Chapter Two

0 0 0
                                    

ROMANCE NOVELLA V. 1 series #4
WHEN MR. WHITE MEETS MS.  BLACK
Copyright © by lucky_patch (2022)

The moral right of the author has been asserted.

DISCLAIMER. This is a work of fiction. All names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either product of the author's imagination or used in fictitious manner and any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

CHAPTER TWO: The Possessive Boyfriend
Continuation:
~~

~ FLASHBACK ~

FEW days ago ...

Asshei Jane Sandoval Ferraganno.

A highly paid French Filipino model, sought-after photographer in the world and sole heiress of Ferraganno Empire Trading and Expo - isang kompanya na nagmamay-ari ng chains of hotels, restaurants, malls, resorts, subdivision at iba pang klaseng businesses tulad ng import and export businesses. She is already on her twenty eight years, at masasabing marami na itong narating sa buhay. Patunay na rito ang daan daang posters, cover magazines at mga nagtataasang billboard photos niya na nagkalat hindi lang sa Pilipinas maging na rin sa iba't ibang bansa.

She is a living goddess with her arousing and curvaceous body, her seductive lips, alluring crystallized eyes, perfectly shaped jawline, long black hair, long legged and most of all, her asset, her smooth-tanned skin. Kahit maitim ito, she has the beauty of a queen. Mahilig sumali si Ash sa mga photography contest, patunay dito ang lampas sa sampung trophies na nakamit nito sa iba't-ibang competition. It's either she is the subject or siya ang magpi-feature ng subject.

Ang billboard sa kasalukuyang taon ng pinakasikat na brand sa bansa, ang Ash&Patch ay nagpi-feature ng mga larawan ni Ash bilang modelo nito o di kaya ay mga larawang siya mismo ang kumuha. Siya na rin ang napisil ng may-ari na siyang maging official model, endorser at photographer ng kompanya na iyon. Doon ay kumikita ng napakalaking halaga ang dalaga. Kaya naman hindi na ito pinoproblema pa ng amang si Marcelino kung pinansiyal na bagay ang pag-uusapan dahil mayroon ng pinagkakakitaan ang anak, maliban sa sole heiress ito ng kompanya nila. Idagdag pa roon na totoong proud na proud ang ama sa unica hija nito.

Isang maid at driver lang ang kasama ng mag-ama sa malaking mansyon ng mga ito sa Beverly Plains - isang ekslusibong subdivision na pagmamay-ari ng Ferraganno Empire. Sa kabilang bahagi ng malaking bahay ay doon ipinagawa ni Marcelino ang malaking studio para sa nag-iisang anak. Sa piniling propesyon na nag concentrate si Ash- ang photography. Hindi naman naging mahirap sa kanya ang propesyon na iyon dahil nag-aral naman siya ng photography.

Nang mga sandaling iyon ay may panauhin si Ash sa studio nito. Ang almost one year boyfriend nito na si Eligio Constantine Smith or Lee for short. A thirty one year old architect at anak ng kaibigan ng Daddy ni Ash.

Kasulukuyang nag-uusap ng seryoso ang dalawa. O mas tamang sabihin na si Lee lamang ang seryoso sa kanilang dalawa. Habang si Ash ay patingin tingin naman sa mga negatives. Pagkatapos ay nilingon ni Ash ang katabing boyfriend.

"Look, Lee, I'm not going there for pleasure, and you clearly know that. Alam mo kung ano talaga ang sadya ko sa Palawan."

Tumikhim si Lee at pagkatapos ay humugot ng malalim na hininga. Saka siya matiim na tinitigan.

"I know. Pero, Ash, hindi mo maiaalis sa akin na hindi maging worried sa iyo. It's just that … "

"I can take care of myself, okay? Hindi na ako bata and you know that. You worry too much, Lee. And that's the trouble with you." walang pag-aalinlangang sinambit iyon ni Ash sa harap ng kanyang boyfriend.

Pinipigilan kasi siya ni Lee sa kanyang pagpunta sa Palawan. At bukas na iyon naka-schedule. Sa Palawan niya planong kumuha ng mga shots upang isali sa annual competition sa photography na magaganap isang buwan mula ngayon. Last year ay nasa second place lang siya. At sa taong ito ay naghahangad siyang makuha ang championship award. Lahat naman ng sumasali sa mga competition ay iyon ang natural na hangad. Kung kaya't gusto talaga niyang makakuha ng isang unique at pang-award winning na shots.

Minsan ay nabanggit sa kanya ni Lee na mayroong isang gubat sa Palawan na puno ng iba't ibang mga rare species ng mga halaman at ibon. Na madalas daw nitong pinupuntahan noon kasama ng mga kaibigan nito kapag nagha-hiking. Tubong Palawan talaga sina Lee at napadpad lamang sa Maynila ng madestino dito ang business ng kaniyang pamilya. Naalala niya ang ikinuwentong iyon ni Lee. At pumasok nga sa isip niya ang ideya na sa lugar na sinasabi nito siya posibleng makakuha ng mga desired shots na nais niya.

"Because I love you, Ash. Natural lang na isipin ko ang kaligtasan mo. Sa akin ka maki- … "

"I'll be safe, Lee. I'll be safe. I promise."

"Ash, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag napahamak ka. Hindi mo ba naiisip iyon?"

Hindi na siya sumagot pa. Iniiwas din niya ang tingin dito. Ang totoo, thankful siya sa pagiging concerned ni Lee sa kanya. Sa pagmamahal na ipinadarama nitong pilit sa kanya. Ngunit may bahagi sa kanyang pagkatao na talaga namang naso-suffocate na sa presensiya ni Lee. Bagay na hindi niya dapat maramdaman ngunit totoong nadarama niya sa maraming pagkakataon.

May dahilan kasi ang pakiramdam na iyon ni Ash. Ang totoo ay napasubo lang siya sa pagsagot niya kay Lee. Hindi pa rin niya maamin sa sarili na siya nga ay totally inlove kay Lee. Dahil iyon ay isang malaking kasinungalingan. Minsan pang tumikhim si Lee.

"Ash … "

"Lee, kaibigan mo ang guide ko roon, right? Siguro naman ay hindi niya ako pababayaan. And one more thing, ilang beses na rin naman akong nag-out of town dahil sa trabaho ko, diba? Ngayon ka pa ba magwo-worry? Besides, it's your hometown kaya dapat na maging at ease ka."

Malinaw na nakalarawan na ang pag-aalala sa mukha ni Lee.

"I don't know, Ash. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon. It's just that... Hindi ko alam kung bakit parang … parang natatakot akong umalis ka this time, Ash."

Sinikap niyang ngumiti kay Lee.

"Lee naman. I told you I'll be fine. At isa pa, sandali lang naman ako roon. Three days is not so long. So, anong gusto mong pasalubong?"

Sa halip na sumagot ay kinabig siya ng yakap ni Lee. Waring naglalambing sa kanya.

"Just come back to me, Ash. In one piece."

Bahagya siyang tumawa sa sinabi nito. Natigil si Ash nang siilin siya nito ng halik sa labi. Tulad muli ng dati, napilitan na namang tumugon sa halik nito si Ash. Ngunit saglit lang iyon at binawi rin niya agad ang kanyang labi.

~
To be continued…

~
Up Next...
Chapter Three: Manhattan Sunrise Resort
~

ROMANCE NOVELLA V. 1 series #4
WHEN MR. WHITE MEETS MS.  BLACK
© lucky_patch 2022

When Mr. White meets Ms. BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon