Chapter Four

4 0 0
                                    

ROMANCE NOVELLA V. 1 series #4
WHEN MR. WHITE MEETS MS.  BLACK
Copyright © by lucky_patch (2022)

The moral right of the author has been asserted.

DISCLAIMER. This is a work of fiction. All names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either product of the author's imagination or used in fictitious manner and any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

CHAPTER FOUR: The Accident
Continuation…
~~

HANGANG HANGA si Ash sa nakikita ng kanyang dalawang mga mata. Pagkalapag pa lamang ng eroplanong kinasasakyan niya ay hangang hanga na siya sa kanyang mga nakikita.

Mula sa airport ng El Nido ay sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa Manhattan Sunrise Resort. Mag-iisang oras din ang kanilang binyahe bago nila narating ang resort na iyon. At kanya ngang natuklasan na de-kalibreng resort nga ang Manhattan Sunrise. Hindi ito nahuhuli sa mga high class na resort na bukambibig na ng mga elite na taga-Manila.

"I am really impressed. Wala talaga akong masabi sa resort na ito. It made me speechless. Gusto ko ang lahat. Maging kayong mag-asawa." nangingiting wika ni Ash.

Ngumiti sina Calista at Jovanni at obvious na nasiyahan sa kanyang naging comment.

"Visit the pool if you still have time. And feel free to go around." ani Jovanni.

Minasdan niya ng salitan ang mag-asawa.

"Hanga ako sainyong mag-asawa, sa totoo lang. Hindi ba mahirap ang ma-maintain ang ganitong business? Well, may business naman kami but may father has always his companions. But you, kayo mismo ang personal na namamahala sa lahat."

"Syempre mahirap din." sagot ni Jovanni. "Mabuti na lang beforehand ay na-train ako noon ng Papa ko. Kaya kahit papano ay alam ko na ang pasikut-sikot sa business na ito at sa managing nito nang tuluyan na nga itong mapasaamin. Nabanggit ko na ba sa iyong ipinamana lang ito sa akin ng parents ko?"

"Oo. Kanina habang inililibot niyo ako sa buong resort."

"At saka mahusay ang aking inspirasyon, eh." dagdag pa ni Jovanni sabay lingon kay Calista.

Nginitian nito ng matamis ang asawa. Nakangiti namang umingos dito si Calista. At awtomatikong napangiti na rin si Ash.

"Ang sweet niyo namang mag-asawa. Pero sabi ni Lee wala pa raw kayong baby. Why?"

"Actually nasa plano na iyon this year."

"That's nice! I suppose talagang ini-stabilize niyo muna ang lahat saka niyo inisip na magkaroon ng baby, right?"

Nilapitan pa ni Jovanni si Calista at inakbayan.

"Totoo yan. Tama lang naman iyon, diba?"

"I agree. Naniniwala rin ako na ang lahat ay nagiging maayos kapag well-planned."

"Tama. Kayo naman ni Lee, kailan niyo planong magpakasal?" out of nowhere na tanong ni Jovanni.

Ash was caught off gurad.

'Ouch!' sigaw ng isip ni Ash.

Sa totoo lang ay painful topic iyon para sa kanya. Dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya makumbinsi ang sarili na si Lee na nga ang kanyang nakatakdang maging lifetime partner.

"Hindi pa siguro, Jovanni. May career pa akong dapat munang pagtuunan ng pansin. Same thing with Lee. We both have our careers."

"Tingin namin ay mahal na mahal ka ni Lee." ani Calista. "The last time na nakausap namin siya ay sinabi niya iyon."

Ngumiti siya kay Calista.

"Siguro nga. Pero wala pa talaga sa plano namin ang pagpapakasal. That can wait. Sabi nga nila, lahat ay mangyayari sa takdang panahon. Wait, masyado ko na yata kayong naaabala."

When Mr. White meets Ms. BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon