O1

2 3 0
                                    

Lara's Pov

'Lara anak magpakatatag ka, at palagi mong tatandaan na palagi kitang babantayan dito sa taas Mahal na Mahal kita at huwag mong pabayaan ang Sarili mo. Mag-iingat ka:)' nakangiting sabi nito na walang bakas ng paghihirap na makikita mo sa kaniyang mga mata. 'Mama?' tawag ko rito ng umiiyak 'Mama huwag mo Kong iwan' sigaw ko rito ng umiiyak 'Hindi naman kita iiwan e tandaan mo Lara anak wala man ako o di mo man ako kasama sa tabi mo palagi mong tatandaan na nasa puso mo lang ako palagi.' 'Mama?' tawag ko rito pero ngumiti lang ito at nag-laho na sa dilim. Mama! Napabangon naman ako at umiyak na lang ulit ng dahil sa panaginip ko.
.
.
.
.
Ilang minuto ay tumigil din naman ako sa kaiiyak dahil tiyak di magustuhan ni mama Yun, at napahawak naman ako sa aking dibdib at pinakiramdaman iyon kung bumalik na ulit sa dati ang tibok nito. At oo tama ang hinala niyo may sakit ako sa puso simula bata pa ako at ang sabi ni mama namana ko daw yun sa namayapa kong ama. Napabaling naman ako sa paligid ko teka di naman namin bahay to. Nasaan ako? Takot kong tanong sa aking sarili, Nasa langit naba ako? Bumukas naman ang pinto at pumasok ang Isang di katandaan na kasing edad ni Aling Trina na may Ari ng kalenderya sa amin na may dalang tray na may pagkain. Gising ka na pala ija at ito dinalhan kita ng sopas para bumaba ang lagnat mo at nag-dala na rin ako ng gamot mo at inumin mo pagkatapos mong kumain. Mahabang sabi nito pero isa lang ang nag-pagulat sa akin. Lagnat? May lagnat ho ako? Gulat Kong tanong sa matanda. Nako ija di mo ba pinakiramdaman ang sarili mo na mainit ka? Nakakunot nitong tanong tiyak naguguluhan sa inaasta ko. Ngumiti Naman ako rito ng alanganin at nag-salita Sanay na po ako kaya siguro di ko napansin. Sagot ko dito at malungkot na ngumiti. Bakit ija may sakit kaba maliban sa lagnat mo Ngayon? Kita mo naman sa mata ni manang ang pag-alala at naalala ko si mama sa kaniya kaya umiling na Lang ako bilang sagot at simula ngayon sekreto ko na sa sarili ang sakit kong to dahil ayoko makaabala sa ibang tao ang sakit nato. Sige kainin mo na itong sopas ija at mainit-init pa. Tamango Naman ako rito at sinimulan ng kumain dahil gutom na rin ako, at di nga pala ako nakakain ng hapunan. Nga ho pala manang nasaan ako, at paano ho ako napadpad rito? Tanong ko rito at naalala ko naman ang nangyari kagabi, imposible namang Yung lalaking sumigaw ang nag-dala sa akin rito. Si Young Master ang nag-dala Sayo dito ija at nasa mansyon ka ngayon ng mga Austin. Si Young Master yung muntik ng makasagasa Sayo dahil nakatayo ka daw sa ginta ng kalsada. Nagulat naman ako don, so Yung lalaking sumigaw ang tumulong sa akin?  Naku sorry, masama ho kase ang pakiramdam ko non at di ko naman po namalayan na nasa gitna na po pala ako ng kalsada. At sobrang nagpapasalat po ako at tinulungan niya pa rin ako kahit sinigawan niya pa ako kung gusto Ko daw magpakamatay ay dapat tumalon na Lang daw ako sa gusali Hindi Yung sa kalsada at maraming naaabala hay naku sino naman kaya may sabing magpakamatay ako.
Natapos ko naman kainin Yung sopas at ininom na Ang binigay ni manang na gamot. Hahahahaha Akala siguro ni Young Master na magpapakamatay ka ija at saka Bakit mugto yang mata mo nag-break ba kayo ng jowa mo? Malungkot Naman akong ngumiti rito at saka umiling. Hindi po, namatay po Kase ang mama ko at kahapon po siya inilibing.       
   Naku pasensya na ija, o nga pala Anong pangalan mo? Tanong nito Lara po Morrien Lara Falcon po ang buo Kong pangalan. Nakangiti ko ng sabi rito Ako Naman si Clarita manang Rita na Ang tawag mo sa akin Lara at Ako naman ang mayordoma ng mansyon na ito.  Ngumiti naman ako rito. Naku sobrang marami pong salamat at sa lalaking tumulong sa akin napakalaki po ng utang na loob ko sa kaniya dahil sinagip niya po ang buhay ko.   Naku sakanya ka personal na mag-pasalamat ija dahil Hindi naman din kita matutulungan Kong Hindi ka niya dinala rito Akala pa nga namin Girlfriend ka niya eh. Napaubo naman ako sa huling sinabi ni manang Rita. Naku Hindi po tanggi ko rito. Ngumiti lang ito sa akin at nag-paalam na umalis bitbit ang tray ng pagkain pero pinigilan ko at tumayo ngunit napaupo ako ulit dahil sobrang sakit ng ulo ko at ngayon ko pa lang talaga naramdaman ang hilo. Agad agad Naman na lumapit sa akin si manang na nag-alala. Ayos ka lang ba Lara, mag-pahinga ka na muna at Ako na dito trabaho ko Naman ito e.     Tumango na Lang ako at umalis naman ito at may trabaho pa siya. Humiga naman ako sa kama at napagpasyahang mag-pahinga ng sa ganoon paggising niya e aalis na siya at marami pa siyang gagawin pag-kauwi.

.
.
.
.
.

Her Misery Where stories live. Discover now