Panibagong araw, panibagong hamon sa buhay. Iniisip ko kasi ngayon kung paano ko i-eexplain kay Apple na mawawala ako ng ilang buwan, dahil nga lilipad kami ng US para ipaayos ang mukha ko. Ang sabi ni Sir, madali lang naman daw maaayos ang mukha ko, ‘yon healing ang matagal. May kakilala daw siyang surgeon doon kaya tiwala siyang maaayos ‘tong mukha ko. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, syempre, naninigurado lang ako. Baka mamaya, imbis na maayos ay mas lalo pa palang masisira ang mukha ko. Isa pa, alam kong malaki-laki ang gagastusin niya para sa akin kaya ayaw kong masayang ‘yon.
As usual, nandito na naman ako sa bahay ni Sir Vince para magtrabaho. Hindi alam ni Letlet na aalis kami. Mas maaga daw kasi, mas maaga makakabalik at isa pa, malayo-layo ang byahe naman papuntang US. Wala na din naman kasing problema sa mga papeles ko. Kasama sa mga pinadala ko kay Apple noon ang passport ko kaya visa na lang ang problema. Pupunta nga dapat kami ngayon ni Sir Vince sa US Embassy kaso lang, may importanteng meeting daw siyang puntahan ngayon kaya baka bukas na lang daw kami kukuha ng visa.
“Letlet? Tapos ka na ba maglaba?” Tanong ko dito habang nasa kusina ako at nagluluto ng tanghalian namin. Malapit na kasi ako matapos sa pagluluto at sabay na kaming kakain. Nang hindi sumagot si Letlet ay hinayaan ko munang kumulo ang kalderetang baboy na niluto ko. Ito na rin ang ihahain ko mamaya kay Sir Vince.
Lumabas ako papunta sa likod bahay at hindi ko nakita si Letlet. Tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa tinutuluyan nito at pagtapat ko sa pinto ay nakarinig ako ng sigaw mula sa loob.
“Anong sinabi mo?! Huwag! Please…” Sino kaya ang kausap nito at kailangan pa niyang makiusap ng ganito? Narinig ko din ang pag-iyak nito sa loob. Kakatok na sana ako pero ang sumunod na mga salitang lumabas sa bibig niya ang pumigil sa akin.
“O-Oo. Sige, gagawin ko na ang gusto niyo. Huwag niyo lang sasaktan ang mga magulang ko.” Teka, teka! Magulang? Hindi ba’t ibinenta siya ng mga magulang niya? Paanong… Mabilis akong bumalik sa loob ng bahay ng marinig ko ang yabag niya. Pagbalik ko ay agad kong pinatay ang pinapakuluan kong kaldereta. Medyo matigas pa kasi ang baboy kanina pero ngayon ay malambot na. Sarap.
Saktong paglipat ko ng kanin sa isang bowl ay pumasok ulit si Letlet. Tiningnan ko siya ng maigi at namumula ang mata niya indikasyon na galing siya sa pag-iyak. Naghain na ako ng pagkain sa maliit na lamesa sa loob ng lamesa at sinabihan siyang maupo na lang nang bigla niya akong tulungan sa pag-aayos.
“Letlet, ako na. Maupo ka na lang doon.” Sinunod naman ako nito kaagad at hinintay akong matapos. Umupo na rin ako at sabay kaming kumain. Tahimik lang siya. Ano kayang bumabagabag dito at ano nga bang totoo? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa mga narinig ko kanina. Posible kayang hawak pa rin siya ng sindikato? O baka naman may ibang dumukot sa mga magulang niya? Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung paano ko i-eexplain sa kanya kung paano ko nalaman ang tungkol doon. Naguguluhan na ako.
“May problema ka ba?” Hindi ko naiwasang itanong sa kanya. Gail, ano ka ba naman! Eh, wala naman sigurong masama diba? Pinagkakatiwalaan niya ako at baka may makuha pa akong impormasyon. Siguro, magpapahaging na din ako tungkol doon sa narinig ko.
“A-Ate…” Natigil siya sa pagkain at yumuko. Nagsimula na naman tumulo ang mga luha sa mata niya. Ganoon ba kabigat ang problema na dinadala niya ngayon? Kung ikukumpara sa akin, ang sago t ay oo. Hinintay ko siyang magsalita ulit pero iniling-iling lang niya ang ulo niya. Nagdadalawang-isip siya.
BINABASA MO ANG
Dare To Love Me (Sequel)
RomanceCurious about what will happen to Gail and Ethan? Read this to know more about them.