Chapter 40

42.8K 2.3K 1.3K
                                    

“Ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.” – 2 Mga Taga-Corinto 7:10

***

Chapter 40

Iris

Ang sabi ko’y ako ang magpapakain sa kanya. Pero siya rin pala ang magpapakain sa aming lahat. Achilles paid for our food. No’ng una ay tumanggi sina Jeric. Si Rico ay hindi kumibo. Si Lean ay panay lang ang ngiti sa akin pero alam kong may laman ‘yon. Si Mabelle at Jo, especially Mabelle, busy-ng busy sa panonood sa lalaking kumakanta sa gilid namin. Nahuli ko pa ngang kinindatan siya nu’ng lalaki. At tumitikwas na ang nguso niya roon sa guy.

The place was jam-packed. Mabuti na lang nauna na sina Jeric at nakapagpa reserve ng mesa. Dalawang mesang pinagdugtong para magkasya kaming pito. Ang mga mesa ay may bench din na gawa sa kahoy. Sa bandang gitna ng lugar ay may mga halaman, katabi ang dalawang speaker. Ang mga ilaw ay naka-hang at may mga bato sa sahig. 

Ang pwestong napili nina Lean ay malapit sa gitna. Malapit sa guitarista at vocalista. Walang platform o stage. Nasa gilid sila ng pinag-iimbakan ng mga case ng San Miguel beer. Sa tabi ng nakailaw na karatulang Beer Zone. Ang kanilang upuan, lyrics stand at mic stand ay doon naka set up. It was like a simple jamming session. 

We chose to buy food at Bucket o’ shrimps and more. Kami ni Achilles ang namili ng bibilhin. Well, ako talaga ang pinamili niya. I asked our friends and his brother but they just let us chose. Pinili ko ang seafood pancit, captain shrimps, shanghai rolls at ang kanilang mojo platter. Bottled water na din. 

“’Yan lang, baby?” 

Hindi siya nag aangat ng tingin sa akin. Ang atensyon niya ay nasa menu list pa. Tiningnan ko ang mga kasama namin sa mesa. Nag uusap sina Rico and Jo. Ganun din sina Jeric at Lean. Si Mabelle. Hay. Nakatingin na naman sa kumakanta malapit sa pwesto namin. 

“Okay na.” sagot ko. 

Tumango siya. Tumayo siya. Sumunod ako sa kanya patungo sa Bucket O’ Shrimps and more. Bumunot siya ng pera sa kanyang wallet. Pagkalabas niya ng pera ay may nakatakas na papel. Bumagsak ‘yon sa sahig. Agad kong pinulot at iaabot sana sa kanya pero . . . natigilan ako nang makita ang papel na ‘yon. 

“Thank you, Sir. Ihahatid na lang po namin ang order inyo.” 

“Thanks.” 

Tinitigan ko ang picture na pinagdikit ng scatch tape. Punit punit na ‘to noon. Binuo pa niya? 

I heard him sigh. Naagaw niya ang atensyon ko. Pakiramdam ko, ang puso ko naman ang pinupunit ngayon. 

Kinuha niya sa akin at sinilid ulit sa loob ng wallet niya. 

Tinitigan ko siya. Isang beses niya akong tiningnan habang sinusuksok ang wallet niya sa kanyang pantalon. He then, took my hand and intertwined our fingers. 

“Going back to the corner, where I first saw you. Gonna camp in my sleeping bed, I’m not gonna move . . .”

Umalingawngaw ang kanta na ngayon ay p-ni-perform ng dalawang artist. Hinila niya ako pabalik sa mesa namin. Maingay pero ang kalabog at kirot sa puso ko, mas nangingibabaw. 

Pambihira. Iyon ang regalo sa kanya no’ng mag birthday siyang kasama pa ako. Sinira ko na ‘yon pati ang picture na p-ni-rint ko. Bakit ‘di na lang niya tinapon? Pambihira! Nalulukot ang puso ko sa ginawa niya!

Naghintay muna kami sandali para sa aming order. Si Jeric ay nagyayang uminom after we eat. Nasinang ayunan agad ni Mabelle. Natawa si Jo at tumango rin. 

Wonder Wall (Touch #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon