Surprise!

125 4 2
                                    

"Soph! Soph! Hoy antukin, tanghaling tapat na oh! gising NAAAAA!!!" nabigla ako ng may sumigaw sa tenga ko. Lecheng gatas to!

"Fudge this! Get lost, pwede ba?!" sabi ko naman na antok na antok pa ang boses.

"Aish.. ang tigas mo din! Di ka pa din nagbabago! Kahit sinigawan ka na sa tenga, tulog-mantika ka padin?!" tanong ng boses. Di ko talaga makilala ang boses kasi nga, antok ako.

"Parang awa mo na, masamang espiritu, lisanin mo ang kwarto ko!!" sagot ko habang nakapikit padin. 

"Psshh.." sagot naman nito.

Pinilit kong buksan ang mata ko ng mapansin kong di parin umaalis ang impaktang gumising sakin. At ng makita ko kung sino....

Ohemdyiiii!! Omogod Omogod Omogod!!! #OAlang

"Surprise sleepyhead!!" sabi nya na pasmile smile pa.

"Rod? Ikaw ba yan?!!" naningkit ang mata ko para makita ko sya ng maayos. Para maka-sure lang na di sya produkto ng imahinasyon ko.

"Wait. Kelan ka lang dumating? Di ka man lang nagpasabi!!" sabi ko at tumayo sa kama. Dumiretso ako sa kanya at niyakap sya. Ehemm.. chuma-chansing ang lola nyo!! 

Let me explain.. February kasi ang last day ng school namin and the whole March, pumunta sya sa America to visit his relatives na matagal-tagal nya naring di nakikita. 

"I arrived this morning lang. Dumiretso na ako sa inyo to visit you. Di ko na natiis na di ka gisingin." sabi nya.

"Awww.. ano bang pinakain sayo dun at naging sweet ka ata bigla? Siguro, epekto ata ng jetlag." sabi ko na may halong pagbibiro.

"Whatever. Alam mo, I kinda miss you! Yung jokes mo na corny.. Tsaka pwede ba, gumising ka ng maaga next time.. o baka di ka na talaga magising nyan!" kinurot ko sya sa gilid.

"Aray! Ang sakit nun! tch.." sabi nya at naglibot sa kwarto ko.. 

Alarm! Alarm! Alarm! Di ko pala nalinis at natago ang album na ginawa kong punong puno ng pictures nya (produkto ng stalking yun hahaha).. Kaylangang paalisin ko sya bago mahuli ang lahat!!

"Ah, Wait Rod!! Mamaya mo nalang ituloy yang ka cheesyhan mo. Umalis ka muna dito sa kwarto!! Now na, please!!" sabi at tinulak-tulak sya palabas.

"Ha? Bakit? Nahihiya ka siguro no? Suus.. eh, nakapunta na kaya ako dito dati.. Ano namang meron, eh nakita ko na to lahat ng nandito!" sabi nya.

"No.. kasi.. Ano.. magbibihis pa ako! Maliligo, at ano-ano pang kachurvahan dito!" sabi ko. #palusot

"Eh, walang malisya yun sakin! Di ka naman maliligo at magbibihis sa harap ko, diba? Unless..." sabi nya at tumingin sakin na nakagrin. 

"Unless ano?!! Tadyak gusto mo? May pa-grin grin ka pang nalalaman dyan. Gringrinin ko yang mukha mo eh! Alis! Chu chu!" sabi ko at ma-awtoridad na isinara ang pinto. Pwew (-3-)

"Oyy, ang sama netong si Sophia! Joke lang naman yun no!! Eto naman, pikon!!" sigaw nya mula sa labas.

Di ko nalang sya pinansin at tumakbo agad sa study table at tinago ang photo album. Dumiretso narin ako sa paggligo at pag-aayos. Dapat maganda ako pagkaharap ko sya.. hoho (*..*)

----------------------------------------------------

Chapter 1 and 2 guisse! Hope ya like it! -.0

Newbie lang talaga ako sa online writting.. so sana nagustuhan nyo.. Sana nagustuhan nyo ang plot. And if may similarity sya with other story, I promise na purely coincedental lang yun. I noticed kasi na ganun ang nangyayari dito sa Watty...

By the way.. Sorry kung sobrang lame ang school name. Wala na kasi akong ma-isip na pangalan.. hahahaha!

xoxo

----------------------------------------------------

Best of Friends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon