Chapter Four

413 10 4
                                    

Hindi ko na lang pinansin ang tanong na iniwan sa akin ni Sir Vince. Nagligpit na lang ako ng mga kalat sa loob ng bahay. Malinis pa rin naman ang bahay kaya wala na kami masyadong aayusin ni Letlet. Inisip ko na lang kung ano ang lulutuin ko para sa tanghalian at hapunan mamaya. Ang sabi sa akin ni Letlet ay tuwing wednesday at saturday siya namimili ng perishable goods. Ito rin daw kasi ang gusto ni Sir Vince. Fresh ang pagkain na bibilhin kaya two times a week kung mamili si Letlet.

"Ate Gail, ako na ang mag-aayos dyan." Saway sa akin ni Letlet nang makita niya akong inaayos ang mga gamit sa living room.

"Letlet, saan ang probinsya mo?" Magandang bata itong si Letlet. Bukod doon ay matangkad din ito. Pwede nga itong pumasa na flight stewardess. Siguro kung may maayos na buhay ako ngayon at nakilala ko itong si Letlet, hindi ako magdadalawang-isip na pag-aralin siya.

"Sa Iloilo po." Diretsong sagot nito sa akin habang nag-aayos kami.

"Paano ka naman napunta dito sa Davao? Nandito din ba ang mga magulang mo?" Napansin ko ang bigla niyang pagkalungkot.

"Hindi ko po alam kung nasaan ang mga magulang ko. Ibinenta po nila ako sa isang sindikato at nakatakas po ako kaya nandito na ako ngayon sa pangangalaga ni Sir Vince." Sinong matinong magulang ang gagawa noon sa anak nila? Malaki ang potensyal ni Letlet kung pinag-aral nila 'to at hindi ibinenta sa sindikato. Nakakainis lang din dahil pwede naman nila iwan sa bahay ampunan o sa DSWD si Letlet, hindi 'yon sa sindikato na kung saan gagamitin sila para gumawa ng masasamang bagay.

"Tumagal ka ba ng buwan sa mga sindikato? Paano ka nakatakas? Isinumbong mo na ba sila sa pulis?" Umiling-iling lang si Letlet. Bakas sa mga mata nito ang takot. Naaawa ako sa kanya dahil sa murang edad ay naranasan na niya ang mga ganitong bagay.

"Noon iniwan nila ako sa isang lugar para magnakaw ng pera ay nakatakas ako sa tulong ni Sir Vince. Siya po ang dapat na nanakawan ko kaso nahuli niya ako. Noon napansin po ng taga-bantay ko na nahuli ako at hindi ako nakapagnakaw, kinaladkad niya ako pabalik sa van. Kumapit ako nang mahigpit kay Sir Vince noon at hindi niya ako binitawan hanggang sa nakuha ng ibang bata ang atensyon ng taga-bantay. Pagkatalikod na pagkatalikod ng taga-bantay ko, isinakay ako ni Sir sa kotse niya at dinala nga po dito sa bahay niya." Kwento nito sa akin. Nag-eexist pa pala ang mga sindikato na tulad noon ngayon. Ngayon ko napatunayan na may busilak na puso si Sir Vince. Pero, hindi ko din maiwasan isipin, paano kung balikan ng sindikato si Letlet? Paano na lang si Vince? Malalagay silang pareho sa panganib kapag nangyari iyon. Syempre, hindi nila sasayangin ng ganon na lang ang pera na binayad nila sa mga magulang ni Letlet. Paano kung... nevermind. Hindi naman siguro magagawa ni Letlet kung ano man ang nasa isip ko ngayon.

Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan habang naglilinis. Hindi namin namalayan ang oras kaya late na kami nakapag-lunch. Marami-rami din akong nai-kwento sa kanya. Isa na doon ang dahilan ng pagkasira nang mukha ko. Mabilis ko lang nakagaanan ng loob si Letlet dahil parang kapatid na rin ang turing ko dito.

Nang bandang hapon ay nagpahinga muna kami sa pagaayos. Naayos na din naman nadin lahat ng kalat at malinis na ulit tingnan ang bahay ni Sir Vince. Nakaupo ako ngayon sa loob ng tinitirhan na maliit na bahay ni Letlet. Infairness, kumpleto sa gamit itong bahay. Pero halatang pang-isang tao lang tao.

Dare To Love Me (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon