Chapter 10 : Debate

109 38 31
                                    

Jc's POV

" Uy Jc! Bakit?" takang tanong ni Xia.

Bakit sila magkasama ni Spencer? At tsaka nauna pa ako sa kanila dito sa school?

" Saan kayo galing?" tanong ko sa kaniya habang hawak ko pa rin siya.

" Ah nagbreakfast kami." sagot ni Xia.

Hmm.. Panay yaya kumain ang mga lalake kay Xia ah.

Di na ako magtataka dahil maganda siya, matalino at higit sa lahat sobrang bait.

" Uh una na ako Princess ah." pagpapaalam nung Spencer.

" Sige." sabi ni Xia at kumaway kay Spencer.

Umalis na yun Spencer at binitawan ko na rin si Xia.

" Tara na sa room." sabi ni Xia at umakyat na kami para pumunta sa room namin.




Xia's POV

Hmm... Wala pa si Oliver... Maaga pa naman kasi.

Teka bat ko ba hinahanap yun.

Tumingin sa akin si Jc at umupo sa tabi ko na upuan ni Oliver.

" Wala pa naman siya eh." sabi ni Jc.

" Oo nga eh baka nalate rin siya ng gising tulad mo." sabi ko at tumawa.

" Maaga pa yun nuh!"

" Pero wala ka pa sa bahay nung paalis na ako."

" Kaso nauna pa rin ako sayo dito sa school."

Umiling iling na lang akoat umirap sa kaniya.

" So bat kayo magkasama nung Spencer aber?"atichod niyang tanong.

" Kumain nga!" sagot ko naman.

" Basta kainan sama agad ah! Haha!" biro niya kaya natawa ako.

" Eh di pa ako kumain ng breakfast eh." sagot ko sa kaniya.

" Because?"

Lagi kasi kaming sabay kumain eh di ako sanay. Wala siya kanina eh.

" Wala ka eh." sagot ko.



Jc's POV

Di ko alam if kikiligin ba ako o ano sa sinabi niya eh basta!

Nagulat na lang ako nung tumunog ang tiyan ko kaya natawa si Xia.

" Oh eto binilhan kita ng burger at fries kanina sa Mcdo. Tinake out ko bago kami umalis. Alam kong di ka pa kumakain kasi wala ako." sabi niya sabay abot ng paper bag ng Mcdo.

Ahh~~

" Kabisado na talaga natin ang isa't isa." komento ko at kinuha ang Mcdo.

" Siyempre best friends tayo!" sabi niya at ngumiti.

Bestfriends? Dun lang?

" Bat walang milktea at prutas?" sabi ko.

" Haha wow takaw naman!"p

" Di ah!" sabi niya at inirapan ako.

Cute neto magsungit! Haha!

" Bakit ka andiyan?"



Oliver's POV

" Kasi wala ako dun." pamimilosopo ni Jc.

" Bat sayo ba yan upuan?" dagdag pa niya.

Ay aba!

" Bakit inaangkin ko ba?" sagot ko.

" May sinabi ba ako?"

Hay nako wag na natin patulan.

" Uupo na ako." sabi ko na lang.

" Okay." sabi niya at tumayo.

" Asan na yun ginawa mo?" tanong ko pa.

" Oh eto oh." sabi ni Jc at halos ingudngod na sa mukha ko ang gawa niya.

Luh. Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang gawa niya.

" Tara nga Xia. Dun tayo sa canteen." pagyaya ni Jc kay Xia at nauna na siyang umalis.

Tumayo si Xia at lumapit sa akin.

" Uy sorry sa igali nun ah! Ganon talaga yon eh. Pati rin sakin." sabi niya.

" No need to say sorry. Di naman siya ikaw." sabi ko.

" Nakipagusap lang naman siya kanina sandali sa akin. Sorry talaga."

" Ayos lang."

" Sige punta na ako sa kaniya."

" Sige." sabi ko at umalis na siya.




Xia's POV

" Cold mo dun." sabi ko kay Jc.

" Eh siya kasi eh!" sagot naman niya.

" Ganiyan ka rin sakin."

" Di ah."

" Wag mo na ulitin yon huh."

Tinuloy na lang niya ang pag kain niya at di sumagot.

Ganon talaga ugali ni Jc eh.

Kahit sakin kung magbiro eh yun tipong mabibwisit ka pero mabait naman yan. Jinajudge lang muna niya yun tao siguro.

" Sorry..."

" Ayos lang ano ka ba!" sabi ko naman at ngumiti na lang ako sa kaniya at ganun rin ang ginawa niya.

Only for you foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon