Pained

61 3 0
                                    

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko nga alam kung saan na ako papunta.

Kaya pala.. Siguro, di sya nagrereply kasi busy naman pala sya. Kasi may pinagkaka-abalahan na sya.. Kasi may girlfriend na sya. Kasalanan ko rin naman kasi eh.. kung bakit masyado akong naging assuming sa mga simple actions nya. Argh.. Ano ba Sophie! Wag ka ngang OA at feeling-gf!

"Nakaka-inis ka talaga Rod!!" sabi ko ng makarating ako doon sa park kung saan kami nagpicnic ni Rod the other day. Tumulo na ng tuluyan ang luha ko.

"Ba't ba kasi ang *sobs* gentleman mo at ang sweet sweet pa.." sabi ko at pinahid ang luha ko. "Yan tuloy, di ko mapigilang *sobs* mahulog sayo.. Tas' ngayon, nasasaktan ako nalalaman kong may *sobs* girlfriend ka na pala!" sabi ko at isa-isang pinagbubunot ang mga damo at tinatapon.

"Kainis ka! *sobs* Manhid!! Paasa!" sigaw ko.

"Sana damo *sobs* ka nalang para madaling bunutin *sobs* at itapon. Para wala na! *sobs* Para tapos na lahat to!" sigaw ko sa hangin.

"Best friend *sobs* kita eh. Alam ko naman na kasalan *sobs* ko din na nafall sayo, *sobs* pero ikaw kasi eh. Ever since, *sobs* may pagtingin na ako sayo. Akala ko pa naman, *sobs* napapansin mo yun. Pero Hindi! *sobs* Kasi manhid ka eh! Kainis ka! *sobs*" patuloy na sigaw ko sa hangin. As if naman, maririnig nya ako. Baka busy yung sa g-girlfriend nya.

Nabigla ako ng may biglang nag-abot ng panyo mula sa gilid. Ano ba yan.. Camera nalang at tv airing ang kulang, baka teleserye na talaga tong buhay ko..

"I'm sorry." sabi ng boses.

..ng boses na alam na alam ko..

----------------------------------------------------------

Sorry kung short lang ang chapter na 'to. Dapat kasi continuation ito ng prev. chapter.

Pero sana nagustuhan nyo parin ^.^

Pavote naman po at comment na run. Please >.<

Best of Friends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon