Chapter 14

5 1 3
                                    

FEBRYLLE'S POV:

After that romantic moment, we stayed there for an hour before we decide to call it a night. Hinatid ko sya sa kanilang bahay, kissed her cheeks goodbye then I went home. Hindi parin mawala sa labi ko ang ngiti dahil sa kasiyahan na aking nadarama. I still can't believe that where back together again. And this time I will do everything in my power to make our relationship work.

Nang makarating sa bahay ay naka plaster parin ang ngiti sa aking labi at yun ang naabutan ng aking ina.

"Hmm parang masaya ang anak ko ahh. How's your night?" Masayang bati ni nanay.

Napangiti ako lalo ng maalala ko na naman ang nangyari.

"Kami na ulit nay!" I was half shouting and half whispering at the same time hugged my mother. I knew she was shocked cause she frozed from where she's standing.

Nang kumalas ako sa kanyang yakap ay nakatulala parin sya. Minsan OA talaga tong si nanay HAHA.

"Oh my... Sino?" Sabi nya.

Napatawa nalang ako. Hayyystt.

"Nay.. Si Crescent po. Yung ex ko nuon. Nagkabalikan po kami."

"Ahh yung niligtas mo?" Tanong nya.

"Opo. Sya po." Nakangiting sabi ko.

"May larawan ka ba sa kanya anak? Tingnan ko nga kung maganda ba." Pabirong sabi nya.

I just chuckled at her joke then I opened my phone and showed her our photos when we went on a date earlier. Nang makita ng aking ina ang larawan namin, natahimik sya bigla na ikinabahala ko. Ilang segundo syang natahimik bago nag salita.

"Eto ba sya?" Tanong nya.

"Opo nay. Bakit? Naalala mo ba sya?" Sabi ko. Nakita na kasi ni nanay si Crescent nuon.

"Bakit sya?" Tanong ni nanay na ikinagulat ko.

"Ano po ang ibig nyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

"Diba sya yung babaeng naging dahilan kung bakit na nasaktan nuon Febrylle?" She said my full name so it means she's angry.

Tiningnan nya ako sa mata.

"Bakit ba sa lahat ng babaeng pwede mong maging nobya ay yung babae pa na sinaktan ka nuon? Naaalala mo paba yung panahon na iniwan ka nya? You were a mess Febrylle. Gusto mo bang bumalik ka na naman sa ganung sitwasyon?!" Sabi ni nanay na halatang may galit.

I understand where that came from. Nung panahon kasi na iniwan ako. Si nanay ang nag-iisang taong yumakap, nag-aruga at tumulong sakin nung halos mabaliw ako. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganun ang reaction nya nang malaman na naging kami ulit. She just doesn't want me to go back into that situation.

So what I did is hugged her tightly while whispering.

"Wag kang mag-alala nay. Hindi na yun mauulit and I assure you that this time, hindi na ako masasaktan gaya nuon." Sabi ko.

Nararamdaman ko ang higpit ng kanyang yakap bago kumalas at humarap sakin na punong-puno ng pagmamahal at kaunting pag-aalinlangan.

"Okay. I trust you nak. Pero ipangako mo sakin na hindi kana masasaktan ulit. Masakit para sa akin bilang isang ina na makita ang kanyang anak na nasasaktan." Sabi nya.

Ngumiti ako ng pagka tamis-tamis bago nag salita.

"I promise." Madamdamin kong sabi.

Ngumiti sya at niyakap ako ulit bago naming napagdesisyonan na magpahinga at matulog.

CRESCENT'S POV:

Nang makapasok sa bahay ay nakita ko si papa na naka upo sa sofa halatang hinihintay ako. Kaagad akong lunapit at nag mano sa kanya.

Love Under the Crescent MoonWhere stories live. Discover now