- 30 -

1.1K 45 3
                                    


MESSENGER

08/15/2015


WALANG MAGJOJOWA!

9:13 AM

Riley:

TANGINA NYO 😭

SANA PINAG-COMMUTE NYO NA LANG AKO

Lavender:

Bakit Ry???

Riley:

MGA KAIBIGAN MONG MAHAHAROT

LAHAT SILA MAY KALANDIAN

AKO LANG WALA

BAKIT ANG UNFAIR NG MUNDO SA'KIN 😭😭😭💔💔💔

Lavender:

Explain??

Akala ko ba papunta na kayo?

Riley:

Eto na nga. Nasa sasakyan na kami ni Light.

ITO NAMANG LIGHT MAGSASAMA NA LANG NG FRIENDS, HINDI PA SINAKTO SA BILANG NAMIN

SI LIGHT KAY DIANA

SI HETTY KAY HEALER

SI DARRYL KAY UNO

Lavender:

WHHHAAT

HAHAHAH

Bakit nyo sila kasama?

Riley:

Magbubuhat pala kasi sila today. Maagang nagpunta 'yong dalawa para sunduin si Light, dahil itong Light hindi agad nakapagsabi na ihahatid muna kami sa inyo.

Kesa umuwi at paghintayin 'yong dalawa, sumama na lang sa paghatid.

Lavender:

Swerte naman ng girls natin. Kanya-kanyang partner. 😂

Riley:

TANGINGA NGA BAKIT AKO LANG WALA 😭

GIRL DIN NAMAN AKO AT HEART AH 😭

Hiyang hiya ako sa kanila no'ng pasakay kami sa van.

Sa dulo na 'ko pumwesto para hindi ko sila ma-istorbo.

BAKIT ANG SAKLAP NG BUHAY KO

Gusto ni T at Da tabihan ko sila, AYOKO MAGING THIRD WHEEL

PATAYIN NYO NA LANG AKO

Dahil si Di, masaya na ang buhay sa shotgun katabi ni Light.

Lavender:

HAHAHAHA

Kaya ba ikaw lang online?

Kawawa ka naman, Ry. 🥺😂

Riley:

Nagpapanggap nga akong natutulog dito sa likod.

Gagang Darryl, nakikipagpalit sa'kin ng pwesto. Handang ipagpalit ang oppa niya sa para sa tulog.

Lavender:

Wala na naman bang tulog ang gaga.

Riley:

Mukha na namang zombie ang kaibigan mo.

Batukan mo mamaya pagdating namin d'yan.

Lavender:

Pero kilig na kilig ba si Hetty. 😂

Riley:

Kulang na lang mag-heart shape ang mata ng lola mo.

Can't blame her. Pota ang gwapo ni Healer.

At ang gwapo rin ni Uno. Mas gwapo pala 'to sa malapitan.

Sarap sunggaban.

Bawiin ko na kaya 'to kay Darryl?

Lavender:

Behave naman ba ang gaga

O baka gumagawa na naman ng kagagahan

Riley:

Bangag ang gaga.

Antok na antok yata, kaya ayon, nauntog sa bintana.

Lakas ng kalabog 😂😂😂

Lavender:

Tanungin mo kung kilala pa tayo HAHAHAHAHA

Riley:

Tinanong na ni Diana.

Kilala pa tayo.

Okay pa. 😂

Gagang 'to, kahit sino mag-aalala sa kalagayan ng babaitang 'to eh. 😤

Lavender:

Makakatikim talaga ng malakas na batok 'yan pagdating nyo dito

Riley:

TANGINA LAVENDER!!!!

INALOK NI UNO BALIKAT NIYA KAY DA!!!

"Sandal, 'wag mo lang tutuluan ng laway."

Ang sagot ba naman ng Darryl: Pupunasan ko na lang kapag natuluan ko.

NAKAKALOKO PANG NGUMITI ANG GAGA BAGO SUMANDAL KAY UNO!!

GAGANG 'TO SAAN BA 'TO KUMUKUHA NG KAKAPALAN NG MUKHA

Lavender:

HAHAHAHAHAHAHA

ALAM MO NAMANG GANYAN YAN MAY TULOG O WALA

Haba rin ng pasensya ni Ace sa kaibigan mo

Riley:

PERO KINIKILIG AKO SA KANILA TANGINA HAHAHAHA

Kapag itong si Uno na-fall kay Darryl

GOOD LUCK SA KANYA

HAHAHAHAH

Lavender:

Malamang si Da ang unang ma-fall ng totoo d'yan.

Rupok 'yan eh. 😂

Her OppaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon