Chapter Fourteen

12 0 0
                                    


Alam niyang hindi madali tanggapin ang lahat. Out of all people, si Apple lang ang nakakaalam ng pinagdaanan niya kay Princess. Kaya hindi niya masisisi si Apple sa naging reaksyon nito nang makita siya.

"Apple, I'll explain everything." Turan niya. She can see the hurt and disbelief in Apple's eyes.

"Hindi ko alam kung paano mo nakayang itago sa akin 'to, Gail. But I'm giving you a chance to explain. Because that's what 'best friends' are for, right?" Sarkastikong sambit nito. Nakahalukipkip lang ito sa harapan niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging sunod na hakbang niya. Alam niya ay kailangan niya ito makausap ng pribado at hindi dito sa lobby ng hotel.

"Apple... I'm sorry. Puwede ba tayo mag-usap sa ibang lugar?" Nagsimula maglakad si Apple palayo sa kanya. Sinundan niya lang ito hanggang sa makarating sa harap ng sasakyan niya. Sumakay siya doon nang makita na pumasok din si Apple.

"Simulan mo sa simula, Gail. At huwag kang mag-iiwan ng detalye. Gusto ko malaman ang lahat." Huminga siya ng malalim bago kinuwento sa kanya ang lahat. Hindi siya makatingin ng diretso dito dahil sa hiya at guilt ng pagtatago ng totoo dito.

"Naalala mo ba noon sinabi ko na mag-aapply ako ng trabaho? Nag-apply ako bilang kasambahay sa isang bahay malapit sa apartment. Natanggap ako at nagsimula ako mag-trabaho sa kanya, kay Vince." Ngayon lang niya napansin, ni minsan ay hindi nabanggit ni Vince ang buo niyang pangalan. Ni hindi rin niya nakuhang itanong iyon dahil gumaan kaagad ang loob niya dito.

Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita habang si Apple ay nakikinig sa kanya. "He offered me a deal. In exchange of plastic surgery, magkukunwari akong fiancee sa harap ng pamilya niya." Nanlaki ang mga mata ni Apple nang marinig ang tungkol sa deal.

"At pumayag ka, obviously."

"I'm so sorry, Apple. Iyon lang ang nakita kong paraan. Gusto kong ibalik ang dating buhay ko. Ang dating ako." Nagsimulang tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya. Masakit pa rin sa kanya hanggang ngayon. Kung hihingi ng kapatawaran si Princess ay hindi niya alam kung mabibigay niya 'yon.

"Gail, may pamilya ka. Pero mas pinili mo ang ibang tao kaysa sa kanila. Mas pinili mo makipagsundo at gawin komplikado ang buhay mo." Bawat salita ni Apple ay tumutusok sa puso niya. Truth hurts.

"I-i know. Pero hindi ko rin kaya na sirain ang saya na nakita ko kay mama noon dumating si papa. Ayokong mag-alala sila sa akin. Kaya mas pinili ko magsabi sa'yo at kay Vince." Simula noon dumating ang kanyang ama ay doon lang niya nakita ulit ang mga ngiti sa mukha ng kanyang ina. Mas maaliwalas ang itsura ng kanyang ina ngayon kaysa noon. 

"Noon nasira ang mukha ko, gusto kong lumayo. Gusto kong magtago sa lahat kaya nagawa kong iwan si Ethan, iwan ang buhay ko dito. May oras na nagagalit ako sa sarili ko dahil alam kong ito ang gusto mangyari ni Princess. Hinayaan ko siyang sirain ang buhay ko." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Tila hindi pa sapat ang mga luha na nilabas niya noon.

"Gail... Naiintindihan ko, ang hindi ko lang matanggap ay nag-lihim ka sa akin."

"Sorry... Sa kagustuhan kong maayos ang mukha ko at bumalik sa dati ang lahat, tinanggap ko ang deal ni Vince. Bukod sa'yo, si Vince ang isa sa mga tao na tinanggap ako sa kung ano itsura ko noon. Ni minsan, hindi niya pinakita sa akin na nandidiri siya sa itsura ko." Simula noon interview siya nito ay wala siyang nakita na kahit anong awa sa mukha nito. Inalagaan siya nito hindi lang bilang kasambahay kundi bilang kaibigan na rin.

"Mabuti naman. So, tell me. Anong nangyari sa California?"

"Tumira kami sa vacation house nila ni Vince. Kaibigan niya ang nag-ayos ng mukha ko at nagkita kami nila mama ng 'di sinasadya." Napasinghap si Apple. Tinutulak na siya ng tadhana sa pamilya niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dare To Love Me (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon