- 145 -

88 6 2
                                    


EPILOGUE

"Ma'am? Boyfriend mo talaga 'yan?" tanong ng isang estudyante ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ma'am? Boyfriend mo talaga 'yan?" tanong ng isang estudyante ko.

Kasalukuyan akong nasa Wellspring Integrated School for my Field Study, kung saan pumupunta kami sa naka-assign sa aming school para mag-observe ng mga klase.

Nakatitig kasi ako sa wallpaper ko, picture ni Uno, dahil nami-miss ko na siya. Parehas kaming busy lately, ilang araw ko na siyang hindi nakikita.

"Hindi ba artista 'yan, Ma'am?" tanong pa ng isa.

Gusto ko silang paikutan ng mata. I even showed them our pictures together before, pero napagbintangan pa ako na baka raw edited lang. Ang hirap din talaga kapag may sobrang gwapo kang boyfriend.

Bumuntong hininga ako, "Kung ayaw n'yong maniwala, wala na akong magagawa."

"May IG ba siya, Ma'am? Tingin po!"

Sinabi ko sa kanila ang username ni Uno, and they were all shocked to see my face there. I was used to this, kaya hindi na ako na-offend. Hindi naman sa ano, pero syempre, I liked bragging about my boyfriend.

Yes, akin ang gwapong nilalang na 'yan!

When it was time to go, nagpa-pirma ako sa Resource Teacher ko at nagpaalam nang babalik sa campus. I was near the gate of the integrated school when I saw a tall figure, waiting for me.

"Uno!" tumakbo agad ako papunta sa kanya, at sinalubong niya ako ng isang napakagandang ngiti. Kulang na lang dambahin ko siya ng yakap, but since I was a student teacher and we were in school grounds, I settled for his hands. "Mahal! Sinusundo mo 'ko?"

Uno squeezed my hand tight, "Of course. Kumain ka na?"

"Hindi pa!"

"Saan mo gustong kumain?"

"Samgyup! Teka, wala ka bang klase?"

"Mamaya pa."

Magkahawak kamay kaming lumabas ng school, kung saan naka-park ang kotse niya. Uwian na rin ng mga estudyante, kaya syempre, na kay Uno ang tingin nilang lahat.

"Uy, si Ma'am Darryl!" dinig ko pang tawag ng isa sa mga students ko. "Ang pogi po Ma'am!"

Nginisihan ko sila, bago sumakay sa sasakyan ni Uno.

"Ma'am." Uno muttered, holding my hand again. "Ma'am Darryl."

"Yes, Engineer Uno?"

He chuckled and kissed the back of my hand, "Na-miss lang kita."

Kung pwede ko lang talaga siyang talunin at yakapin! Hinalikan ko na lang din ang kamay niya, which took my boyfriend by surprise. "Me, too."


Her OppaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon