Heartbreak

62 3 0
                                    


Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi.

Time check: 7:00 am

Wow! Ang aga!.. Mabalita nga kay Rod ang himala..

To: Rod
...

No! Hindi! Hindi nga pala kami nagkausap kahapon no.. Baka galit o nagtampo sya sakin kaya ganun. Eh, kung ganun nga.. ba't naman kaya? Dahil ba akala nya nakatulog ako nung tumawag sya? o dun ba sa park, nung nagpicnic kami?

Mas mabuti sigurong alamin ko kung bakit..

To: Rod
Magandaaaaang Umagaaaa!!! Ang aga kung nagising ngayooon!! Diba himala? hahahaha

Send.

Hinintay ko ang reply nya.. at wala parin..

Pero grabe, di parin ako makapaniwala.. Ang aga kong nagising. Dahil dun, maaga din akong bumaba at nagluto ng pancakes.. Daming himala ata nangyayari ngayong araw, baka mamamatay na ako.. Sabi kasi nila, bumabait ang taong mamaray na.. Wag naman sana!

9:45 am.

Ang dami ko nang nagawa, pero di parin nagrereply si Rod. Ano kayang nangyari sa kanya? Hmmm.. Baka nagalit talaga yun..

To: Rod
Hola! Reply reply naman dyan pag may time! Hah! Wala kang load no? Hahahahaha Wawa naman ;(

Send..

Aish.. Kainis! di ko na talaga natiis kaya tinawagan ko na.

*troooot*troooooot*troooooot*

Nagriring lang ang phone nya. Psh.. di nya talaga sinasagot. O baka naman, tulog pa sya or umalis sya at naimutan nya ang phone nya. Hmmmm.. isa lang ang paraan para malaman ko lahat.. edi pumunta sa bahay niya.. Hahahaha! #FeelingDetective

Rod Emmanuelle, here I come!!

Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa block nila. Malapit-lapit lang naman samin. At nang makarating ako sa bahay nila, dumiretso ako sa loob. I've become familiar na to this place. Even if di pa ako magdoor bell, ok lang yun. Si Rod nga, kung pumasok sa kwarto ko..

"Rod? Rod!" sigaw ko ng makapasok na ako sa bahay nila. Si Rod lang ang nakatira sa bahay nila for the meantime dahil nasa America nga si Andrey and nag business trip naman ang parents nya.

"Ba't ang kalat?" Nagtaka ako ng sobrang kalat sa sala nila then naka-on lang ang vaccuum nila sa grand stairs. Naka-carpet ang sahig nila, kaya mafe-feel mo ang roughness dahil sa mga chips na nagkalat. "Rod!! Ang kalat nitong bahay mo ah!" sigaw ko.

After a few seconds, may narinig akong yabag from upstairs. "Mmm, Yes Ms..?" sigaw ng babaeng nakadungaw from the seond floor. May hawak syang paintbrush and she looks so perfectly beautiful.

No.. No.. Never!! Please tell me hindi sya girlfriend ni Rod.

"Uhmmm.. What, Ms..." Sabi nya.

"Ha? Uhh.. Nandyan ba si Rod?" tanong ko trying not to cry. Mukhang tange naman ako nito kung iiyak ako no. OA ko ata ngayong araw?

"He's gone for a while. But you can wait here!" sabi nya cheerfully. Bumaba sya mula sa grand stairs at lumapit sakin.

Doon ko lang napansin ang mala-anghel nyang smile. Maputi at makinis sya. Yung look na sweet, inocent but sexy at the same time..

"Haa? Hindi nalang.. Thank you, pakisabi nalang sa kanya na dumaan ako.." sabi ko.

"I guess you're Sophia, right?" tanong nya before I leave. Tumango lang ako in reply.

"Why in a hurry? Let's have a chit-chat first!! You know what, I really want to meet every friends of Rod!! Well, not just because it's essential.. you know.." sabi nya at hinila ako papunta sa couch.

"By the way.. I'm Lexi, Rod's..." sabi nya at nagwink sa last word. Gosh! Confirmed!! Rod's girlfriend nga 'to!

"Haa.. ahh, Lexi, Maybe I should go! Sorry.." sabi ko at tumayo at naglakad paalis.

"Soph, wait! Nakuu, sorry if sobrang kalat ng bahay. Maybe ayaw mo.. We can just go out.." sabi nya at pasweet na nagpout.

"Ahh.. No thanks, Lexi, kaylangan ko na rin kasing umalis.. dumaan lang ako." sabi ko at tuluyan nang tumakbo palabas.

Best of Friends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon