Chapter Seven

0 0 0
                                    

ROMANCE NOVELLA V. 1 series #4
WHEN MR. WHITE MEETS MS.  BLACK
Copyright © by lucky_patch (2022)

The moral right of the author has been asserted.

DISCLAIMER. This is a work of fiction. All names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either product of the author's imagination or used in fictitious manner and any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

CHAPTER SIX: Lover's Quarrel Early in the Morning
Continuation...
~~

PILIT iwinawaglit sa isip ni Ash ang ginawa sa kanya ni Mickee noong isang gabi. Siya rin naman ang nahihirapan sa tuwing iniinis siya nito. Mabuti pang huwag na niyang isipin pa iyon dahil lalo lamang siyang maiinis.

Muling ginampanan ni Ash ang trabaho sa resort kinaumagahan. Kasalukuyan siyang naglilibot sa vicinity ng resort para i-check kung nasa ayos na ang lahat. Mula nang siya ay magising ay hindi pa niya nakikita si Mickee, na laking ipinagpapasalamat niya.

"Hi." bati ni Rey, ang kanyang nalingunan.

Nakasuot ito ng black swimming trunk at mukhang kaaahon pa lamang sa pool. Naudlot tuloy ang kanyang paglilibot at napilitan siyang kausapin ito.

"Nakita kita kagabi. Kasabay mong kumain yung .. sino nga ba iyon?"

'Ang pinaka-walang hiya at pinaka-bastos na lalaking nakilala ko.' gusto sana niyang sabihin iyon sa lalaki.

"Si Mickee." sagot niya na pilit inaalis ang inis sa tono ng kanyang boses.

"Suitor mo?"

"Hindi. Cousin siya ng may-ari nitong resort. Kung sa akin nakatoka ang trabaho ni Calista, sa kanya naman nakatoka ang trabaho ni Jovanni."

Para namang nabunutan ng tinik si Rey sa sagot niyang iyon. At kitang kita ni Ash ang pagbabagong ng ekspresiyon nito.

"Akala ko karibal ko na siya, e."

Gusto niya itong taasan ng kilay. Masyadong mayabang at napakataas ng tingin sa sarili..

"Look, Rey, I know what you're up to at sasabihin ko na sa iyo ngayon pa lang na itigil mo na. I'm not planning to cheat on my boyfriend. Yes, I already have a boyfriend. Naiwan lang siya sa Manila dahil sa trabaho niya. In fact, magpapakasal na kami pagbalik ko. Hindi magandang tingnan kung ie-entertain pa kita hindi ba?" mahinahon niyang pagpapaliwanag dito.

"Bakit naman? Hindi pa naman kayo mag-asawa."

'Talagang ang lakas ng loob ng isang to.'

Ni hindi man lang naintimidate sa mga sinabi niya kahit pa na kasinungalingan lamang ang mga iyon. Maliban sa may boyfriend talaga siya sa Manila.

"Rey, hindi ako tulad ng ibang babae na porket wala ang boyfriend nila eh pwede ng makipag-usap o mag-entertain ng kung sinu sino. I'm here for business purposes only. Wala ng iba bukod doon. So please, drop that idea at layuan mo na ako."

Naudlot ang pag-alis ni Ash dahil sa nakitang paparating. Si Mickee, na may kasabay na babae na halos maghubo't hubad na sa suot nitong two piece bikini. Nagtatawanan ang mga ito. Ang nakatawag pansin sa kanya ay ang kung paano paimpitin ng babae dibdib nito upang mas lalong makita ang cleavage nito. Halata namang nang-seseduce ito.

Nagkunwari na lamang siya na hindi niya iyon napansin. Hinarap niyang muli si Rey at kunwari rin niyang nginitian.

"But we can be friends naman Rey. Magche-check out na kayo mamaya hindi ba?"

When Mr. White meets Ms. BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon