Meet Me

233 6 0
                                    

I'm 17 and turning 18 at sa saturday nayun! Advance HBD to me.. Hahahaha. Pero anu ba naman to! Ang tanda ko na pero, alam nyo yung.. NBSB parin ako! Well.. It's not that pangit ako (which I really don't believe.. Para sakin: wala namang pangit eh!) but di lang talaga ako masyadong mahilig makipag socialize at binabalewala ko lang yung mga nagpaparamdam.. Paano ba naman kasi, halos buong mundo ko, umikot na sa kakahanga sa besfwend ko.

Siya si Rod Emmanuelle Evans. The lucky guy! Nameet ko sya when I was in grade 4, I guess. Pero, di pa kami close nun kasi bagong lipat lang sya sa subd. namin. At dun nagsimula ang 'crush-thingy' ko sa kanya. Sinave nya kasi ako..

>> Flashback

Saturday nun, kaya wala kaming pasok. Dati, sobrang boastful ko na bata.. Pinagyayabang ko lahat kahit alam kong di naman naiinggit ang mga kaibigan ko kasi mayayaman din naman sila.

Binilhan kasi ako ni Mommy ng bagong bike dati na color pink kaya inarampa ko talaga. Di pa tapos ang subdivision that time kaya marami pang bakanteng lote. At habang feel na feel ko ang weather sa pagba-bike, accidenteng nakabundol ako ng malaking bato at natumba ako. And worst, sa putikan pa talaga!.. Umiyak ako ng umiyak nun pero napadaan siya at tinanong kung okay lang ba ako. Since obvious naman na hindi, nag-isip nalang sya ng idea. Pinapasok nya ako sa bahay nila, since wala naman ang mommy nya nun, at pinadiretso sa garden. In-on nya ang hose then itinapat sakin. Nagalit at nahiya ako at the same time nun.. Biruin nyo, di man lang ako pinapasok at pinaligo.. para tuloy akong halaman dito o di kaya asong pinapaliguan. Nagalit na talaga ako kaya umalis na ako agad kahit sobrang basa pa ako..

>> End of Flashback <<

Simula nun, naging crush ko na sya.. hahaha. Sinave nya kasi ako.. sa kahihiyan at sa katangahan ko =.=.

Dati nga, naalala ko pang nangsta-stalk pa ako sa fb nya at piniprint ang pictures nya. Then, minsan nga, hiniling ko pa kay Dad na lumipat sa school na pinapasukan nya. Medyo may kalandian din ako that time.. hahahaha.

Hanggang sa naging close friend ko sya ng summer ng Grade 6. Nalaman nya kasing mahilig ako sa Sports at mga libro, plus may kilala pa akong mga kaibigan nya dati.. Mutual friends kung baga.

At ang friendship na yun ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.

We're both Grade 10 in the same school (Institute Academy) at classmates kami.. hoho!

Pero yun na nga eh! Pagmalapit lang kami, mas nasasaktan ako!.. (Hahaha medyo emo) Like, we attend the same school, we're neighbors and business partners ang parents namin and sobrang dami pa ng reasons kung bakit walang chance na maiiwasan ko sya at ang feelings ko para sa kanya!

May crush ako sa kanya.. No... I think, Love's the right word. Pero patago lang. Para sakin, mas mahirap yun. Kasi.. close kami at sobrang gentleman nya and all sakin, making me fall more! Di ko naman masabi sa kanya kasi natatakot ako na ireject nya lang. Baka masira ko lang ang friendship namin. Medyo ma-teleserye nga tong buhay ko eh..

Alam ko naman kasi ang mga type nyang babae. Yung magaganda, mapuputi, sexy, ala-model ang dating, sweet, matalino, mabait etc. And I don't think makakatung-tong ako sa 50% sa type nya. I mean, alam na nya ang totoong pagkatao ko. Lahat ng mga turn-offs ko siguro, alam nya na rin. At mas nasasktan ako pag iniisip ko yun. #hurt

Nakaka-10 official girlfriends na ata sya or more, as far as I know. At sa bawat babaeng yun, iniyakan ko talaga sa kwarto. Sino ba naman kasing hindi gagawin yun kung ang taong mahal mo, may mahal na iba. Minsan pa, nagda-date sila na kasama ako!! Diba super selos nun! Sweet-sweetan pa nga sa harap ko. Ewan ko ba dito kay Rod, ang hilig akong paselosin! Ang sarap ngang sakalin eh!.. At parang nag-eenjoy pa ata ang mokong!

Best of Friends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon