CHAPTER 3

12 1 0
                                    

~~~~~~~~~~

"Ate,gising na! Uy!" yinuyugyog na ako ni Kat-Kat

"A-anong oras na ba?!"

"6:15am na kaya! late ka na!"

"HA?!"

Bigla akong napabangon sa kama ko the next I know tumakbo na ko papunta sa banyo, nakadalawang subo lang ako ng pagkain, napagalitan pa nga ako ni Mama eh. Pero ang importante, hindi ako nalate.

"Good morning Klarizze!"

Tignan mo nga naman kung sino ang bumabati,

si Marian..

Nag smile lang ako sa kanya tapos dumiretso ako sa upuan ko.

"Sav, anong nakain nung babaing yun?"

"Well, hindi ko alam, nasobrahan siguro sa kape kaya ayan high na high, kahit nga di niya kilala binabati niya."

"Napaka FC n--"

"UUYY!!" tinatawag kami ni Michael

"Bakit ba parang ang saya mo?"

"Sabi kasi ni Ma'am may seating arrangement daw tayo ngayon!"

"HA?" seating arrangement daw?!

"So it means,magkakahiwahiwalay tayo ng upuan?"

I hate seating arrangements, madalas kasi its done alphabetically and since "T" ang start ng lastname ko its either nasa pinakalikod or nasa unahan,may teachers kasi na gusto sa huli nag uumpisa.

Ayan, nag alarm na nga..

God,please,wag alphabetical...

“Class, all of you stand up..I’m going to arrange you alphabetically..”

Oh please!!

Nag umpisa na si Ma’am, pero buti na lang hiwalay ang girls sa mga boys, as usual nasa last row ako, buti nga kasama ko si Savannah dun eh. Si Michael nasa unahan, may 1 row na pagitan samin yung row ni Kelly. Hindi pinagtabi si Michael tsaka si Felix dahil dun sa incident kahapon, nagging pagitan nila si Jericho, yung skinny genius.

Nung recess nagipon-ipon ulit kaming apat sa labas ng room, panay ang reklamo ni Kelly dahil ayaw niya dun sa upuan niya, puro daw kasi MEAN GIRLS yung katabi niya, mas pipiliin niya na lang dawn a katabi si Michael araw-araw. Kami ni Savannah okay na kami sa likod, si Kris walang imik, himala nga yun eh.After recess, may pumasok na subject teacher  samin, sa TLE, and since hindi niya pa naman kami kilala, intro ever naman ang trip niya. Simple lang naman parang nung elementary, name, age, address, hobbies, talents..etc. Yung mga boys yung inuna niya, halos lahat eh puro computer and online games ang hobbies, hi-tech na daw eh..sa girls nag umpisa siya sa huli..at syempre..

AKO ang una.

“Hi. I’m Klarizze Angelica Tuazon. I’m 14 years old, my hobbies are reading books, net surfing, writing poems and stories, hanging out with my friendsand..” Sige na nga sasabihin ko na ‘to..”Playing Gameboy”

“Whoa.Cool! Let’s play sometime” Si Felix pala, akala ko kasi kung sino..

“Mr. Alfonso, please be quiet while someone is still talking in front.”

Ayan napagalitan na tuloy. Buti nga!!

After nung subject nay un Geometry naman yung sumunod, may assignment nga agad eh. Nakakainis, ang hina ko na nga sa Geometry terror pa yung teacher naming. Paano na ko nito? Dala-dala ko yung stress sa Math hanggang sa bahay, hindi nga ko makausap ng ayos ni Mommy eh. Hinahanap ko yung calculator  pero hindi ko mahanap. Last drawer na yung nabuksan ko pero hindi naman calculator yung nahanap ko..

One Permanent ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon