Chapter 34

35.9K 2.4K 1.6K
                                    

“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon’, ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.” – Mateo 7:21

***

Chapter 34

Iris

Sumimsim sa tasa ng kape si Ridge. Tiningnan ko siya. Nagkibit balikat ito at tumingin sa ibang dereksyon. 

“Alam mo talaga ang address ko rito?” duda ko. 

Hindi ako magtatakang malaman niya kay Lennox. He probably told him about me. Pero ngayon lang? I mean, ngayon lang ba naisipan ni Achilles na ipa-annul nang tuluyan ang kasal namin? Ano’ng nagpahintay sa kanya?

Ridge sighed and looked at me. “Just open it and take it easy, Iris. Tama na ang ilang taong paghihintay. Life is short. Ang advice ko na lang sa inyong dalawa ng pinsan kong napakagago e, maging masaya na lang kayo sa buhay.”

Yumuko ako at tiningnan ang sobre sa kamay ko. “Madaling sabihin pero mahirap gawin.” 

Inabot niya ang buhok ko at magaang na hinaplos. “Mahirap lang sa umpisa. ‘Wag ka nang magsayang ng oras sa pagkimkim ng galit, Iris. Unahin mong palayain ang puso mo.”

I toyed the white enveloped in my fingers. Tears pooled in the corner of my eyes. And a pinch of pain was felt in my heart. Para akong pinilasan ng laman pagkasabi ni Ridge ng salitang palayain. 

When I sighed, lalong bumalong ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na pinigilan ang sariling umiyak ulit sa presenya niya.

Nang maisip kong magpatawad na lang. Iyon lang talaga ang salitang umiikot sa akin. Kasi akala ko, sapat na iyon. Na baka after years being away from him, humilom na rin ang sakit. 

Pero mas matimbang ba ang maging malaya kaysa magpatawad? 

Kung ganoon, pwedeng tanggalin ko na lang ang iniwang sakit at maging malaya, kaysa maghintay akong humilom mula rito? 

Bumalik ako sa loob ng bahay pagkatapos naming kausapin si Ellie. Bitbit ko ang sobreng galing kay Achilles. Wala akong ibang maisip na dahilan o laman nito kundi mga dokumentong gusto na niyang makawala sa kasal namin. 

Pumasok ako sa kwarto ko at tinago sa drawer ang sobre. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Hindi ko patatagalin iyon. 

Pagkaalis nina Ridge at Shane, pinatulog ko na rin si Miracle. Si mommy ang nagligpit ng huling kalat sa sala at kusina. Maaga namang nagpahinga si Nanay Flor at Brenda. 

Mag aalas onse ng gabi nang ilabas ko sa drawer ang sobre. Umupo ako sa gilid ng kama. Katabi ko si Mira na mahimbing ang tulog. Ngumiti ako. Bakit ko pa ba patatagalin ang pagkulong ko sa sarili, sa sakit at takot? Masyado kong pinaliliit ang mundo ko gayong may kaibigan akong nakakaintindi at handa pa akong tulungan. 

Maybe, kailangan kong paghandaan ang galit ni Achilles. Dahil sa pagsisinungaling ko noon. At ang pagkamatay ni Michael sa sunog. Ihahanda ko ang sarili sa kung anong klaseng galit ang ipapataw niya sa akin. 

I sighed the inner pain in my heart. 

Binuksan ko ang sobre. Gamit ang gunting, ginupit ko ang left side at hinila palabas ang isang bondpaper na nakatiklop. May initial reaction was, hindi documents? Walang naka print na kahit ano. 

I unfolded the paper. I was surprised and stunned that it was actually a--letter?! 

Galing kay Achilles ‘to? Damn. It was a one paragraph body of letter. Malalaki ang pagkakasulat niya at malaki rin ang space sa bawat linya. But still, he wrote me a letter? 

Wonder Wall (Touch #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon