13 : Paghanga

127 7 0
                                    

&.&.
O, nandito na naman ako.
Magsusulat ng tula para sa iyo.
Para sa taong pinakahahangaan ko.
Alam ko namang malabong mapansin mo ako, pero.
Ang tulang ito ay para sa iyo.

&.&.
Unang sulyap ko palang sa iyo'y nabihag mo na ang aking puso.
Hindi ko nga mawari kung anong meron sa mga tingin mo.
Basta't ang alam ko sa tuwing magtatama ang ating mga tingin.
Tila ba bumabagal ang lahat at tanging ikaw lang ang aking nasisilayan.

&.&.
Nakakatawa ngang pakinggan 'no?
Kay dali mo lang nabihag ang puso ko.
Pero alam ko namang kahit kailan hindi ko mabibihag ang sa iyo.
Kasi matagal na palang may nagmamay-ari ng puso mo.

4sky_moon

Tula Compilation [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon