#SQ Chapter 5
"GOOD MORNING!" Masaya kong bati sa... Ewan ko. Sa sarili ko, ata. Wala namang ibang tao sa kwarto ko, e. Unless may mumu dito na huwag naman sanang magpakita sa akin ngayon! Next time na lang! Kapag kasama ko na si Chris para pwede akong yumakap sa kanya kapag natakot ako! Libreng chansing! Libreng hawak sa braso o kaya sa kamay o kaya sa masskels o kaya sa abs! (Napaisip tuloy ako. May abs kaya si Chris? Matignan nga mamaya!)
Mabilis akong bumangon at dumiretso sa banyo upang maligo. Pasukan nanaman. First day of class! At nae-excite ako dahil first time kong magiging kaklase si Chris! Buong araw ko siyang makakasama sa isang kwarto, buong araw ko siyang makukulit, buong araw ko siyang matititigan! Nagre-recite kaya siya sa klase? Hula ko hindi, e. Napakatahimik kasi. Sana lang kausapin niya ako mamaya para may panibago akong ililista sa notebook kong naglalaman ng first words (and many more!) ni Baby Chris!
Nagtagal ako ng 30 minutes sa banyo. Pinakamabilis kong ligo so far! Karaniwan kasi, inaabot ako ng dalawang oras sa banyo, e. Dapat pala lagi akong excited para bumilis ang kilos ko! Makakatipid din ako sa tubig. Hindi na ako papagalitan ni Mama at tatalakan na parang isang buong baranggay ang naliligo sa banyo ko sa dami ng nasasayang na tubig kapag naliligo ako! Ang OA ng Mama ko, no?
Nagbihis na ako ng Uniform ko. Gandang ganda ako sa uniform na ito dahil... Ako ang nag-design, e. Ahehe. Dark blue and gray and white ang kulay niya. Tapos ankyot ng skirt na above the knee at nung sombrero!! (tho bawal isuot yung hat during class. Ugh, sad.)
Nagpaganda din ako (syempre!). Kinulot ko ang dulo ng buhok kong kulay brown at inayos ng kaunti. Naglagay din ako ng face powder at lip gloss.
Ngiting-ngiti akong tumingin sa salamin. You're so gorgeous, Jhuna. Tiyak maiinlove sayo si Chris niyan! Magiging one hundred plus words na ang sasabihin niya at magiging madaldal na siya. Hindi mo na kailangang mainggit sa mga kaklase mong may boyfriend or girlfriend kasi may fiancé ka na. (Naks! Mas bongga 'yung akin!) Pwedeng pwede mong ipangalandakan sa kanila na meron kang hawt na hawt na fiance at maglandian whenever we wan-
*KRING KRING KRING KRINGGGGGGGG*
Uhmm. Alarm clock ko 'yan. Sinet ko kasi siya ng 4 am para maaga akong magising. (6:30 pa ang pasok namin!) Ang galing, no? Nauna pa akong nagising sa alarm clock ko. Napaka useless. Naingayan ako kaya binalibag ko sa pader ang maingay na orasan na 'yun. Tch. Magpapabili na lang ako ng bago mamaya.
So. I'm ready to go!
Binitbit ko na ang bag ko at bumaba. Nakita ko si Manang Rosita at ang ibang katulong at si Manong John na nagkakape habang nakikipagkwentuhan sa kusina.
"GOOD MORNING!" Malakas na bati ko sa kanila. Nginitian naman nila ako at binati din.
"Ang aga niyo ngayon, Maam Jhuna, a? Ano meron?" Tanong sa akin ni Manong John.
"Unang araw po ng pasukan ngayon, Manong!"
"Alam ko naman kaso alas sais ang normal na pasok niyo, diba? Eh 4:09 pa lang. May dalawang oras pa kayo para matulog."
"May pupuntahan po kasi tayo." Ngumiti ako.
"Nakahanda na ang almusal niyo, Maam Jhuna." Sabi sa akin ng isang katulong ngunit umiling ako.
"Hindi po ako dito mag-aalmusal. May kasabay po ako, e." Tinanguan ako ng katulong at umalis na. "Sila Mama at Papa?"
"Tulog pa." Nakangiting sabi ni Manang.
"Tara na po, Maam Jhuna?" Aya sa akin ni Manong John at dumiretso na sa labas.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa pintuan, may bumati na lalaki kay Manong John. "Hello Mang Juan!"
BINABASA MO ANG
Someone's QUEEN
Fiksi RemajaMula nang i-arrange si Jhuna ng mga magulang niya sa ubod ng gwapo at parang greek god niyang fiance ay hinangad na niyang magustuhan din siya nito. Parehas naman silang single, so why not, diba? Sa kanilang dalawa kasi, siya lang ang may gusto sa m...