Gabi nang Paggayak

102 2 0
                                    

Naging isang malaki at mahalagang kaganapan para sa mga taga Phatag ang ginawa kong pag paslang sa mga Harabas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naging isang malaki at mahalagang kaganapan para sa mga taga Phatag ang ginawa kong pag paslang sa mga Harabas. Minarkahan nila ang araw na iyon bilang "Dayao".  O ang araw nang pagmamalaki.

Naging abala ang lahat para sa magaganap na pa piging ng pasasalamat para sa akin. Isang nakakapanibagong karanasan mula sa mga taga roon. Naglakad lakad ako sa mga kalye ng bayan ng Phatag para kilalanin pa nang husto ang lugar habang nandoon pa ako.

Bawat tao na nasasalubong ko nag bibigay ng galang sa akin. At hindi ako kumportable sa ganun. Lumabas ako ng Phatag para tunguhin ang mga palayan at taniman sa hawanan. Doon na pahinto ako nang makita ang mga patong patong na ulo ng mga pinaslang Kong Harabas na nakatuhog sa pinatulis na kahoy na naka baon sa hangganan ng daan papasok sa bayan ng Phatag sa tapat ng isang punong dalakit. Ang mga bahagi at parte ng mga katawan nila ay ginawang palambitin sa mga sanga ng puno. Maging ang mga suot nilang baluti na at mga palamuti.  Isang pag babanta laban sa mga nagbabalak na mga taga labas ang ibig sabihin ng ginawa ng mga tao ng Phatag. Isang panghahamon ng pakikipag digma.

Nakaramdam ako ng pangamba at takot sa siguridad ng mga taga Phatag.  Ang kanilang ginawa ay kalapastangan sa mukha ng mga kalaban.  Alam kong hindi pa handa ang mga mamamayan dito para ipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa mababangis at walang kaluluwang mga taong labas. Ngunit batid ko ang kanilang dahilan.

Bumalik ako sa sentro ng Phatag para mag masid masid. Isang lalake ang humahangos na sinalubong ako. Hawak nito sa kanyang kamay ang isang supot. Nang makalapit ito sa akin, agad ito nag wika. "Ginoo tanggapin mo ang mga aras at pilak na ito. Maaring hindi ito sapat. Ngunit nag mamaka awa ako iligtas mo ang aking anak, ibalik mo sila dito sa amin. Nag mamaka awa ako."

Naawa ako sa lalake, pero hindi ako ang hinahanap nilang bagani. May sarili rin akong misyon na kailangan kong unahin. Ngunit ang kanilang pag susumamo sa akin tila bumbaon at tumusok sa aking puso. "Patawad ginoo, hindi ako ang kailangan mo. Hindi ko kayang ibalik sa inyo ang mga kinuha nila. Patawad." Ang nasabi ko lang sa kanya at iniwan na siya.

"Naniniwala ako, ikaw Ang itinadhanang magliligtas sa amin. Hihintayin ko kung hanggang kailan ka handa." Rinig ko pa ang mga pahabol na salita ng lalake. Binilisan ko ang pag lakad nang makabangga ko si Turro. Hindi ko napansin ang kanyang pag salubong.

"Saan ka galing hinahanap kita kanina pa?"  Ang tanong nito sa akin. Hindi agad ako naka sagot sa kanya. Para akong na pipi nang magtama ang mga paningin namin.

"Nag libot libot lang, kinakabisado ang mga daan dito sa inyo." Ang pa utal utal kong sagot.

"Ibig lang ba sabihin, mag tatagal pa kayo dito? Makakasama pa kita dito nang mas mahaba pa?" Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Turro. May pagkagalak ang kanyang punto. Lihim akong napangiti. May kung ano sa nararamdaman ko na para bang nagugustuhan ko ang mga sandaling kasama ko si Turro.

Pinilit kong kalimutan at pigilan ang kakaibang pintig sa aking dibdib habang kinakausap ako ni Turro. Sagabal sa aking misyon ang mahulog sa patibong ng damdamin. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili ko na mabalot ng makamundong pag nanasa. Dahil ito ang pipigil sa aking mga hakbang.

The Call of KaliWhere stories live. Discover now