01: Pag-ibig na Pinalaya

363 11 0
                                    

&.&.
Sa hindi inaasahang oras at panahon, ikaw ay dumating sa aking buhay na naging dahilan upang makulayan ang madilim kung mundo.
Isang taong hindi ko inaakalang mamahalin ako nang walang halong pagdududa, totoo at buong-buo.
O kay sarap magmahal lalo na at pareho kayong masaya at kuntento.
Pagmamahalan na kailan man ay hindi nawawasak ng kung sino man ang manggugulo.

&.&.
Ako’y lubos na nagagalak nang makita kitang naglalakad palapit sa akin.
Suot-suot mo ang iyong paboritong puting bistida, habang nakangiting nakatanaw sa akin.
Sa panahong iyon hindi ko lubos mapigilang itago ang mga ngiti na noo’y naka-ukit sa aking mga labi.
Isang babaeng kay gandang magmasdan kailan man, ngunit sinta tila ba’y kay bilis mo namang lumisan sa aking tabi.

&.&.
Lumubog ang araw nang masaya tayong nag ku-kuwentuhan, ngunit hindi ko inaasahan na pag akyat ng araw mga luha pala ang kapalit ng mga kasiyahan.
Hindi ko man inaasahan ang iyong paglisan, sinta mananatiling ikaw ang aking kasiyahan.
Mahirap man tangapin na ngayo’y ako’y iyong nulisan, ngunit tatanggapin ko ang iyong pasya.
Mahal kita, kaya pinapalaya na kita, ang nais ko lamang ay maging masaya ka sa kahit na ano man ang iyong pasya.

Dedicated to: Imrayya
4sky_moon

Tula Compilation [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon