#SQ Chapter 4
Dumapa ako sa kama ko at binuksan ang laptop kong may design na kape sa harapan. Nag-login ako sa Facebook at nawindang ng bumungad sa akin ang napakadaming numbers. Agghh!! I hate math!
198 New Friend Requests
35 Messages
970 Notifications
WOW. Ang dami namang notifications nito! Kakacheck ko lang nito kagabi, ah. Kaloka, famous ako!!! Bwah hah hah hah! Gaano katagal kaya ang aabutin ko nito kapag hinanap ko yung notification na galing sa kanya? Hmmm. Estimated Time: Ten minutes!
Scroll scroll scroll.
Scroll lang ako ng scroll sa gabundok na notifications pero halos nangangalahati na ako, hindi ko pa rin mahagilap ang pangalan niya! Ene behhh! Masyado mo akong pinapahirapan!
FINALLY-Ariel happened to me!!!-narating ko na ang pinaka dulo ng 970 notifications in... ten minutes and five seconds! Sumobra lang ng five seconds! Ang galing ko mag-estimate! Bravo!!!! Pero waley. Wala akong nakitang notif na 'Christian Sabillena accepted your friend request' chuchu. Kaynes.
Baka naman nalaktawan ko lang sa sobrang bilis ko mag-scroll? Medyo nahilo din kasi ako kakahanap sa pangalan niya kaya baka hindi ko lang nakita?
Pero hala. Back to top ulet?! Nakakapagod na mag-scroll! Namamanhid na ang daliri ko!!
Ang ginawa ko, tinype ko na lang ang pangalan niya sa 'Search' saka tinignan kung may nakalagay ng 'Friends' sa gilid ng pangalan niya, pero naiyak ako dahil 'Friend Request Sent' pa rin ang nakalagay! Ano ba, Facebook?! Isang linggo na akong nagpapabalik-balik dito sa profile niya pero paulit-ulit lang ang nakikita ko! Kailan ka ba magbabago?! Tutol ka ba sa pakikipag-friends ko kay Chris?! Nagagwapuhan ka siguro sa fiancé ko, noh?! Ang landi mo! Pati si Facebook lumalandi na ngayon!!!
Pinindot ko ang 'Message' button na nakalagay sa gilid at lumabas ang mga nauna ko ng messages sa kanya.
- MAY 20, 2015 AT 7:07 AM -
Jhunaflor Buenavista: Hi Fiancé! Accept my friend request, please! ;***- MAY 21, 2015 AT 8:19 AM -
Jhunaflor Buenavista: Uy! Accept mo kooo! ;))))- MAY 22, 2015 AT 7:35 AM -
Jhunaflor Buenavista: Notice me, senpai!!! (> y <)- MAY 23, 2015 AT 7:49 AM -
Jhunaflor Buenavista: Yow yow yow. Ako 'to! 'Yung baliw! :3- MAY 24, 2015 AT 8:17 AM -
Jhunaflor Buenavista: Chris! Chris! Chris!
- MAY 25, 2015 AT 9:24 AM -
Jhunaflor Buenavista: Pati ba naman sa Facebook, snob ka pa rin? T_TJhunaflor Buenavista: Ay, hindi. Joke lang 'yung sinabi ko! Accept mo na ko! Gwapo ka naman, eh! ^u^
seen 9:16 PM
OHMYGOD. NA-SEEN AKO NI CHRISTIAN SABILLENA KAGABI.
- NOW -
Jhunaflor Buenavista: Seen? :oSiguro kaya ako ayaw iaccept ni Chris kasi ayaw niyang hanggang friends lang kami, noh? Ahihihi. Kalurkey naman. Tanggap ko namang ayaw niyang i-friendzoned ako, pero mas ayaw kong ma-seenzoned at FriendRequestSentZoned! Haysxz.
Ang laki ng problema ko!! Hangga't hindi kami friends-sa Facebook!-hindi ko magagawang i-tag siya sa mga status ko. Hindi ko maii-stalk ang mga pictures niyang naka-private. Hindi ko malala-like at comment yung mga pictures or status niya. Hindi ko magagawa ang lahat!!! Tititigan ko na lang ba forever ang profile picture niyang anime?! Ano na lang ang sasabihin ng iba? Hindi ko friend sa fb ang fiancé ko?! Baka sabihin pa nila nagsisinungaling lang ako kapag sinabi ko! Wahh!

BINABASA MO ANG
Someone's QUEEN
Teen FictionMula nang i-arrange si Jhuna ng mga magulang niya sa ubod ng gwapo at parang greek god niyang fiance ay hinangad na niyang magustuhan din siya nito. Parehas naman silang single, so why not, diba? Sa kanilang dalawa kasi, siya lang ang may gusto sa m...