- 143 -

118 7 1
                                    


1ST YEAR COLLEGE
APRIL 2015

1ST YEAR COLLEGEAPRIL 2015

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gusto ko nang umuwi, mahiga at matulog. Baka pag-uwi ko, panaganip lang ito lahat. This week was already bad as it was the exam week, but surprise, surprise, may ilalala pa pala.


Mylo told me about this girl na crush niya, at gustong ligawan. She was from a different university, and I didn't know her! Saang lupalop niya 'yon nakilala? He barely even knew her! Tapos liligawan niya na agad?


Tangina.


Paano ako?


Hello? I was with him ever since?


Ang akala ko...


Maiiyak na naman ako. Kanina pa ako nagpipigil eh, gusto kong ibuhos lahat pagdating sa bahay, pero si Lavender, nakisabay pa. Lilipat na raw sila sa Lancaster sa June, so she had to transfer sa Southern U next school year.


Double tangina lang.


Broken hearted na nga, may lalayo pang kaibigan?


"Gaga ka, hindi na ba ako babalik? Bakit ka umiiyak?" Lavender nudged me, inabutan pa ako ng tissue.


"Paano na kami?" naiiyak na sabi ko. I would tell them about Mylo tomorrow, hindi ko pa kaya ngayon. Masyado pang fresh.


"Lav namin!" Hetty was crying now too, she stood up from her seat to hug Lavender.


"Hindi ba pwedeng dito ka na lang?" tanong ni Riley. "Mag-dorm ka, gano'n. Nasa East U ka na, baka maging irreg ka sa West U. Madadagdadagan ka ng isa pang taon, gusto mo 'yon?"


"Oo nga Lav," segunda ni Diana. "Kaya mo kaming iwan?"


"Para namang mamatay ako, lilipat lang naman kami." Lavender sighed and rolled her eyes na para bang hindi big deal ang paglipat niya. She was just like that, pero alam naming lahat na deep inside, she was the saddest among all of us. "Alam n'yo namang ayaw nalalayo sa'kin ng parents ko. And I need to be with them."


"We need you with us too." sabi ko ulit matapos kong suminga sa tissue.


"And I will be. Hindi naman eroplano ang sasakyan ko pabalik dito."


"It's still an hour or two drive." Riley countered.


Lavender raised a brow, "Hindi ko ba kayang mag-drive? Mag-commute?"


Diana stood up too, to hug Lavender. Siksikan na kaming lima sa pang-tatluhang upuan. "Gaga Lav, mami-miss ka namin."


"Hindi pa naman ako aalis mga gaga kayo, we still have what? Two months?"


"Saglit lang 'yon!" sumbat ni Hetty. 



Matapos kaming mag-iyakan, lumabas na kami ng Greenwich. Ang ingay namin, baka paalisin na kami ng guard, eh kanina pa rin kami tapos kumain.


Sa labas, nakasalubong namin ang napakaguguwapong mga kaibigan ni Light. They were called the Blackburn Heartthrobs back then, pero may iba nang bansag ang East University sa kanila ngayon. They were the Engineering Hotties now. At mukhang kompleto silang magba-barkada ngayon.


"Paalis na kayo? Hindi pa tayo nagkasabay?" tanong ni Light sa'min. Nakangiti, at napakagwapo pa rin kahit madilim na.


Manghihinayang din sana ako, kung hindi lang parang dinudurog ang puso ko dahil kay Mylo. Nag-chat siya, hinahanap ako. Gabi na raw, bakit wala pa ako sa bahay. Gusto ko siyang murahin. Bakit hindi niya sabihin 'yan sa liligawan niya?


Well, he probably already did.


Nagbabadya na naman ang mga luha ko, itotodo ko talaga ang pag-iyak mamaya sa bahay.


I was still staring at Mylo's chats noong biglang tumaas ang mga balahibo sa batok ko. Parang... may nakatingin sa'kin?


Pag-angat ko ng tingin, I met his eyes.


It was dark, and he was wearing dark clothes kaya hindi ko gaanong maaninag ang buong mukha niya. He was tall though, and I can tell he was handsome sa shape pa lang ng mukha at kapal ng kilay. Kaibigan din ba siya ni Light? He looked familiar, pero ngayon ko pa lang siya nakita with Light and friends. Was he a new friend?


Bakit ba siya nakatingin?


Nagagandahan kaya 'to sa'kin?


Binalik ko ang tingin sa screen no'ng mag-chat ulit si Mylo. I sighed, bago binulsa ang phone ko. Bahala siyang mag-alala sa'kin, baka ma-realize niya na ako talaga ang gusto niya.


I looked up again, nakatingin pa rin sa'kin si Kuya Pogi even in the dark.


Problema nito? Akala niya ba uurungan ko siya sa eye-to-eye?


"Ingat kayo." sabi ulit ni Light after a little chitchat with our friends.


"Eat well." Riley said, fluttering his long lashes as he pulled me with him. Naputol tuloy ang staring contest namin ni Kuya Pogi even in the dark. "Kilala mo 'yung isa sa bago nilang kasama?" tanong ni Riley no'ng medyo nakalayo na kami.


Umiling ako, "Hindi, nakipagtitigan lang ako."


"Gaga ka talaga."

Her OppaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon