"Ang Bahaghari ng Khan-La-Un"

86 5 0
                                    

Ayon kay Mogar ang Khan-La-Un ang nagsisilbing tawiran ng mga Harabas kung kaya madali lang sa kanila ang magpalipat lipat ng lugar na gugustuhin nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ayon kay Mogar ang Khan-La-Un ang nagsisilbing tawiran ng mga Harabas kung kaya madali lang sa kanila ang magpalipat lipat ng lugar na gugustuhin nila. Ang Khan-La-Un ay Isa lamang sa mapanganib na lugar sa Alpanam. Balot ng hiwaga at mga lagalag na halimaw na nagkukubli sa anyo ng mga tao. Ngunit ang lugar din na ito ang tanging daan lamang upang marating ko ang kaharian ng mga pinuno ng mga Harabas.

Sa tulong ng mga ibinigay sa amin ng mga Putian, madali naming naabot at napasok ang Bayan ng Khan-La-Un. Ni hindi kami nakaranas ng pagod at hirap gaya ng ibang mga naligaw na sa lugar na iyon.

"Ano ba ang nangyayari sa mga kabayo natin Kali? Para yatang balisa sila at hindi mapakali" Tulad ni Turro ,pansin ko din ang kakaibang kilos ng aming mga kabayo.

Urong sulong ang lakad ng mga ito na tila ba'y may kinakatakutan. Aking pinahanda si Turro. Nasagap ko ang panganib mula sa pagbulong sa akin ng hangin. Alerto na rin ang kamay ko sakaling may sumalubong sa aming hindi kanais nais.

Binabagtas namin ang malumot na kagubatan papasok sa mismong bayan ng Khan-La-Un. Ngunit doon palang tila yata natunugan na kami ng mga kampon ng mga Harabas. Nakaramdam kami nang kakaibang antok ni Turro. Tila na sa duyan kami at inuugoy sa malamig na haplos ng hangin.

Pinilit namin nilabanan ang antok. Gamit ang dalang pana ni Turro, pinatamaan ko sa kanya ang Isa sa mga puno na naroon sa gubat. At nagulat kami ng gumalaw ang katawan ng puno, nalagas ang mga dahon nito at naging mga paruparo. At inatake kami ni Turro.

"Gawin mong pananggala ang balabal mo sa iyong mukha, iwasan mong matamaan ng mga pulbos ang iyong mga mata." Utos ko kay Turro.

Pinalibutan kami ng mga paruparong dahon. Subrang dami nila na nakakagawa na sila ng maliit na tila ipo-ipo at inangat kami sakay ng aming mga kabayo mula sa lupa. Nagpaikot ikot kami sa loob ng mga lumilipad na paruparo. Hanggang sa bigla na lang ang mga ito nag pulasan.

Pagkabagsak namin sa lupa, agad naman nagsitakbuhan palayo sa amin ang aming mga kabayo,tangay ang mga bitbit naming mga pagkain at inumin.

"Paano ngayon ito?, tinakbo na nila ang ating mga baon. " pag alala ni Turro.

"Wala na tayong magagawa kung di mag hanap ng panlaman sa ating sikmura at maiinum na tubig. Pero hindi dito. Halika na, bilisan natin hanggat tanaw pa natin ang sinag ng araw. Ngunit talasan mo ang iyong pakiramdam. May nag mamatyag sa atin sa paligid. At huwag mong susubukang humawak ng kung ano dito.Hindi natin alam ang sasalubong sa ating panganib " Paalala ko kay Turro.

Napatingin ako bigla sa kanya nang bigla na lang nitong kabigin ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit ang palad ko.

"sa iyo lang ako hahawak." Ang nasabi lang ni Turro sa akin sabay gawad sa akin ng matamis na ngiti. Hindi ko alam kung ano itutugon ko sa ginawa na iyon sa akin ni Turro. Simula nang makasama ko si Turro sa aking paglalakbay, Unti unting tinatangay ng kanyang mga kinikilos ang aking puso palapit sa kanya.

The Call of KaliWhere stories live. Discover now