&.&.
Isang salita na may limang letra.
Simpleng salita na kayang mag wakas ng kahit na anong relasyon.
Salitang lagi nilang sinasabi sa bawat pagtatalo.
Salitang laging dinadahilan.&.&.
Pagod?
Kung pagod ka magpahinga ka.
Walang hindi nakakapagod dito sa mundo.
Kaya masanay tayo.&.&.
Kung mahal mo kahit anong pagod mo ipaglalaban mo.
Hindi yung basta-basta ka nalang susuko dahil pagod ka na.
Hindi lang naman ikaw ang napapagod.
Ako rin, pero ni minsa’y hindi sumagi sa isip ko na bumitaw dahil sa pagod.&.&.
Kaya ipaahinga.
Hindi rason ang ‘Pagod’ para sirain ang relasyon.
Hindi rason ang ‘Pagod’ para sumuko ka.
At hindi rason ang PAGOD para manakit ka ng taong minahal ka.Dedicated to: @Black_MidnightGame
4sky_moon
BINABASA MO ANG
Tula Compilation [Complete]
PoetryAng nilalaman ng librong ito ay puro tula lamang, tungkol sa pag-ibig, kasawian, pamilya, at iba pa. Wala akong espesepekung paksa tungkol sa aking sinusulat na tula nawa ay magustuhan ninyo. Complete Tula Compilation Written by: 4sky_moon