Chapter 7 : Bump

123 41 43
                                    

" Saan ba kayo nanggaling kahapon, Jc at Xia?" pagtatanong ni tita sa akin habang nagaantay ako kay Xia.

" Ah yun kaklase po kasi namin ininvite si Xia kumain. Sabi ko nga po di pwede eh pero pinasama na lang po ako ni Xia. After po namin kumain, nagyaya na naman po sa National Book Store eh sabi ko po uuwi na kami kasi ayaw niyong ma gabi kami kaya ayun po." pagkekwento ko.

" Sino ba yun?" tanong ulit ni tita.

" Oliver po."

" Boy?"

" Uh opo..."

" Nako Jc ah. Tignang mo si Xia ha! Nako di ako papayag na masaktan ulit ang anak ko tulad nung sa ex niya."

" Siyempre po tita. Kaya nga po jina-judge ko yun eh pero wag po muna siguro tayo maging OA tita."

" Oh sige. Basta alam mo naman mahal ko 'tong anak ko." sabi ni tita at Xia na kakagaling lang sa taas.

" Nako mom grabe ha. Ininvite lang ako eh. Tsaka dahil may activity po kami tas kami yun may best essay kaya plus points po." pagpapaliwanag ni Xia.

" Hmm... O sige na pumunta na kayo sa school niyo. Bye na!" pagpapaalam ni tita.

" Sige po bye rin!" sabi ko na lang at sumakay na sa sasakyan.



Xia's POV

" Bakit pala sumama ka kaagad dun kay Oliver kahapon?" biglang tanong ni Jc habang nasa sasakyan kami.

" Mhm eh ininvite niya ako eh?" sagot ko naman.

" Tsaka di mo ako hinintay kahapon bakit?"

" Akala ko kasi nasa quadrangle ka na eh. Di mo naman rin sinabi."

" Tas pagbaba mo wala pa ako diba? Eh palabas na kayo ng school pagkita ko. So iiwan mo ako kung di kita pinigilan?" sunod sunod na sabi ni Jc na nagpa guilt sa akin.

Oo nga naman. Dapat inantay ko muna siya.

Nakalimutan ko. Hayst.

" Sorry...." sabi ko na lang.

Tumingin siya sa akin at hinawakan ang mukha ko.

" Its ok! No need to say sorry. Nasanay lang ako na lagi tayong magkasama." sabi niya.

Nagbuntong hininga na lang ako.

Andito na rin kami sa tapat ng school. Binitawan niya na ako kaya kinuha ko na ang bag ko.

" Tara na." sabi ni Jc at inalalayan ako sa pagbaba ng sasakyan.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Oliver.

Nginitian ko lang siya.

Napatingin ri si Jc sa kaniya.


Umupo na ako sa seat ko at nilapag ang bag sa tabi ko.

" Ano 'musta?" pagtatanong ni Oliver.

" Mhm ayun nakauwi naman ng maayos kahapon." sagot ko naman.

" Ahh buti naman." sabi na lang niya.


" Ok class. We have a group activity. 3 members each group. I'll give the groupings later. So you need to,..."

Hay! Group activity. Sana magkasama na kami ni Jc and with Oliver.

" Next group is Mr. Dizon, Mr. Chavez, and Ms. Ramos."

Oh yes! Galing!



Jc's POV

Wow! Buti na lang with Xia. Kaso andun rin si Oliver.

Ano to love triangle?!

We form a circle na lang at umupo na.

" So i'll assign na lang if you want?" pagsisimula ni Oliver.

Hay nako. Bilisan mo.

" So Xia ikaw na bumili ng materials natin sa baba sa school supplies ok?" sabi niya kay Xia.

" Ok sige."

" Uh Jc and i will,..."



Xia's POV

" Sige baba na ako bibili na ako." sabi ko sa kanila at kinuha ang pouch ko.

Dumiretso na ako sa school supplies at kumuha ng mga materials na need namin for the group activity.

Mukhang marami.

" Salamat po!" sabi ko at kinuha ang mga binili ko.

Andami! Walang mga tao dito ngayon dahil puro nasa klase sila.

" Hay bigat!" sabi ko sa sarili ko.

Inayos ko ang mga dala ko nang biglang humangin at may nakasalpukan akong estudyante. Hala!

" Are you ok?"

Only for you foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon