Ang Pagdayo sa Phatag

103 6 0
                                    

Umalis ako ng Kan-Silay kasama si Saraw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Umalis ako ng Kan-Silay kasama si Saraw. Dahil sa pagtulong ko sa kanya, wala akong dala na kahit anong pagkain. Maliban na lang sa aking mga gamit. Tinatahak namin ang daan patungong Phatag.

Napakalayo ng Phatag mula sa bayan ng Kan-Silay. Nasanay na ako sa mahahabang lakaran dala lamang ang aking mga armas. Ngunit ngayon may dagdag na sa aking dala, si Saraw. Wala pa kami sa kalahati ng daan nang makitaan ko ng pagod si Saraw. "Mukhang hindi mo kakayanin ang malalayong paglalakbay Saraw. Ito, uminom ka muna ng tubig."

Nakita ko sa bawat pag lagok nito ng tubig ang pagod na kanyang naramdaman.

Isang matandang lalake ang tumigil sa gilid namin. Sakay ito ng kabayo na may hila hilang bagon na may lamang mga gatas. Nagsalita ang matanda. "Saan ang tungo niyo mga manglalakbay?"

"Malayo pa ang nais naming puntahan ginoo. Patungo kaming Phatag." Ang sagot ko sa matanda. Malumanay magsalita ang matandang lalake. Muling nag salita ito at inalok kami ng sakay. "Napaka layo nga ng lugar na iyon. Hali na kayo at ibababa ko kayo sa Kahrmin."

Ang Kahrmin ang sentro ng agrikultura ng Phatag. Dito malalawak ang taniman ng palay at trigo. Sagana din ito sa mga samut saring pananim tulad ng mga prutas at gulay.

Sumakay kami sa bagon. At gaya nang pangako sa amin ng matanda, narating namin ang Kahrmin.

Pagkababa namin sa lugar,nagtaka ako sa pagiging tahimik ng paligid. Nagpatuloy pa kami ni Saraw. Walang katao-tao sa paligid. Maging ang mga palayan mukhang napapabayaan.

Napansin ko agad mga nag kalat na tuyong dugo sa dinadaan namin. Nag patuloy pa kami, hanggang sa tulay na bato papasok ng Phatag. Tuloy ang buhay sa bayan na iyon. Marami sa kanila abala sa kani kanilang trabaho. Ngunit ang pinagtaka ko, bakit ganoon ang kanilang kinikilos. Kapansin pansin din na halos lahat ng naroon mga matatanda. Wala akong napansing bata o mga kasing gulang ko o kay Saraw na naroon. Halata din sa kanilang mga mukha ang takot at kaba.

Nagpatuloy pa kami ni Saraw, isang tao na may suot na balabal ang lumapit sa amin. "Lisanin niyo na ang bayang ito kung gusto niyo pang mabuhay." Hindi ko alam kung pag babanta iyon o babala para sa amin. Ngunit sa tuno ng kanyang pananalita alam ko isa siyang lalaki at hindi matanda.

"Nag hahanap kami ng masisilungan o mauupahang tulugan. Matutulongan mo ba kami?" Ang nasabi ko sa kanya. Ang totoo, hindi ako na gimbal sa kanyang sinabi. Bagkus nagka interes pa ako.

"Walang lugar dito para sa mga tulad niyong dayuhan. Maari na kayong umalis. Mag hanap kayo sa iba." At iniwanan na kami ng lalaki na hindi ko man lang nasilayan ang kanyang mukha. Inutusan ko si Saraw na maghanap ng maari naming tulogan para sa araw na iyon, at agad itong umalis.

Naglalakad lakad ako sa pamilihang sentro nitong Phatag nagbabakasakaling may matuklasan ako. At doon, isang babae ang kinukuyog ng ilang mga tao. Lumapit pa ako para alamin ang mga nangyayari. May hawak itong garab na siyang pinantututok sa mga tao. May bitbit pa itong sako ng patatas sa isa pa nitong kamay.

The Call of KaliWhere stories live. Discover now