Lara's Pov
*****
Pag-kagising ko alas 4:25 na ng hapon at maayos din naman na ang pakiramdam ko, kaya napagpasyahan kong umalis na pero bago yun maliligo na muna ako dahil sobrang lagkit na ng pakiramdam ko dahil sa pawis pero ang tanong saan ang Cr nila dito? At napaharap Naman ako sa tatlong pintuan at una kong binuksan ang nasa kanan na pinto malapit sa akin at bumungad agad ang napakalaking Gym at Puno ng kagamitan pang work out ang laman nito, sunod ko namang binuksan ay ang kasunod nitong pinto at bumungad agad sa akin ang Cr nila na may bathtub,shower, lababo kaharap ang Malaking salamin syempre toilet bowl at may mga gamit naman pangbanyo sa loob even new toothbrush, "Grabe nanliit ako sa bahay namin." Sabi ko dahil sa sobrang laki ng Cr bago ako nag-hubad at naligo na, pagkatapos ay sinoot ko ulit ang soot kong damit kahapon at nilabhan muna ang damit na pinasuot nila sa akin saka ako lumabas ng banyo, at napasigaw naman ako sa gulat sa lalaking nakaupo sa couch. "Mama!" Sigaw ko habang Sapo sapo na Ngayon ang dibdib Kong kumukirot na naman sa sakit at nahihirapan na akong huminga kaya yumuko na muna ako para huminga ng maayos. "Do I look like a mother to you?" Nabigla naman ako sa lamig ng boses nito. "Pasensya na nabigla Kase ako Sayo." Nakayukong sabi ko rito at Hindi ako nakayuko dahil takot ako sa kanya ha kundi dahil pinapabalik ko lang sa normal ulit ang tibok ng puso ko para maayos ulit akong makahinga at saka lang ako tumingin sa kaniya na nakatitig na pala sa akin kaya napaayos Naman ako ng Tayo at binaba ang kamay Kong nakahawak sa dibdib ko ng sa ganoon Hindi ito maghinala Saka ako ulit Humarap sa kaniya at para yatang nakakita ako ng Greek God na galing Mount Olimpus sa sobrang gwapo ng lalaking to, Bago ang gupit nitong buhok na mala Dao Ming Si pero di Yung pineapple head niya huh, perfect jaw, matangos na ilong, makapal at itim na mga kilay, kissable lips, and what caught my eyes is his light brown eyes at napansin siguro niya ang tagal ng titig ko sa kaniya kaya tumaas ang gilid ng labi nito na kung tawagin ay smirk saka nag-salita "Done staring?" Lamig naman ng boses nito, taga Antarctica lang, napatikhim naman ako Saka napagpasyahan na mag-pasalamat ng sa ganoon makaalis na siya sa mansyon nito. "Hmm Oo nga pala gusto kong mag-pasalamat dahil sinagip mo ako kahit di mo naman talaga Yun gagawin pag di lang ako nahimatay but salamat pa rin utang ko Sayo ang Buhay ko at salamat din sa pagpapatuloy rito and last but not the least Hindi ko balak magpaka-matay at baka Ikaw pa may gusto tumalon doon sa gusali dinamay mo pa ako. Sorry and maraming salamat siguro masusuklian rin kita balang Araw pag may Pera na ako." Saka ako ngumiti rito ng matamis. "Thank you is enough." Malamig na Sabi nito Saka tumalikod paalis pero tinawag ko ito kaya tumigil siya sa hamba ng pintuan. "Mag-papaalam na rin ako maraming salamat sa pagpapatuloy sa akin rito." Nagpatuloy lang naman itong umalis kaya kinuha ko na rin ang aking shoulder bag at kinuha ko naman ang cellphone Kong luma na at cheneck kung may tumawag ba o nag-text pero naalala ko wala na palang mag-aalala sa akin dahil wala na siya, napangiti na Lang ako ng malungkot. "Kaya mo toh Lara, at magpakatatag ka huh" kausap ko Naman sa puso ko dahil pansin kong parang lumala ang kirot nito, Saka ako nag-pasyang umalis na.Pagkalabas ko ng kwartong Yun ay bumungad agad sa akin ang magkabilaang hagdan at ako Yung nasa gitna grabe sobrang yaman siguro nila, bumaba Naman ako sa may left side na hagdan pababa, pagkababa ko sakto lumabas naman galing sigurong Dining Area si Manang Rita, "Manang Rita?" Pag-tawag ko sa pansin nito at agad naman itong bumaling sa akin. "Oh Lara, maayos naba ang pakiramdam mo?" Tumango lang ako rito kahit mainit pa talaga ako pero di ko na gustong makaabala pa kaya aalis na ako. "Ah manang marami pong salamat sa pag-aalaga sa akin at aalis na po ako dahil tiyak na hinahanap na po ako sa amin." 'ng mga kapit-bahay ko' pero di ko na sinabi pa iyon. "Aalis ka na? Naku magga-gabi na ija baka mapano ka sa daan,kaya dito ka na lang mag-palipas ng Gabi." Ngumiti lang ako rito, "Kaya ko naman po at magta-taxi po ako pauwi para mapanatag po kayo manang." Sabi ko rito at bigla naman may nag-salita sa likod ko. "Let her go, she's not your responsibility for you to worry." Napayuko naman ako pag-kasabi nito dahil Tama nga naman siya. Kaya tumango ako sa sinabi nito at ngumiti ulit kay manang. "Young Master? Pe- " Gulat na sabi ni manang, kaya pinutol ko na Ang sasabihin pa sana nito. "Wag na po manang aalis na po ako at malapit ng dumilim, Maraming salamat po at Sayo rin Sir maraming salamat utang ko Sayo ang Buhay ko." Saka ako humarap sa kanya at nag-bow. "Tss, escort her out." Malamig na utos nito at tumango lang si manang. "Halika na ija at ihahatid kita sa labas." Sumunod lang ako rito at tinahak na Ang daan palabas ng Malaking mansyon na ito at di ko man ito lubos nabigyan ng pansin dahil sa masakit ang ulo ko ay Basta ang masasabi ko lang sobrang Ganda talaga ng mansyon nila sa loob man o sa labas.
*****
Nasa labas na kami ng Malaking gate nila kaya nag-paalam na ako kay manang. "Alis na po ako, maraming salamat po." Ngumiti naman ito sa akin. "Mag-iingat ka ija at pasensya na rin sa inasta ni Young Master sadyang ganyan lang talaga iyon. At nakikiramay ako sa pag-kamatay ng mama mo." Tumango lang ako rito at ngumiti "Salamat manang." Saka ako tumalikod at nag-lakad palabas ng subdivision at agad naman akong pumara ng taxi at umuwi.