*****
Pagka-uwi ko ay agad na akong pumasok sa aking kwarto at humiga na sa maliit kong kama dahil masakit na talaga ang ulo ko at para yatang lumala yong lagnat ko, nakatingin lang ako sa kesame at inalala ang nangyari kanina "Gwapo sana masahol naman ang ugali." Inis kong sabi, anyway kalimutan na natin iyon dahil tiyak na di na siguro magco-cross ang landas namin ng tigreng Yun. At oh nga pala di pa ako pormal na nag-pakilala sa inyo.
Ako nga pala si Morrien Lara Falcon, I'm 18 years old at magco-collage na ako ngayong taon, at yan pa ang piniproblema ko ngayon dahil kailangan Kong mag-hanap ng trabaho para sa gastusin ko sa school at sa sarili ko at Isa pala akong scholar sa isang sikat na Unibersidad dito sa bayan namin at Yun ay ang Austin University at yan sana ang magandang ibabalita ko ni mama non pero ako pa Ang nagulat sa binalita niya sa akin. "Mama kung saan ka man ngayon sana masaya ka diyan sa kinalalagyan mo, maganda siguro diyan diba? At tanong ko lang ma wag kang Magalit huh? Pag namatay ba ako ay wala na rin akong maramdamang sakit at magiging masaya rin ako diyan?" Tumulo naman ang luha kong di yata maubos ubos at kailan kaya sila magsasawa katutulo ng sa ganoon di kumukirot sa sakit itong puso ko. "Huwag kang mag-aalala ma, kaya ko to syempre Si Lara to ang maganda niyong anak hahahahaha anyway anong connect non ma?" Natawa na Lang ako sa aking sarili at sigarado ako pag may nakarinig na kapit-bahay ko' tiyak na iisipin nilang nabaliw na ako. "Goodnight ma♡" Saka ako natulog.
.
.
.
.
.
.
.
Kring Kring Kring KringNagising naman ako dahil sa ingay nitong alarm clock ko nakalimutan ko e reset kagabi, hay Buhay sarap pa sanang matulog eh. "Lara sanayin mo na ang sarili mo simula ngayon dahil mag-isa ka na lang okay?" Sabi ko sa aking sarili at tinapik tapik ko pa ang aking pisngi ng sa ganoon magising ang diwa ko, at maayos na Ang pakiramdam ko ngayon kahit Hindi ako nakainom ng gamot kagabi. Pumunta naman akong kusina at nag-simulang mag-luto ng aking agahan, nag-prito lang ako ng itlog at hotdog at pagka-luto nito nilagay ko sa plato saka hinintay maluto ang sinaing kong kanin at habang nag-hihintay ako may kumatok naman sa pinto. "Lara nasa loob kaba?" Sigaw ni Manang Trina sa labas, agad ko Naman itong pinag-buksan at binati ng magandang Umaga. "Magandang Umaga din ija at mabuti naman maayos na ang pakiramdam mo nag-alala kami sayo nang Hindi ka umuwi kahapon umuulan pa naman."ngumiti lang ako rito. "Maayos naman na po ako at sigurado din po akong di gusto ni mama na malungkot ako sa pag-kawala niya at salamat po sa pag-aalala." "Wala Yun ija at ito nga pala." Inabot naman niya sa akin ang hawak nitong paper bag, at taka naman akong humarap sa kanya. "Ano po ito?" Tanong ko rito. "May dumating Kase kahapon na lalaki at hinahanap ka kaya sa akin na Lang niya binigay at ang sabi nito uniform daw Yan nong school mo. Sege ija maiwan na kita at si Tina lang ang nagbabantay sa kalenderya." Tumango lang ako rito at nag-pasalamat, pagka-alis nito ay agad akong pumuntang kusina at nilapag ang paper bag sa lamesa Saka ko ito binuksan bumungad Naman sa akin ang Maroon nilang uniform at P.E uniform din at may nakita naman akong sobre na kulay maroon rin kaya binasa ko iyon " Dear Scholar: We would like to inform you that the classes will going to start next week. Wear proper clothes so you all at least reach the school standard :) Aba nang-insulto pa talaga." Umakyat Naman akong kwarto at linagay na muna sa cabinet ang uniform ko at bumaba din agad para kumain dahil mag-sisimula na akong mag-hahanap ng trabaho ngayon at sana makahanap agad ako, Mama Kong nababasa mo Ngayon ang isip ko tulungan mo akong makahanap ng trabaho at sana Malaki din ang sweldo.
.
.
.
.
.Pagkatapos Kong kumain ay naligo na ako at pagkatapos namili na ng presentableng damit ng sa ganon maayos naman akong tignan, Puting v-neck shirt ang pinili ko at pantalon na may butas sa may bandang tuhod at linugay ko lang ang basa kong buhok dahil wala naman akong blower at nag-liptint saka ako humarap sa salamin at nang makuntento kinuha ko na Ang sling bag ko at cellphone at binilang ang natira ko nalang pera. "1,214 pesos na lang Ang Pera ko? Aabot ba to Hanggang next week?" Natanong ko na lang sa aking sarili dahil alam ko naman na hindi na to aabot Hanggang next week dahil bibili pa ako ng gamit ko.
*****
Kanina pa ako pasikot sikot rito at ang napupuntahan kong job hiring ay iyong College Graduate ang hanap at sinabi pa nga nong nag-interview na babae sa akin na kung graduate lang daw ako eh tanggap na daw ako kaagad at sa iba Naman Yun lang din ang requirements na hanap nila College Graduate kaya sa Modeling na lang daw ako mag-aply dahil tiyak na pasok daw ako sa standard nila. Anyway gutom na ako kaya mamaya ko na lang sisimulan ulit mag-hanap ng trabaho, at sakto naman tumigil ako sa isang coffee shop at hulaan niyo kong anong nakapaskil sa gilid ng salamin nito na pinto my God hulog talaga ito ng langit at siguro naman matatanggap na ako rito, kaya linapitan ko sa manong guard sa may pinto. "Ah excuse me po kuya? Tanong ko lang po kung hiring parin ba sila ng waitress?" Tumingin naman sa akin si kuya pero tulala ito may sakit si manong guard? Linapitan ko naman at winagayway ang kamay ko sa Mukha niya. "Ayos ka lang po kuya?" Tanong ko rito, tumikhim naman ito at umiwas ng tingin. "Nag-h-ahanap p-a ri-n s-ila." Nauutal na sagot nito ngunit benaliwala ko lang iyon at pumasok na lang sa loob, tinungo ko naman ang counter nitong coffee shop kung saan may takatayong sales lady. "Good Morning ma'am what's your order?" Nakangiting tanong nito sa akin kaya umiling ako at nag-salita "Hindi, may nakapaskil kasing job hiring sa labas kaya gusto kong mag-aplly bilang waitress" nalaglag naman ang panga nito habang gulat na nakatingin sa akin.
ANO BANG NAKAKAGULAT DOON?
♡♡♡♡♡
PLEASE VOTE AND COMMENT PO IF YOU HAVE QUESTIONS etc.
And anyway I want to thank my BestFriend who make Cover for this. ( ˘ ³˘)
JollyGirl05