Chapter Thirteen

14 0 2
                                    




Manila, Philippines


Naglalakad na sila ni Vince ngayon papunta sa baggage claiming area para kuhanin ang mga maleta namin. Mas lalo kinakabahan si Gail ngayon dahil nasa Manila na sila. Konting kembot na lang at makikilala na niya ang pamilya ni Vince. Iniisip niya kung makakahalata ba ang pamilya niya mamaya na hindi siya tunay na fiancee nito. Shocks. Parang gusto niya nang umatras, parang gusto niyang bumalik sa pamilya niya sa California. Pero hindi pwede, ito ang kasunduan nila ni Vince.

"Gail, let's go." Bumalik siya sa huwisyo nang makitang puno na ng maleta nila ang cart na hawak ni Vince. Sumunod naman siya dito at naglakad palabas ng airport. Hinawakan niya ito sa braso kaya napatigil ito sa paglalakad at binaling ang tingin sa kanya.

"Why? Do you need anything? Nagugutom ka na ba?" Napatingin siya sa relo na suot niya. Lunch time na pala. Gail, ano bang ginagawa mo?

"V-vince, do you think we can postpone the meeting? Napagod kasi ako sa biyahe. You know, jet lagged." Diretsong nakatingin si Vince sa kanya at ganoon din siya. Halata sa mga mata nito na pagod din siya sa byahe. Almost 16 hours din kaya 'yon dahil sa layover. Kahit na sabihin pa na business class ang seats nila. Iniispoil talaga siya ni Vince.

"You're right. We'll check in to a hotel first before going to the house. Besides, I want you to fully prepare yourself." Hinaplos ni Vince ang pisngi niya bago binalik ang atensyon sa cart. It's one of those things that makes her heart melt. Iniling-iling niya ang ulo niya. Makes your heart melt ka pa nalalaman, Gail.

Habang hinihintay ang car service na binook ni Vince ay biglang nag-ring ang phone ni Vince. Nagbago ang itsura nito at naging iritable.

"Hi, mom. Yes, we're still at the airport." Turan nito. Naku, baka kinukulit na siya nito na magpakita sa kanila. Mukhang gustung-gusto na talaga ng mom nito na mag-asawa ito. Hindi pa naman siya ganoon katanda. Siguro dahil na rin sa trabaho nito kaya hindi ito makapaghanap ng aasawahin.

"Okay." Pagkababa ng tawag ni Vince ay hinakawan siya nito sa kamay.

"It's mom. She moved the family dinner to Saturday. May kailangan daw silang asikasuhin with my brother this week." Lumawak ang ngiti niya kay Vince. May three days pa siya para mag-prepare. Baka pwede siya makipagkita kay Apple. Just thinking of the idea excites her. Sobrang miss na niya si Apple.

"That's good news. Makakapagpahinga tayo ng mahaba." Vince kissed the back of her hand. Simula na ba ng engaged couple act nila? Kung oo, hindi siya dapat mailang kay Vince. Kailangan ko tandaan na palabas lang ito lahat. The last thing that she wants is to create another complication. Masyado nang magulo ang lahat, hindi na niya dapat dagdagan pa iyon.

Dumating na ang service nila kaya naman tinanggal na ni Vince ang kamay nito. Nauna na siyang pumasok sa sasakyan habang si Vince ay nilalagay ang maleta sa likuran ng SUV. Nakatitig lang siya sa labas at hindi pa rin siya makapaniwala na nandito na siya sa 'Pinas. Gusto na niya makausap si Apple. Gusto na niya sabihin ang totoo para mabawasan ang bigat na dinadala niya.

***

Agad niyang hinanap ang kama pagkapasok niya sa serviced apartment niya. May living room, bedroom, kitchenette at bathroom. Si Vince ay nasa likuran lang niya at bitbit ang mga maleta nila.

"Thank you, Vince." Bumangon siya at kinuha sa kanya ang maleta bago binuksan iyon. Gusto na niya mag-shower at magpalit ng damit. Nilalagkit na kasi siya dahil sa init ng panahon sa 'Pinas. Kung sobrang lamig sa California, dito naman ay mainit. Buti nga at hindi siya tinablan ng sakit habang nasa California.

Dare To Love Me (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon