#SQ Chapter 3
Nagising ako sa lakas ng ringtone ng phone ko. Ang aga naman nitong tumawag! Niaantok pa ko, e. Hmp.
Tinignan ko ang screen ng cellphone ko at nakita ko ang mukha ni Rain na naka-wacky. Ang aga naman mam-buwisit ng Ulang ito!
"BAKIT KA TUMAWAG?"
("Woah! Good Morning!")
Gumulong ako sa pula kong kama, "Anong good sa morning? Eh boses mo at mukha mong naka-wacky ang bumungad sa araw ko!"
("Hindi mo pa rin ba pinapalitan ang picture ko sa contact mo? I-delete mo nga 'yan!") Kahit naiinis ako kunwari sa picture niya, hindi ko papalitan 'yun, no! Ang kyot kyot niya dun, e. Siya naman kasi ang may kasalanan. Ang lakas ng loob niyang mag-selfie sa phone ko tapos ipapa-delete naman!
"Ayoko nga! Ang kyot mo kaya doon!"
("Sus! Crush mo lang ako kaya ayaw mong i-delete, e! Gabi-gabi mo siguro hinahalikan ang picture ko bago matulog, no? Kaya pala lagi akong hindi makatulog!")
"Hoy Rain De Guzman. Ang kapal kapal kapal kapal kapal ng mukha mo! Wala akong crush sayo, no! Saka baka gawain mo 'yun gabi-gabi! Kaya siguro may password ang phone mo kasi puro pictures ko ang laman!"
("Hoy Juna Buenavista. Ang kapal kapal kapal kapal kapal at kapal din ng mukha mo! Asa!")
"Hoy Rain. Ang tagal na nating magkaibigan, nagkakamali ka pa rin sa pag-pronounce ng pangalan ko! It's JHUNA. Kulang ng 'H'!"
("Sus! Wala namang pinagkaiba ang JUNA sa JHUNA! Pareho lang ng pronounciation, e. Saka ang pagkakaalam ko po, walang H ang pangalan mo sa Birth certificate!")
"Wala nga. Pero ang nickname ko, meron!"
("Ang dami mo talagang arte. Samahan mo na nga lang ako!")
"Saan naman?"
("Kakauwi lang kasi ng pinsan ko galing ibang bansa. Magkikita kami mamaya, e.")
"O, bakit kasama pa ako?"
("Wala lang. Sumama ka na! Ipapakilala kita sa kanya!")
"Gwapo ba 'yan?"
("Hmm. Mas gwapo ako sa kanya, e.")
"Ay, ang panget naman pala niyang pinsan mo, e. Ayoko sumama!"
("Ang sama nito! Dali na!")
"Ayoko. Nakakatamad!" Umupo ako. Hays. Ayan, gising na ako! Nawala na 'yung antok ko.
("Ililibre kita ng Kape!")
"DEAL! PROMISE MO 'YAN, HA?"
"Jhuna! Ano bang nangyayari diyan? Bakit ka sigaw ng sigaw? Kumain ka na sa baba!" Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto.
"Sige! Susunod po ako!" Sigaw ko rin.
Tinapat ko ulit ang cellphone sa tenga ko. "Hello?" Call ended. Aba, letse 'tong lalaking ito, a! Lagi na lang akong binababaan!
1 Message.
--
UlanPangetPanget
4 pm. Màll. Stārbücks. L0ve y0u! Mwâ!--
Ang kapal kapal kapal kapal kapal kapal kapal kapal talaga ng mukha. Ang jeje pa! Kadiri!
--x
"Akala ko ba 4 pm ang usapan niyo? 4:30 na nasa bahay ka pa rin!"
"Wait lang." Tatapusin ko lang itong Fated To Love You! Kyah, ang gwapo ni Ron.
BINABASA MO ANG
Someone's QUEEN
Dla nastolatkówMula nang i-arrange si Jhuna ng mga magulang niya sa ubod ng gwapo at parang greek god niyang fiance ay hinangad na niyang magustuhan din siya nito. Parehas naman silang single, so why not, diba? Sa kanilang dalawa kasi, siya lang ang may gusto sa m...