Chapter 22

33.6K 1.8K 503
                                    

“Ngunit tapat ang Panginoon; Siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa kasamaan.” – 2 Mga Taga-Tesalonica 3:3

***

Chapter 22

Iris

Hindi man lang siya natinag. Tiningnan niya lang ako. Sinarado ko ang pinto at tumitig sa kanya pabalik. Kumunot ang noo ko. I assessed his looks. He was definitely tired. Uh, no. He was stressed over something. Sigurado naman akong nakakapagod ang magpatakbo ng kumpanya. Lalo na kung malaki at kasing tagumpay ng CDC. His under eyes were darker. Even his jaw was darker. His eyes looked like he has been thinking a lot and it troubled him. “Ano’ng problema, Achilles?” ulit ko sa tanong na hindi niya pinansin. 

He combed his already messy hair and sigh in exasperation. His jaw set in a mad motion. Then, he looked at me in the eyes. “Nobody. Nobody can ever take you away from me.” He breathed out. 

Unbelievable. Hindi ako makapaniwalang ganito agad ang isasagot niya sa akin. I mean, ang lalim naman yata ng pinaghugutan niya. Bumili lang ako ng banana-q sa labas. There must be something more. He was just hiding it. 

The million-dollar question was; what is it? 

Matiim pa niya akong tinitigan na parang binabasa niya ang mukha ko’t kilos. Nagtaas ako ng mga kamay na katulad ng sumusuko. Nag-sway ang plactic ng banana-q ko na nakasabit sa gitna ng mga hinlalaki ko at hintuturo. “Woah, Achilles. Ayos ka lang? Mukhang may amats ka pa sa trabaho. Relax.” 

Tumawa pa ako bago pumunta sa kusina. Sinundan niya ako. Nilapag ko sa mesa ang plastic at kumuha ng plato. Sinalin ko roon ang dalawang stick ng malalaking banana-q. 

Katatapos lang ng stress ko sa mama niya. Tapos, siya naman ngayon. “Ano’ng tingin mo sa akin? Sasama pa sa iba?” natigilan din ako. Kumurap-kurap hanggang sa matanto kong baka dahil lang sa binatilyong nag-I love you sa akin ang kinagagalit niya.

I looked up at him. Natawa ako. “Para kang sira. Pati bata papatulan mo.”

Namaywang siya. Tumingala at pumikit. I smiled. Ayan. Ganyan nga. Isipin mong mali ka. Kasal na kaming dalawa pero kung umasta akala mo boyfriend ko siya. “Ang babaw ng pinagseselosan mo-“ I immediately stopped my sentence when I spoke “pinagseselosan.”

Agad akong tumalikod sa kanya. Uminit ang mukha ko. “Tss.” Bulong ko sa sarili. Tinapon ko sa basurahan ang maruming plastic. 

He cleared his throat. “I’m sorry, baby. I know. I mean, I can’t stop it. It’s natural for me to feel jealous when it comes to you.” Sagot niyang parang nangungumpisal. 

Binasa ko ang labi. Sa kabila ng malakas na pintig ng pulso ko ay lakas-loob pa rin akong humarap sa kanya. “Bawas-bawasan mo ‘yan, ha? Nakaka-stress.” Kunwaring inis kong sabi. 

“I will try. But don’t expect.” Aminado niyang salita.

Bumuntong hininga ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kinuha ko na lang ang plato. “Kumain ka nito para matuwa ako sa ‘yo.” Naglakad ako at pumunta ng sala. Gusto kong buksan ang TV para hindi puro titig ni Achilles ang nakikita ko. Para hindi puro boses niyang tunog-paos ang naririnig ko. At para magdagdag ng ibang mood maliban sa bigat ng presensya niya. 

Naupo ako. I turned on the TV. Ofcourse, sa Netflix ko nilagay. Habang nagba-browse ng mga pelikula ay palipat-lipat ang mga mata ko sa bukana ng kusina at sa TV. Bakit hindi pa siya lumalabas doon? Marami naman sigurong pwedeng gawin sa kusina. Tulad ng pag-inom, paghugas ng kamay o luto. 

Speaking of drinking, wala akong dinalang tubig. Kaya binaba ko ang remote control at bumalik sa kusina. I stopped on my track when I caught him standing in front of our fridge. Binabasa niya ang maliit na note na sinulat ni Mommy sa akin. Well, talaga namang pansinin ang sulat na iyon. Ang laki ba naman ang pangalan ko. He must be curious at it. 

Wonder Wall (Touch #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon