Chapter 27 : Lunch With Oliver And His Dad

36 20 2
                                    

" Hi Mom! Im home!" sabi ko agad pagdating sa bahay.

Mag isa lang ako ngayon umuwi dahil si Jc daw mamayang dinner na lang pupunta.

" Hey." saad ni Mom at kiniss ako.

" Mom?"

Sasabihin ko na sa kaniya yun lunch invitation ni Oliver.

" Yeah?"

" May nag iinvite sa atin ng lunch sa Sunday."

" Ohh.. Who's that?"

" Si Oliver po..."

" Ahh, yung seatmate mo?"

" Uh, opo."

" Bakit daw?"

Hala. Di ko rin knows eh... Bakit nga ba?

" Wala pong nasabi eh... " sagot ko lang.

" Mhm..."

" Baka po dahil dumating po yun Dad niya galing abroad?"

" Ah ganun..."

" Opo. Tsaka friends po kami kaya po siguro nag invite siya..."

" Ohh... Okay sige!"

Yehey!

Di kasi pumapayag si Mom sa mga invite if its not a friend eh.

" Okay po." sagot ko na lang.

Saktong tumunog ang door bell na feeling ko ay si Jc na iyon.

Pumunta na agad ako sa labas para pagbuksan siya.

In-open ko na ang pinto at pinapasok siya.

" Mhm.. Namis ko agad luto ni tita!" bungad niya.

" Sadyang masarap lang talaga yung luto ni Mom. Tara na!" yaya ko at pumasok na rin kami.

" Oh, Jc! Buti andito ka na. Nagluto ako ng favotite niyo ni Xia!" sabi ni Mom at pinaupo si Jc.

" Wow naman tita! Nako, favorite mo talaga ako tita!" sabi niya naman.

" Hoy! Di kaya!" angal ko naman.

Ako kaya ang favorite ni Mom!

" HAHAHA!" tawa namin nang sabay sabay.



Oliver's POV

Uy! Sabi ni Xianne malapit na sila!

Nag aantay na lang kami ni Dad dito eh.

Nakahanda na rin ang mga plates pati na ang lamesa.

Mayroon na rin kaming mga pagkain at ulam.

Bigla kong narinig ang doorbell kaya agad akong pumunta sa labas at pinagbuksan sila.

Samantalang si Dad eh naiwan sa loob para mag antay.

" Uy Xianne! Tara pasok!" yaya ko sa kanila.

" Hello po Tita!" bati ko naman sa Mom ni Xianne sabay mano.

" Hello rin iho." sabi ni Tita at ngumiti.

Pumasok na kami at pinakilala ko kay Dad.

Pagtingin ko kay Dad ay parang gulat na gulat siya.

Huh? Nakatingin siya sa Mom ni Xia?

Huh? Gulat na gulat rin si Tita?

Napatingin ako kay Xia na nagtataka rin ngayon.

Huh? Magkakilala ba sila ni Dad at ng Mom ni Xia?

" Uhm Dad!" putol ko sa tinginan nila.

" H-ha?" nauutal na sagot ni Dad na ipinagtaka ko pa.

" Si Xia po tsaka Mom niya. Si Tita Athena po. Si Xianne po yn kinekwento ko sa inyo nun."

" A-ahh... Siya ba yun? Ah hello!"p

Weird.

" Uh tara na po? Kain na tayo?" yaya ko na lang.

Inusog ko ang upuan at pinaupo si Xia.

Ganon rin ang ginawa ko sa Mom niya.

Tapos ay umupo na rin ako.



" Magkaklase kayo ni Oliver, Xia?" tanong ni Dad habang umiinom.

" Uhm opo. Magkatabi rin po kami."

" Ahh..." sagot lang ni Dad.

Nagpunas si Xia ng tissue sa bibig niya at parang tatayo.

" Uhm cr lang po ako. Saan po ba?" pagpapaalam ni Xianne.

" Ah, dun sa dulo tapos left ka." sagot ko naman.

Ngumiti lang siya at tumango.

Pag alis ni Xianne ay tinitignan ni Dad si Xianne paalis.

Pagpasok niya sa cr ay biglang tumingin sa akin si Dad.

" 'Nak? Si Xianne ba yun sinasabi mo na nagugustuhan mo?" biglang tanong ni Dad.

" Yes po." sagot ko at ngumiti.

" What?!" nakakagulat na sambit ni Tita Athena na ikinagulat ko.

Huh? Bakit?

" Bakit po?" takang tanong ko.

Ayaw ba sa akin ni Tita? Kaya ganun ang naging reaction niya?

Hindi siya sumagot at uminom lang.

Teka, bakit?

" Tita, i will do everything and anything for Xianne." i honestly said.

" No."

What?!

" Tita please..."

Bakit? Bakit ayaw niya?

Nakita kong lumabas na si Xianne sa cr.

Tumayo si Tita at ibinalik ang upuan sa maayos.

Huh? Aalis na sila?

" Oh Mom?" takang tanong ni Xianne.

" We're going home na."

" Oh... Okay po..."

Awts. Ano bang meron? Bakit?

" Are you okay, Mom?" tanong ni Xianne sa Mom niya.

" Yes.." tipid na sagot naman nito.

" Eh, why ka nakasimangot?"

" Wala. Okay lang ako. Tara na." malamig na sabi ni Tita Athena at nauna na umalis.

" Uy sorry ha..." bulong ni Xianne sa akin.

" Ayos lang. Ingat kayo." sabi ko na lang at ngumiti.

Umalis na rin sila at napatingin ako kay Dad.

Ano bang mayroon? Ano bang nangyayari?

Only for you foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon