More Cares

64 3 0
                                    

Medyo late na kaming nakauwi ni Rod, nagkwentuhan pa kasi kami at naglaro ng pvp games. Hinatid nya muna ako sa bahay at nagpaalam na din. 

Ang sweet ni Rod sakin, aaaall day looooong. Ano bang sinasabi ko? Eh, palagi naman syang ganun eh. Kaya nga ako na fall diba?. Charos!

Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis. Simpleng extra large t-shirt at short shorts ang suot ko, matutulog din naman ako eh. Kinuha ko muna ang phone ko at kinonect ko sa printer. May printer kasi sa kwarto, dahil alam nyo na.. for school porpuses hihihi. Syempre, ipriprint ko yung mga picture namin today.. hohoho!

*tiling*tiling*

1 unread message..

Fr: Rod

Hoy! Matulog ka ng maaga! Ang hirap mo kayang gisingin, lalo na kanina ah!!

Aba aba! Nagreklamo pa tong mokong na 'to! Replyan nga..

To: Rod

Sino bang nag-utos sayong gisingin ako kanina, aber?!

Fr: Rod

Oops.. Peace Ms. Suplada.. Gusto ko lang namang i-remind kang matulog ng maaga, para gumising ng maaga ^^ hahaha

To: Rod

Whatever.. Sige, matutulog na ako! Bye~

Fr: Rod

Uyy, wait.. Wag muna ngayon, kumain ka na ba? Ba't matutulog ka na agad?

To: Rod

Kita mo to'. Ang hirap mong intindihin ah.. Ano ba talaga? Matutulog o hindi?

Fr: Rod

Kumain ng dinner, then, matulog. Pero wag agad-agad. Hintayin munang matunaw ang kinain! Yun lang naman ^.^

Maygash! Kung maka-care naman tong Rod na 'to, parang boyfriend. #superKilig

To: Rod 

Okkkkeeeeyyy pooooo~ Sige, ikaw din dyan ah.. Baka puro ka lang pasabi tapos di ka pala kumakain!

Fr: Rod

Hahahaha.. kumakain na nga ako ngayon eh..

To: Rod

Oyy, oy.. di pwede yan! Diba, bawal magcellphone pag kumakain! Sign yun ng walang respect sa food! Ibaba mo yang phone mo at tsaka ka na magreply kung tapos ka nang kumain..

Fr: Rod

Affirmative Ms!

To: Rod

Tss.. Ang tigas talaga ng ulo, nagreply pa.. (^^^)

Di na sya nagreply. Kaya kumain na ako ng dinner. Di ko mapigil mapa smile, ang sweet nya talagang tao. Kung umasta sya, parang boyfriend.. Pero alam kong, nature nya talaga yun.

Natapos na akong kumain.. hahaha, ang bilis no! Ganun ako eh, pero minsan.. pag takaw moments ako, ang tagal-tagal kong matapos.. hahahaha.

5 (or so) minutes later..

*triiiing*triiiiiinngg*

Rod Calling...

Siguro, tapos natong kumain.. 

"Hello?!" tanong ko ng mataray na boses. Hahaha!

[Soph, sorry.. late akong tumawag. Si Andrey kasi..] explain nya.

Oh diba, boyfriend na boyfriend ang dating! Tumatawag talaga o nagtetext. I wonder kung gaano sya ka sweet kung maging boyfriend ko talaga sya no!

"Hahahaha, ok lang. Ano nga palang meron kay Andrey?" tanong ko.

[Eh ayun, gusto kang maka-usap. Miss ka na daw eh...] sabi nya..

Awww.. ang sweet talaga ng batang yun! Nagmana sa kuya! Close kasi talaga kami ni Andrey. Namiss ko na din sya, sumama kasi sya sa kuya nya ng pumunta ito ng America at doon muna sya for the whole summer.

[Ba't natahimik ka ata?] tanong nya.

"Ha? wala... namiss ko lang si Andrey.. Pakisabi nalang sa kanya ah.." sabi ko.

[Sure! No problemo. Wait.. may problema ka ba?] tanong nya.

"Wala naman. Bakit?" tanong ko.

[Dinig ko ata hininga mo. Kaya akala ko may problema ka.] sabi nya. [Sige.. Ito nalang,.. May banat ako.]

"Hmm.. Ano na naman yang pakulo mong yan?" 

[Banat! Bakit? Di ba pwede?]

"Hahahaha.. sige na nga, pagbigyan.."

[Sige, sige.. Ahhh.. Sana magkasunod nalang tayo sa pila..]

"Ha? Ba't naman?"

[Para tatanungin kita, tayo na ba?.. Hahahaha] Ohmo! ang gwapo nyang pakinggan.. Tinatawanan nya ang sarili nya.. hahaha

"Psh.. laos!"

[Ayy laos? Sige, ito nalang.. Kelan ka ba tatalino?]

"Haha.. Ewan.."

[Para sagutin mo na ako.. Boom peyns!]

"Alam mo.. ang corny mo.."

[Ito last na.. Pa blood test kaya tayo.]

"Bakit?"

[Para malaman mong type kita.. hahahaha]

Medyo nagkaroon ng long pause.. Iniisip ko lang.. matagal ko narin naging bestfriend si Rod at matagal narin ako merong lihim na pagtingin sa kanya. Pero ni isang beses, di ko nasasabi sa kanya ang totoo. Kasi nga natatakot ako ><

Yung naman talga kasi yun diba? Minsan, natatakot ka nalang sabihin ang totoong nararamdaman mo dahil natatakot ka sa mga susunod na mangyayari.

"Uyy, tumahimik ka ata? Ang ganda kaya ng pick-up line nayun! Tsk.. ni-research ko pa naman yun!" 

"Inaantok ka na ata eh, .. sige, tulog ka na dyan Soph!" sabi nya. 

"Pshh.. Tinulugan ata ako.. Sige, Soph.. Goodnight na dyan ah. Sleep tight! Dadaan nalang ako dyan sa inyo bukas!!" sabi nya at in-end ang call.

Pagbaba ko ng phone ay nakatulog narin ako.

Best of Friends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon