalaban ko e, no? Hindi naman talaga siya magulo magturo, e. Hindi lang talaga ako mahusay sa Math.) Che!

Dahil napuwing ang mata ko at nakalimutan ko kung saang butas ako nahinto ay tinigil ko na ang pagbibilang. Ang likot pa ni Sir, hindi ko tuloy mabilang ng maayos! Katulad ng mukha niya yung daang dinaanan ko kahapon. ROCKY ROAD. Nyahahaha.

Nakaka-board! Este, BORED!

Ipinatong ko ang ulo ko sa kamao kong nasa ibabaw ng armchair. Tumingin ako sa kaliwa at napa-' OMAYGAHD ' dahil ang gwapo ni Chris kahit nakaside view. Ang tangos ng ilong! Tapos yung labi niya, pinkish. Gusto ko tuloy siyang halikan! (Ang pervert mo, Junaflor!) Medyo bilugan na mapang-akit at maliit at kulay dark brown ang mga mata niya-na mukhang kulay itim-tapos yung pilik mata niya ang haba at ang kapal. Nagpa-extension kaya siya?

Huhuhu. Naiiyak ako. Ang gwapo kasi ni Chris, e. Love na love na love ko talaga sina Mama at Papa! Ang galing nilang mamili ng mapapangasawa ko! Nakakatats! Itim ang buhok niyang medyo mahaba kaya slightly natatakpan ang kanyang mga mata at napaka puti din ng balat. Ang tangkad pa! At matalino! Ideal Husband! Hart hart. Kahit naka-poker face siya, ang hawt hawt niya tignan. Paano pa kaya kapag ngumiti na siya at tumawa? Baka himatayin ako bigla! I cannot! Kailangan ko siyang picture-an kapag nagkataon!

Naramdaman siguro niyang nakatitig ako sa kanya kaya tumingin siya sakin. "Stop staring." TWO WORDS. OMG NAGSALITA SIYA.

Nginitian ko siya. "Ang gwapo mo kasi. Ikaw, nagagandahan ka ba sakin?" Sabi ko habang nagbe-beautiful eyes. Ma-inlove ka, plz! Ajejeje.

Poker face. "In your dreams." THREE WORDS PERO WTH?!

Napaayos ako ng upo at nagulat. Malamang magugulat ako. IN YOUR DREAMS? Ibig sabihin, hindi siya nagagandahan sakin?! Whyyy?! Maganda naman ako sabi ng mga katulong namin, ah! Gorgeous pa nga, sabi ni Mama at Papa. Maputi din ako, mahaba ang buhok na minsan ay kinukulot ang dulo, kulay dark brown ang mata, matangos ang ilong, sexy lips, makinis, at sexy! Ano ba ang definition ng maganda sa kanya? Almost perfect na nga daw ako, e!

Ibinuka ko ang bibig ko para mag-protesta pero agad ding sinara dahil nakalimutan ko ang sasabihin ko. Kasalanan ito nung mga Math formulas, e. Ginugulo nila ang isip ko! Ayan tuloy, hindi ako makapag-isip ng maayos! Tapos pumapasok pa sa utak ko yung butas butas na mukha ni Mr. Brandywine. Grr!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Someone's QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon