Chapter Three

438 11 1
                                    

Alas-nuwebe na ako ng gabi nakauwi sa bahay na tinitirhan ko. Lutang ang utak ko simula noon tumawag si Ethan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang number ko. Hindi kaya binigay ni Apple? Pero, imposible. Sa tinagal-tagal na namin magkausap ni Apple, bakit ngayon lang niya ibibigay ang number ko kay Ethan?

Mabuti na lang at hindi na nagtanong si Sir Vince tungkol sa nangyari. Mukhang i-rerespeto na niya ang salitang ‘privacy’ simula sa araw na ‘yon. At katulad kaninang umaga ay sinabay niya ako ulit sa pagkain ng dinner. Kasama na rin namin si Letlet. Nagulat nga ako ng ayain niya kaming kumain kasabay niya dahil parang ang weird diba? Amo tapos kasabay kumain ang mga katulong? Ang weird diba? At saka usually naman, hiwalay naman talaga kami kapag kakain sa kanila.

Naisip ko din, baka nalulungkot si Sir Vince dahil siya lang mag-isa ang nakatira sa bahay na ‘yon. Sabi nga sa akin ni Letlet ay ‘yon ang unang beses na inaya siya ni Sir na kumain kasabay niya. Madalas daw ay nagpapahatid ‘yon ng pagkain sa kwarto niya tapos kukunin na lang niya kinabukasan ‘yon tray. Parang ang lungkot-lungkot ng buhay niya. Oh, well. Hindi ko na problema ‘yon. May mas malaki akong bagay na dapat problemahin.

Habang nakahiga sa kama ay tinawagan ko si Apple. Pinapahinga ko kasi ang kamay at paa ko sa maghapong pagtratrabaho. Sana gising pa siya. Gusto ko talaga siyang makausap at para maibalita ko na rin dito na nakahanap na ako ng trabaho.

“Hello?” rinig kong turan niya sa kabilang linya. Medyo maingay sa paligid. Nasa bar ba si Apple? Anong ginagawa niya sa bar? Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi ‘yon mahilig mag-bar. Depende na lang kung doon siya dinala ni Lee, ang boyfriend nito.

“Apple? Nasa bar ka ba?” tanong ko dito. Humina ang ingay na naririnig ko. Siguro ay lumabas ito ng bar para marinig ako ng maayos.

“Uh, Gail. Sorry talaga. Hindi ko talaga alam. Bakit ko nga ba kasi binigay ‘yon eh. Ang tanga-tanga ko talaga.” Huh?

“Ano? Wala pa akong tinatanong, Apple. Explain.” Napaupo ako sa kama at hinihintay ang explanation niya.

“Kasi, ganito ‘yon. Kasama namin si Ethan ngayon dito sa bar. Birthday kasi ng common friend nila. Pagkatapos kanina, lumapit siya sa akin at tinanong kung pwede daw ba niya makuha ang number mo. Ano, pumayag ako that time kasi may kausap ako. Nawala sa isip ko na ayaw mo nga pala ipaalam sa kanya ang number mo. I’m so sorry, Gail. Sorry talaga.” Mahabang paliwanag nito sa akin. Naitakip ko ang isang kamay ko sa mukha ko. Ganon pala ang nangyari kaya nakuha ni Ethan ang number ko.

“O-Ok lang, Apple.” Sambit ko dito dahil ilang beses pa siyang nag-sorry sa akin sa kapabayaan niya. Hindi ko kailangan ibuntong lahat ng kasalanan sa kanya dahil ginusto ko ‘to at desisyon kong lumayo sa kanila. Desisyon kong itago ang nangyari sa akin.

“I’m sorry, Gail.” Hay. Napabuntong-hininga ako. Ang kulit din ng isang ito. Pero, kahit ganyan ‘yan, mahal na mahal ko ‘yan.

“Ok nga lang, Gail. Pwede naman ako magpalit ulit ng number.” Usal ko. Madali lang naman ako makakapagpalit. Iilan lang din naman silang nasa phonebook ko. Kapag sumweldo na ako ay bibili kaagad ng bagong simcard.

“Tumawag ba siya sa’yo?” usisa nito.

Dare To Love Me (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon