Tulong mula sa kalaban

92 6 3
                                    

Lumapag kami doon, at mula sa malaking kuweba lumabas ang mas malaki sa kanila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumapag kami doon, at mula sa malaking kuweba lumabas ang mas malaki sa kanila. Mas makapal Ang mga balahibo nito sa ulo na parang liyon. Mas malaki ito sa lahat. Dito ako natakot ng husto. Ibinaba ng sinasakyan kong Daragit-Bawa ang kanyang sarili upang maka baba ako.

Napansin ko ang pag lapit din sa amin ng iba pa sa paligid. Umaatungal ang sinakyan kong Daragit-Bawa na para bang binantaan Ang mga lumalapit na layuan ako. At gamit ang malapad nitong pakpak, Tinaboy nito ang iba.

Nag labas naman ng nakakabinging tunog ang mas malaki sa kanila. Dahilan para magpulasan palayo Ang mga nasa paligid. Lumapit sa kanya ang sinakyan kong Daragit-Bawa. Nakita ko Ang ginawa ng malaking Daragit-Bawa sa kanya. Nagkiskisan ito ng kanilang mga ulo. Doon ko napagtanto na anak pala nito ang sinakyan ko kanina.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero tila nag uusap ang mga ito, na para bang nagsusumbong ito. Muling bumaling sa akin ang malaking iyon at inamoy amoy ako nito. Nagulat na lang ako nang marinig ko itong nagsalita.

"Isang dayo, pangahas na taga lupa. Hindi ito ang mundo niyo, bakit kayo nandito?" Tanong pa nito sa akin.

Sinabi ko sa kanya ang tunay na dahilan ng pag kari ko sa daigdig nila, at ang pakay ko sa lupain ng Alpanam. Agad ko din hinanap sa kanya si Turo at ang isang Dwendulin na tinangay ng Isang Daragit-Bawa.

"Hindi kami kumakain ng tao, o ano mang nilalang bukod sa mga hayop sa harang. Wala dito ang mga hinahanap mo. " Sabi pa nito.

"Impossible!" Sabi ko, ipinaglaban ko na Isang Daragit-Bawa bawa ang tumangay kay Turo.Dahil kitang kita ko mismo.

"Maaring isa nga sa amin ang may kagagawan ng pinagbibintang mo,ngunit wala iyon dito. Tulad ng iba, may dalawang uri Ang mga tulad namin. May mga mabuti, at may mga masasama. Mapanganib at mababangis." Ayon pa dito.

Lumapit sa amin ang sinakyan kong Daragit-Bawa, muli nitong kiniskis ang kanyang ulo sa katawan ng kanyang ama.

"Kung wala dito, saan ko maaring mahanap ang kumuha sa kasama ko?" Tanong ko.

"Sa mapanganib na bundok ng Dag-um, sa kuta ng mga Landong-Daragit. Ngunit imposibleng marating mo iyon sa subrang layo. Bukod sa mapanganib." Sabi pa nito sa akin.

Ang mga Landong-Daragit ang mababangis na uri ng mga Daragit-Bawa. Sila ang mga matatakaw na nandadagit ng mga nilalang tulad ng mga Dwendulin. Dahil sa pag dadaan ng mga ito sa kuta ng mga maaamong Daragit-Bawa,kung kayat madalas Ang mga Daragit-Bawa ang ginagantihan ng mga biktima ng mga Landong-Daragit.

Mas maiitim ang mga balahibo nito at mas malalaki kumpara sa mga Daragit-Bawa.

Mas maiitim ang mga balahibo nito at mas malalaki kumpara sa mga Daragit-Bawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Call of KaliWhere stories live. Discover now