#SQ Chapter 2

59 1 1
                                        

#SQ Chapter 2

"Hey..." Buntong hininga ko nang sagutin niya ang tawag. Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa Park malapit sa Subdivision. Mag-isa lang ako. Sinabihan ko kasi si Manong John na mag-ikot ikot muna para makapamasyal.

("Jhuna? Bakit napatawag ka?") Tanong ng lalaking nasa kabilang linya.

"Si Mama kasi..." Naiiyak kong sabi.

("Bakit? Anong ginawa sayo? Sinaktan ka ba niya? Pinalayas?!")

"Baliw. Hindi. Ano lang..." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sasabihin ko ba?

("Eh ano? Dali, sabihin mo na.")

"Ikakasal na ako, Ulan."

("A-ano! Ikakasal ka na?! Bakit ngayon ko lang nalaman?!!!")

"Kanina lang naman sinabi-"

("Hindi man lang ako nakapaghanda!")

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Ha? Bakit mo naman kailangang maghand-"

("Nasaan ka?")

"Nasa Park Ki."

("Huwag kang aalis diyan, okay? I'll be there in 10 minutes.")

Binaba na niya ang tawag.

Bastos talaga ng lalaking yun. Basta basta na lang binaba ang tawag! Porket nag-English siya!

Nakaupo pa rin ako. Tinitignan ko lang iyong mga batang naglalaro at nagba-bike. Napakaganda ng lugar. Maaliwalas. Peaceful. Nakakatanggal ng stress. Kaso may mga lovers din na ang sasakit sa mata. Kanya-kanya silang latag ng tela sa damuhan upang maglampungan. Makapag-landian wagas.

May playground sa dulo ng park. Tanaw ko ito mula sa kinauupuan ko. Gusto ko mag-slide. Hmp. Kaso ang dami kasing bata.

Buntong hininga.

Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko. Malapit na pala mag alas-sais. Mag-gagabi na. Ang tagal naman ng Ulan na iyun.

After 9 seconds, naramdaman kong may nagtakip ng mata ko gamit ang kanyang mga palad. Kamay ng lalaki. Ang gaspang e. "Hulaan mo!"

"Rain."

Tinanggal na niya ang kamay niya sa mata ko at padabog na umupo sa tabi ko. Pormang porma ito samantalang napaka lapit lang naman ng bahay. Kaya pala ang tagal dumating. "Badtrip ka! Bakit ang bilis mong nahulaan?!" Para siyang bata kung magmaktol. Di bagay sa kanya!

Natawa ako. "Ikaw lang naman ang may pinaka magaspang na palad, e."

"Magaspang pala, ha? If I know, kapag nagpakasal na tayo, hahanap-hanapin mo ang kamay ko para makipag-holding hands sayo!"

Nagtaka ako. "Chura mo. Bakit naman kita pakakasalan?"

"Diba sabi mo magpapakasal na tayo? Medyo nainis nga ako kanina, e. Ako yung groom pero ako pa ang huling nakaalam. Nakakatampo."

Tinitigan ko siya. Naramdaman naman niya iyon kaya tinitigan niya rin ako pabalik. 34 seconds kaming nagtitigan hanggang sa iniwas ko ang tingin ko at natawa ng sobrang lakas!

"Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Nakainom ka ba ng gamot? Gusto mo, dalhin na kita sa Mental?"

"Nakainom ako ng gamot. Na-overdose ata."

Natawa ako ng pilit. "Alam mo talaga kung paano ako patatawanin." Naiiyak ako. Naalala ko nanaman yung The Great News! 15 pa lang ako! Napakabata ko pa para magpakasal!

Niyakap ako ni Ulan. Dahil doon, bigla na lang akong naiyak. "Shh. Tahan na. Papanget ka lalo niyan, sige ka."

295 seconds kaming nagyakapan doon. Feeling ko tuloy isa na kami sa mga lovers na naglalandian dito sa Park Ki. Pero hindi! Jhuna, bakit mo naman naisip na lovers kayo?!

Someone's QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon