Bagwis

131 4 0
                                    

Sa gitna ng aming pangamba, mula sa kung saan lumitaw sa harapan namin ang laksa-laksang mga paruparo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa gitna ng aming pangamba, mula sa kung saan lumitaw sa harapan namin ang laksa-laksang mga paruparo. Nag liliparan ito paikot sa amin ni Turo, hanggang sa namalayan na lang namin na umaangat na kami sa lupa. Tinangay kami ng mga ito sa kabilang bahagi ng lupain.

Mula sa hangin , tanaw pa namin ang mga Tukogan na pilit sinisira ang naiwan naming harang,. Nakatawid din kami ng maayos sa tulong ng mga paruparo. Nang lumapat na ang mga paa namin sa lupa. agad na rin lumipad palayo sa amin ang mga ito.

"Sabi ko na sa iyo diba? Hindi nila tayo papabayaan. Kailangan mo lang magtiwala sa mga regalong pinagkaloob nila sa iyo. Kali ito na ang simula ng katuparan ng iyong pakikipagbaka para sa kaayusan at kapayapaan ng dalawang mundo. Hindi lang ang mga tao ang umaasa sa iyong tagumpay ,maging ang mga nilalang sa tagong mundo." Sabi pa ni Turo sa akin.

Isinapuso ko ang mga punto na iyon ni Turo. Nag sisimula pa lang kami at ito pa lang bungad ng mas malalang panganib na naka abang sa amin.

Ito ang Alpanam, lupain ng mga espiritu at elemental, tahanan ng mga nilalang sa daku pa roon at ito ang kuta ng mga Harabas. Ang mababangis na halimaw na pilit sinasakop ang payapang mundo ng mga lahat na nakikihati dito.

At sa pagtawid namin ni Turo, agad namin napansin ang mga nag tatayugang mga bato sa paligid, kasing taas ng mga matataas na puno sa mga harang o mas mataas pa.

Tila sinadya ang pagkakahilira ng mga toreng bato na ito sa paligid na para bang lumilikha ng daan sa bawat direksiyon. Nagpatuloy pa kami ni Turo. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid, at tulad ng nauna wala kaming nakitang palatandaan ng buhay sa lugar. Walang puno ,walang halaman at wala kaming nakitang hayop.

Nang biglang napahinto si Turo.

"Nakita mo iyon? Parang may mga gumalaw sa bahaging iyon." Sabi pa nito sa akin , na may tinuturo sa aming unahan.

Wala akong nakita o napansin. Yumuko ako at nilapat ko sa lupa ang aking tenga, at pinakinggan ang bulong ng lupa. At tama nga si Turo, hindi lang kami ang naroon.

Sinabi ko kay Turo na mag hiwalay kami upang agad namin makita at mahanap ang nagkukubli sa mga bato.

Nang walang ano-ano Isang nakakakilabot na atungal ang papalapit sa direksiyon namin. At doon tumambad sa harapan namin ang Isang hayop, o nilalang na tinatawag nilang Daragit-Bawa. Isang higanteng hayop ibon na may ulo ng Isang pusa,na may tukang parang sa agila, may malalapad at malakas na pakpak, may makulay na buntot na mahaba na parang sa manok ,at may malakas na mga paa na parang sa dragon.

 Isang higanteng hayop ibon na may ulo ng Isang pusa,na may tukang parang sa agila, may malalapad at malakas na pakpak, may makulay na buntot na mahaba na parang sa manok ,at may malakas na mga paa na parang sa dragon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Call of KaliWhere stories live. Discover now