Chapter 3

3 1 7
                                    

I woke up with a heavy feeling on my chest. Dumeretso na akong bumangon, hindi ko na chi-neck ang phone ko kung meron bang mga message.

Kaagad akong bumangon at pumunta sa banyo para maligo Kasi may practice pa kami sa choir mamaya mga 9 am.

Pagkatapos maligo ay nag saing ako at nag luto ng agahan. Ako lagi ang nag luluto kapag umaga Kasi ako ang laging nauunang magising at parang meron kaming unwritten rule na kung sino ang mauunang magising ay sya din ang magsasaing.

Nang mahanda na ang lahat ay ginising ko ang mga kapatid ko at aking magulang at inaya sila para mag almusal. Masaya silang nag almusal except for me.

"Kuya bat ang liit lang ng kinain mo? Usually tatlong servings ang nauubos mo pero ngayon isa lang." Sabi ng nakababata kong kapatid.

"Ahh wala. Medyo busog pa ako kasi uminom ako ng gatas at kumain ng pandesal." I lied. Wala lang talaga akong gana since nangyari yung kagabi.

Pagkatapos naming kumain ay eksaktong 8:40 na kaya nag toothbrush ako saka nag mano at namaalam sa aking mga magulang na pupunta sa simbahan.

Nang makarating ay ako pa lang ang tao doon. As expected hayyystt. Sa aming grupo. I'm known to be the most punctual. Kasi before time talaga ako dumating like. If 10 mag start ang isang event ay 9 or 9:30 ako dumating. I hate being late at saka I would prefer to wait than for others to wait for me.

Nang ma prepare ko ang lahat ng kakailanganin namin sa practice ay umupo ako sa upuan at tumingin sa kawalan, nag iisip kung nag reply naba sya? Tatanggapin ba nya ang aking pag sinta or iiwan nya ako?

Andaming scenarios na pumasok sa isipan ko na hindi ko namalayan na nandyan na pala silang lahat at tinatawag na nila ang aking pangalan.

"Hoii jorg" Sabi ni Vincent na ikinabalik ko sa reyalidad. Nang lumingon ako. Nagulat nalang ako na andami na nila.

"Kanina ka pa namin tinatawag pre pero may sariling mundo ka." Sabi ni Jhon.

"Ano ba Kasi ang iniisip mo at lutang ka? It's so not like you Feb." Sabi naman ni Lhark.

"Ahh wala may iniisip lang hehe." Sabi ko nalang.

"Sige mag start na tayo." Dagdag ko pa.

So ayun na nga nag start kami. Pero parang wala parin ako sa sarili kaya andaming pagkakamali na ako ang dahilan. Pero natapos pa rin ang practice namin for today.

"Jorg teka!" Sabi ni Vincent.

"Oi baket Jorg?"

"Okay ka lang ba? Kanina pa namin napapansin parang wala ka sa tamang pag-iisip, you okay jorg?" Tanong nya na may pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Nahh it's nothing jorg. Just some random stupud things." Biro ko pa.

"Stupid huh? Pero parang pasan mo na ang mundo. Hindi ganyan ang reaction pag stupid things lang. Ano ba talaga yan? Babae? Pera? Or nababading kana at hindi mo lang ma tanggap." Sabi pa nya na ikinalukot ng mukha ko.

"Anong nababading? Sapakin kita jan eh." Natatawang sabi ko.

"hahaha biro lang kaibigan. Ang punto ko lang. You can tell me anything okay? nandito lang ako--kami mga kaibigan mo, ang buong THE PREACHER'S MUSIC MINISTRY." Madamdaming sabi ni Vincent.

"Yeah. I'll tell you soon kung hindi ko na kaya. Salamat jorg." Sabi ko sabay tapik sa balikat nya.

"Anytime. Oh sya alis na ako. Bye"

"Sige ingat.".

Nang makaalis si Vincent ay umuwi narin ako.

Pagdating sa bahay ay kaagad akong nagmano at binuksan ang phone. And there were messages from her and Thea. I replied to Thea first. Just a goodmorning and other things.

Then I opened Crescent's message. My hands are shaking while opening it.

"Hey good morning. Sorry ahh at biglaan lang akong nag out, nag shutdown kasi ang phone ko ehh at saka nagfamily time muna kami. About what you just confessed, Ahhmm bakit ako feb?" Yun lang reply nya.

Wewss. Akala ko iiwan mo ma ako. "I don't know Cres. I already liked you since our first meeting." Then I hit send.

"Ahmm I don't know what to say."

"It's okay, you don't have to. So I wanna say something other than I like you." Sabi ko.

"Ano yun?" She replied.

"Pwede ba kitang ligawan. I know it's funny cause I'm courting you online and It's not my usual style. Pero hindi na ako makapaghintay. Since the day we first met. Gustong-gusto na kitang ligawan Cres." I said.

"Yes you can Feb. But it'll be difficult for me." Sabi nya.

"Why? Bakit ka naman mahihirapan?"

"Bawal sakin ang mag boyfriend Feb. Strict si Papa." Sabi niya.

"So if bawal naman pala, why are you allowing me to court you?" Naguguluhan kong tanong.

"Well..... Ahhmm it's just because. You know, it's you." Sabi nya. Na ikinangiti ko. Damn she's risking everything for me, may pag-asa ako.

"Awe.... Thank you Cres." Sabi ko.

At dun na nga. Niligawan ko sya, though online kasi aside sa bawal sa kanya ang mag boyfriend, hindi din sya gaano pinapalabas para gumala, and I respect her and her father being protective kaya I didn't ask nor demand her to meet up with me.

To make the long story short. I courted her for four months until one day this happens. It's April 13, 2021.

"Hey Seleno?" She chatted.

"Yes Selene?" I happily replied.

Yes even though walang kami. We already have a call sign.
------------------------------------
PS: Selene is the greek goddess of the Moon, while Seleno comes from the word Selenology, a branch of astronomy that studies the moon.
-----------------------------------------------------------
Who gave that Callsign? Of course her since she loves the moon so much and I think that's cute.

"Can you add these names in fb? They're my friends and I want you to chat them that you're courting me hihi." Sabi nya.

"Oookay? For what purpose though?" Naguguluhan kong tanong.

"Nothing, just tell them." Sabi nya. And who am I to decline her? So of course I immediately searched their names on fb and waited till they accepted my friend request. It didn't take long for them to accept it then I immediately chatted them this.

"Hi. I'm Febrylle Grantuza and I'm courting your friend. Crescent Crysha hihi. She's the who asked me to tell you this so yeah that's all. Nice to meet you."

11:59pm

"Seleno I wanna tell you something." Sabi nya na para bang nakapa seryoso. So serious that it sent shiver down my spine.

"Ano yun?" Kinakabahang reply ko.

Then the clock strikes 12.

"Sinasagot na kita."

End of Chapter.

Love Under the Crescent MoonWhere stories live. Discover now