Cares

85 3 0
                                    

"So yun nga.. pumunta kami ng park ni Andrey (kapatid nyang 4 yrs. old, girl and cuuuuttee) at naglaro! Para kaming ewan dun.. Walang katao-tao. Sobrang weird ko sigurong tignan, ang laki-laki ko na pero nag-enjoy talaga ako sa slide..." pakwento ni Rod sa mga nangyari sa Americaa.

Andito kami ngayon sa park malapit samin at nagpicnic kamiii~ hoho, ang sweet siguro naming tingnan! Nakahiga kami at pinapanuod ang clouds habang inuubos ko ang pasalubong nyang Nutella sa kutsara at nagkwentuhan.

"Owww? Eh, weird ka naman talaga palagi eh.." sabi ko ng pabiro.

Pagkasabi ko nun, tiningnan nya lang ako. As in titig na poker face.. Yung hindi mo mabasa kung napikon o nagalit sya o baka masaya. Pero kahit na, nakakakilig padin.. Lumipas ang 15 seconds at tinititigan nya parin ako. Please, ano ba Rod? >_<

"Hoooyyy!" sabi ko ng di ko na talaga natiis.

"Weird pala ha?" sabi nya at nag grin ulit. Doon ko lang napansin na ang gwapo nya pala pag nakagrin. Shemay, ang landiiii!

Umupo sya at humarap sakin at kiniliti sa tagiliran. Alam nya talaga kung saan ang kiliti ko.. Wait! Ang awkward ata ng position namin!!! Kahit ng crush ko sya, di pa ako ready.. Hahahah! #LandiAlert.. 

Kaya tumayo ako at pilit na lumayo sa kanya. Tumakbo lang ako at hinahabol nya naman ako. Hahahaha! Mala-teleserye talaga ang peg namin no! 

Nang mapagod ako ay umupo ako. Grass naman ang paligid eh, kaya ok lang.. Lumapit naman sya sakin at umupo sa tabi ko.

"Oyy, wag mo na akong kilitiin please" sabi ko na nagmamaka-awa. 

"Hahaha.. Di na nga! Wag ka kasing tatakbo agad, buti nalang at huminto ka. Baka kung hindi, aatikihin ka na naman ng hika mo!" sabi nya.

"Eto naman, over!" 

"Caring lang po. Naalala mo last school year, inatake ka ng severe asthma. Ang tigas kasi ng ulo mo at nakipaglaro ka talaga ng volleyball. Next time kasi, wag masyadong hardheaded.. at dapat palagi mong baon ang inhaler mo!" sabi nya habang pinindot-pindot ang noo ko.

"Sir, Yes Sir!" sabi ko at nagsalute pa.

"Ano ba naman Soph! Magseryoso ka nga pag pinagsasabihan ka tungkol sa hika mo!" nabigla ako ng medyo tumaas ang boses nya ng pagkasabi nya nun. "Sorry, I didn't mean it. Para lang kasing pinapalusot mo lang sa kabilang tenga mo ang sinasabi sayo eh.." sabi nya.

"Eto naman, I promise.. Di na mauulit yun!" sabi ko.

"Aba dapat lang no!" sabi nya at tumayo. Inabot nya naman yung kamay nya sakin.

"O? Para san naman yan?" tanong ko.

"Tss.. Tumayo ka na dyan! May magic pa akong ipapakita sayo.." sabi nya at nagsmile.. 

"Magic?" tanong ko na tila inaasar sya. Alam nyo yung, sya lang yung nasisiyahan sa mga magic nya. Pang-jologs ang talent nya dun.. hahahaha

"Kainis ka ah! Bago na tong magic ko no!! And imported pa! Sa America ko ata to natutunan!" sabi nya.

"Weh? Bago?.." tanong ko at tinanggap ang kamay nya.

"Oo nga! Promise!" sabi nya at tinaas-taas ang kilay nya.

"Pa-imported imported ka pang nalalaman ha.. sige nga.." sabi ko.

At naglakad lang kami pabalik sa pwesto namin habang naka-semi akbay sya sakin. Oh may gulalay!  0^0

Best of Friends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon