ROMANCE NOVELLA V. 1 series #4
WHEN MR. WHITE MEETS MS. BLACK
Copyright © by lucky_patch (2022)The moral right of the author has been asserted.
DISCLAIMER. This is a work of fiction. All names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either product of the author's imagination or used in fictitious manner and any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
CHAPTER THREE: Manhattan Sunrise Resort
Continuation:
~~MANHATTAN Sunrise Resort, El Nido, Palawan.
Ang nasabing resort ay pag-aari ng mag-asawang Calista at Jovanni, mga kaibigan ni Lee na ipinakilala nito kay Ash six months ago. Isa sa well-acclaimed resort and highly recommended ang Manhattan Sunrise at tunay na dinarayo ng mga excursionist na mahilig maligo sa mga pools. Masasabing excellent ang facilities at amenities ng Manhattan Sunrise. Kaya maging ang mga turista ay nawiwiling magstay dito ng matagal.
May apat na malalaking pool sa resort at dalawang kiddie pool. Sa isang hall ay may bar na kung minsan ay nagiging disco na rin ng ilang mahilig sumayaw. There are 30 suites for the stay-in guests na kayang maka-accommodate ng 5-7 persons per suites. Mayroon din silang 20 cottages for rent. Reasonable ang prices para sa paggamit ng mga facilities ng resort. May apat na comfort rooms at shower area. Talagang masasabing isa sa mga dinarayong resort sa Palawan ang Manhattan Sunrise.
Ang mag-asawang Calista at Jovanni ang personal na namamahala sa resort. Sa tulong na rin mga tauhan nito. Nasa ika-tatlumpu't anim na taon na ang operasyon ng resort sa Palawan. Ito ay ipinamana pa ng mga magulang ni Jovanni, dahil nag-iisang anak lamang ito. Iti-nurn over ito ng mga magulan ni Jovanni ng siya ay mag-asawa. Ngayon nga ay may limang taon ng kasal ang mag-asawa. At wala pa ring anak.
Sa pribadong opisina ng resort ay nag-uusap sa kasalukuyan ang mag-asawa. Katatapos lang nilang mag-ikot noon sa vicinity ng resort at i-check kung okay at nasa ayos ang lahat.
"Bukas na ang dating niya," saad ni Jovanni sa asawa. "Ngunit ayaw magpasundo sa airport. Kaya na raw niyang bumyahe papunta rito."
Bahagyang bumalatay sa mukha ni Calista ang waring pag-aalala.
"Jovanni, hindi ba delikadong pumunta kayo sa gubat na iyon?"
Ngumiti si Jovanni sa asawa."Sanay ako roon. Hindi ba naikwento ko na sa iyo na naging past time namin ang pagha-hiking doon? Kabisado ko na ang lugar na iyon."
"Pero … bakit hindi na lang si Lee ang mag-guide sa girlfriend niyang photographer? Ang sabi mo ay kabisado rin niya ang gubat na iyon, diba?"
"Oo. Ngunit may trabaho si Lee. Alam mo naman ang mga architect, tali lagi sa contract. Ayaw naman daw ng girlfriend niya na i-sacrifice niya yung kanyang trabaho."Hindi kumibo si Calista. Ngunit nanatili sa mukha nito ang pag-aalala.
"At saka sayang din yung ibabayad sa akin ni Ash. Pandagdag din iyon sa capital natin, diba?"
Tiningnan ni Calista ang asawa nang makahulugan.
"Jovanni, ang kaligtasan mo ang mas importante sa akin. At hindi ang pera. Isa pa, hindi tayo kinakapos ngayon. So far, maganda ang takbo nitong resort."
Minsan pang ngumiti si Jovanni. Pagkatapos ay tumayo ito sa kinauupuan at nilapitan si Calista. Tinabihan nito ang asawa sa kinauupuan. Saka yinakap sa beywang si Calista at paminsan minsan na hinahalikan ang leeg. Waring nilalambing ito."Alam ko. Pero mas gusto ko pa ring palaguin pa ang ating business. Guiding her isn't a hard work. Isa pa, may additional plan kasi ako, honey."
Bahagyang kumunot ang noo ni Calista habang nakatuon ang pansin sa asawa.
"Plan? Ano iyon?"
Lalo pang ngumiti si Jovanni kasabay nang pagyapos sa asawa."Gusto kong magkaroon na tayo ng baby, honey. It's time na para magkaroon tayo nun, diba? Stable na ang lahat, maging itong resort na prinoproblema natin noon. Everything is under control. And it's time to give ourselves a reward. A baby of our own. What do you think? Malaking investment rin iyon." wika nito sabay kindat sa asawa.
Kay bilis na napangiti si Calista. Waring umilaw din ang isip nito.
"Talaga?"
"Gusto kong magbakasyon tayo ng matagal, honey. Magha-honeymoon tayo para i-assemble si baby. What do you say?"Nangislap pa lalo ang mga mata ni Calista. Yumakap na rin ito sa asawa.
"Totoo yan, ha? Talagang talaga?"
"Talagang talaga. Naisip ko kasi, we are both now thirty one. Right age to have a baby. Nasasabik na ako sa anak, honey. And of course, sa iyo syempre."Bahagyang natawa si Calista. At mabilis nitong siniil ng halik si Jovanni kaya agad itong natahimik. Matagal na naghalikan ang mag-asawa, kapwa humihingal pagkatapos. Ngunit parehong nakangiti nang ubod tamis.
"Hon, just take care, okay?"
"Of course. Dapat lang dahil gagawa pa yata ako ng junior ko. Calista?"
At sinenyasan ang asawa na umakyat sila ng kwarto. May kwartong okupado roon ang mag-asawa. Doon natutulog ang mga ito kapag hindi nakakauwi sa sariling bahay. Mga thirty minutes drive ang layo ng bahay ng mga ito mula sa Manhattan Sunrise."Loko. Business first before pleasure no! Tara na nga sa labas."
At hinila nito ang asawa palabas ng opisinang iyon habang nagmamaktol naman si Jovanni.
~
Hangang hanga si Ash sa nakikita ng kanyang dalawang mga mata. Pagkalapag pa lamang ng eroplanong kinasasakyan niya ay hangang hanga na siya sa kanyang mga nakikita.
Mula sa airport ng El Nido ay sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa Manhattan Sunrise Resort. Mag-iisang oras din ang kanilang binyahe bago nila narating ang resort na iyon. At kanya ngang natuklasan na de-kalibreng resort nga ang Manhattan Sunrise. Hindi ito nahuhuli sa mga high class na resort na bukambibig na ng mga elite na taga-Manila.
Mainit ang ginawang pagsalubong at pagtanggap sa kanya ng mag-asawang Calista at Jovanni. Pakiramdam niya ay magaan na agad ang loob niya sa mag-asawa, bagama't noon lang sila nagkita ng personal. Ipinakilala kasi siya ni Lee sa mag-asawa habang magka-video call sila ng nobyo noong umuwi si Lee sa Palawan. Inilibot siya agad ng mga ito sa buong vicinity ng resort. Lalo siyang humanga sa kanyang mga nakita. Tunay ngang napakaganda ng resort na iyon.It is breathtakingly beautiful. Noon din ay nagsisi siya kung bakit tatlong araw lang ang napagdesisyunan niyang mag-stay roon.
Espesyal ang pagkaing ipinahanda ng mga ito para sa kanya. Bago man sa kanyang panlasa ngunit totoong nagustuhan niya ang mga iyon. Pagkatapos ay inihatid siya ng mga ito sa suite na kanyang ookupahin hanggang sa siya ay naroroon. Air conditioned iyon at maganda ang interior design. Hindi pa man ay natitiyak niyang siya ay magiging komportable sa silid na iyon.
"I am really impressed. Wala talaga akong masabi sa resort na ito. It made me speechless. Gusto ko ang lahat. Maging kayong mag-asawa." nangingiting wika ni Ash.
Ngumiti sina Calista at Jovanni at obvious na nasiyahan sa kanyang naging comment.
"Visit the pool if you still have time. And feel free to go around." ani Jovanni.
~
To be continued…~
Up Next...
Chapter Four: The Accident
~ROMANCE NOVELLA V. 1 series #4
WHEN MR. WHITE MEETS MS. BLACK
© lucky_patch 2022
![](https://img.wattpad.com/cover/228436775-288-k580969.jpg)
BINABASA MO ANG
When Mr. White meets Ms. Black
RomanceAccording to science, 'Opposites do attract.' Ngunit hindi para kina Ash and Mickee na pinaglihi sa tubig at langis na hindi mapagsama sama. Tumalab nga sa kanila ang kasabihan na iyan? Meet Ash. The hot-tanned photographer from Manila. Na sobrang m...