Chapter 7

1 1 0
                                    

Since that night. Hindi na ako nakatulog ng mahimbing. I kept on thinking kung ano ba ang ibig sabihin ng babaeng yun ang her familiar voice that just adds fuel to the fire. Para na ako mababaliw kakaisip.

It has been a week already since that night.

"Hoi gising na!" Sabi ni Thea na ikinagising ng diwa ko. Nandito kami sa baywalk ngayon gumagala. Akala ko talaga pagkatapos nilang magpakasal ni David, wala na syang oras para sa amin pero nagkamali ako.

"Lutang kana naman. Ano ba ang nangyayari sayo? Okay ka lang ba?" Sabi nya sabay lagay ang kanyang palad sa aking nuo.

"Wala ka namang lagnat."

"Ano ka ba. Wala akong sakit. May iniisip lang ako." Sabi ko. Nakatingin parin sa kawalan.

"Ahh sige. Sino ba naman ako para sabihan. Sino ba naman ako? Ahhh best friend lang." Sabi ni Thea na ikinalukot ng mukha ko.

"Wowwww ganyan ba talaga ka drama ang buntis?" Sabi ko. Buntis na kasi si Thea.

"Hmmpp di ahh. Nagtatampo lang ako kasi di mo sinasabi sakin kung ano man yang nasa isip mo." Sabi nya na parang umiiyak kaya pinatahan ko sya, buntis pa naman, papatayin ako ng asawa nya pag may nangyari sa kanya.

"Oh sige na nga sasabihan na kita." Wala na akong magagawa.

"Madali ka Naman palang kausap eh." Naka ngiting asong sabi nya.

"Hayyystt..... Eto nga..." Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa baybayin. As in lahat.

"Ahhhh..... Hmmm.... Say what. Nasubukan mo na bang isipin na baka si Selene mo iyon? Sabi nya ikinagulat ko.

Selene... Selene? Si Selene yon?

"P-papano mangyari yan Thea?" Naguguluhan kong tanong.

"Well you know.... Sa part pa lang na hindi ka makatulog kakaisip..... Eh sino ba naman ang nag iisang taong naging dahilan mo nuon na hindi ka makatulog for weeks na kailangan mo nang uminom ng sleeping pills para makatulog? Si Selene lang diba? At saka sa part din na familiar ang boses nya. Hindi ka Naman siguro magkakaganito kung hindi special sayo ang kung sino man ang nag mamay-ari ng sinasabi mong may familiar na boses. And lastly yung linya ng babaeng yon. Sino ba naman ang tumatawag sayo ng moon? Si Selene lang diba? At sa part na "this motorcycle looks like my moon owned." You know bes. Napaka luma na ng design mg motor mo, it's very rare na may makikita kang ganyan klaseng design tapos nasabi nya yun? She might had been with someone with the same motorcycle like yours, maybe you're one of them. I'm not totally saying na sya yun. Nag babakasakali lang ako. It's up to you kung paniniwalaan mo ako o Hindi."
Yun ang sinabi ni Thea na naging ugat  ng aking kaguluhan. Hanggang sa hinatid ko na si Thea sa kanilang bahay.

"Hey man, thank you for taking care of my wife." Sabi ni David sabay halik sa nuo ni Thea.

"No biggies, she's my best friend after all." Sabi ko.

Namaalam ako sa kanila bago ako tuluyang umuwi sa amin.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko ang lahat ng kasamahan ko sa choir

Boys and Gay:

Vincent, Jharold, Philip, Jhon, Ariel, Jhuniever, Jhayc, Jhake, RV,  Reyback at Russell

Girls:

Marie, Lhark, Ve ssy, Rocelyn, Mhicah, Kathy, Threcie, Precious, Airien, at Denice.

Hindi ko alam kung bakit nandito silang lahat kaya naguguluhan talaga ako kung bakit sila nandito. Walang salitang lumabas sa bibig nila pero may binigay si Vincent sa sulat.

Binuksan ko ang sulat at halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Nakasulat dun na kami daw ang gusto nilang i hire as Choir sa malaking Simbahan sa nalalapit na fiesta.

Love Under the Crescent MoonWhere stories live. Discover now