Chapter 26

40.4K 2.2K 1.5K
                                    

“Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit! Ibibigay Niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!” – Lucas 11:13

***

Chapter 26

Iris

Para akong sinasakal ng galit ngayong katabi ko siya. Kung pwede lang akong tumalon sa sasakyang ito, kung ako lang ang masasaktan, gagawin ko. Hindi ko kayang tagalan ang presensya niya. 

Kaya pagdating namin sa bahay ni mommy, mabilis kong binuksan ang pintuan. Nahuli pati sa pagbaba ang tauhan niya para alalayan ako. Hindi ko sila pinansin. Nagdere-deretso ako sa loob ng bahay. 

Nasa sala sina Mommy at Romulo. Pati sila, mukhang pagod at puyat. May dalawang baso pa ng kape sa lamesita. My mother jumped from her seat and went to me. “Iris, anak, saan ka na naman nagpunta, ha? Hindi ka umuwi kagabi? Sobrang nag-alala ang asawa mo,” 

“Pinatayan mo rin siya ng tawag.” Dagdag ni Romulo. 

Pagod ako at puyat din. Pero kusang bumalong ang luha sa mga mata ko pagkakita kay Mommy. Nanginig ang labi ko. “M-mommy,” mahina kong sambit. 

Inipit ni Mommy ang mga takas kong buhok sa likod ng tainga. Pinagmasdan niya akong maigi. “Bakit, Iris? May masakit ba sa ‘yo?”

“She’s tired, ‘Mi. She needs to get some rest.” 

Tinanggal nilang pareho ang atensyon sa akin at binigay kay Achilles. Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. He even landed his hand on the small of my back. He caressed me. Hindi ko natagalan ang haplos niya. Bumulusok sa init ang ilong ko na parang naging tambucho. Agad ko siyang hinarap at tinulak palabas sa nakabukas na pinto. “Umalis ka! Umalis ka! Ayokong makita ka!” nagsisigaw ako. Wala na akong pakielam kahit magulat pa sina Mommy. Ayokong nandito rin si Achilles! 

“Iris!” boses ni Mommy. 

Tinulak ko nang tinulak si Achilles. Bumangga ang likod niya sa gilid ng pinto. Tumigil ako’t naghabol ng hininga. Nasa tabi ng pintuan ang bag ko at sa ibabaw nito ang jacket niya. Nakatitig siya sa akin. Hindi kumikibo. Pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil nandito ang Mommy ko. Ang galing niyang magkunwari. Magaling siyang magplano. 

Umaagos ang luha sa pisngi ko, madiin ang mga labi ko. “Umalis ka!!” sigaw ko sa mukha niya. 

He didn’t flinch. Ofcourse. He didn’t even blink. Why would he? I pushed my hands on his chest. Naalis ang likod niya sa edge ng pinto. Umatras siya. Nang makalagpas sa frame ng pintuan, right in front of his evil face—I slammed the door and locked it. 

I breathed out and held my swollen belly. Tumigas ang tiyan ko. Natakot ako. Nilingon ko sina Mommy. Romulo went to my aid and held my arm. Pinanood niya ang mukha ko. Inalalayan niya akong makaupo at pinakuha si Mommy ng tubig. 

“Relax, Iris. ‘Wag kang mag-panic.”

I closed my eyes. My lips a little parted. Panic? Maybe, I wasn’t nervous. I was scared and I panicked because of Achilles’ presence. 

Pinakalma ko ang sarili. Uminom ako ng tubig. Hinayaan ako nina Mommy na makapagpahinga kaunti bago ako inakyat sa kwarto ko. Hindi ako iniwan ni Mommy. Pero hindi rin siya nagtanong. Nang tangka niyang iwan muna ako, mabilis kong hinawakan ang kamay niya at tiningnan siyang deretso sa mga mata. 

“’Wag niyo pong papasukin si Achilles dito. Paalisin niyo siya, Mommy. Paalisin niyo siya.” Madiin kong sabi. 

Alam kong hindi niya ako maiintindihan ngayon. Ipapaliwanag ko kahit paunti-unti. Hindi naman nagtanong pa si Mommy. Tinitigan niya ako bago marahang tumango. 

Wonder Wall (Touch #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon