-----------------------
Chapter 6
Game Day
6:30 AM, nasa school na ako, pagpaok ko ng room walang tao kahit Saturday ngayon pwedeng pumasok kasi preparation day for Club Selection ngayon. Every club sa school magtatayo ng booth para sa recruitment.
Pag upo ko dun sa upuan ko sa classroom tsaka ko lang napansin yung nakasulat sa blackboard..
'Punta ka dito sa garden, dito tayo magtutuos
--Felix'
May ganun? Grabe! Paran namang buhay ang nakataya sa game na 'to ah. Para talagang bata si Felix.
Half way na ko papunta sa garden ng biglang nag ring yung phone ko. Hindi nakasave yung number, sino naman kaya ang tatawag sakin ng ganito kaaga??
"Hello?"
"Hello, Klarizze?"
"Oh, Jericho ikaw pala bakit ka napatawag?"
"Itatanong ko lang sana kung may gagawin ka ngayon?"
"Err..meron eh. bakit ba?"
"Sayang yayayain sana kitang mag practice para dun sa contest."
"Aww..sorry ha, occupied kasi ako ngayon eh."
"Sige aos lang naman..Bye."
"Ok. Bye."
Naku, sana maaga mo na lang sinabi para nakaligtas pa ko dito sa deal namin ni Felix.
HAI NAKU...
----------
Pag dating ko ng garden, wala namang tao, nasaan naman kaya si Felix??!!
"Hoy!!"
Nagulat ako ng tawagin niya ko, nasa taas pala siya ng puno. Lokong 'to, aatakihin pa ako sa puso eh!
"Gamegirl, bakit ang tagal mo??Muntik na kong manalo. Winner by default na sana."
"Akala ko sa room eh kaya dun ako pumunta tapos nakita ko yung note mo. Tsaka haler, ako magpatalo by default?? You wish!!"
"Sabi mo eh. Bilisan mo na, umakyat ka na dito para maumpisahan na."
"Ako? Aakyat ng puno?"
Err..never ko pang natry!!!
"Akyat na!"
"Aba kung makapag utos ka akala mo panalo ka na ah. Hoy, hindi pa tayo nagsisimula!!"
"Kaya nga pinapaakyat kita para makapagsimula na tayo di ba??"
"Err..hindi ako marunong eh."
Tumawa siya ng malakas. Totoo naman eh, hindi talaga ako marunong!! Never ko pang natry simula nung bata ako.
"So it's true??"
"True ang ano??"
"Na ang kinikilalang Gamegirl ng campus was once a spoiled brat??"
Teka, papanung..Err.never mind!!
"And so??"
"Nah. Nagresearch lang naman ako about sa kaaban ko. Mas mabuti na yung may background check eh."
At panu niya naman kaya nagawa yung research na yun eh halos wala pa namang nakakakilala sakin dito. Hay naku nakakainis talaga..ARGH!! Wala na akong choice kundi pilitin ang sarili ko na umakyta g puno. Umapak ako dun sa malaking bato para maabot yung sanga, naku nman para akong sa monkey bar. From there hindi ko pa rin abot yung kinalalagyan niya.