Chapter 1

3 0 0
                                    

ROMANCE NOVELLA V. 1 series #4
WHEN MR. WHITE MEETS MS.  BLACK
Copyright © by lucky_patch (2022)

The moral right of the author has been asserted.

DISCLAIMER. This is a work of fiction. All names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either product of the author's imagination or used in fictitious manner and any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

CHAPTER ONE: When Mr. White meets Ms. White
~~

WALANG patid ang pag-iyak ni Calista kahit pa ito'y inaalo na niya. Ang totoo ay pinipigil niya lang ang sarili na mapaiyak din. Sa katunayan nga ay dama niya ang panginginig ng kanyang kalamnan. Ngayon lang kasi siya nakasaksi ng isang malalang aksidente. At ngayon din lang siya nakakita ng taong duguan at mukhang patay na kung titingnan.

Ngunit naisip niya sa pagkakataong iyon na hindi niya dapat ipakita kay Calista ang takot. Kung hindi ay mas lalo pa itong panghihinaan ng loob.

"May awa ang Diyos, Calista, makakaligtas si Jovanni."

Isang lalaki ang nalingunan niyang paparating noon. Humahangos ito. Tingin niya ay hindi nalalayo ang edad nito kay Jovanni. Kay Calista ito nakatingin habang naglalakadito papalapit sa kanila.

"Calista, anong nangyari? Si Dad lang ang nagbalita sa akin na naaksidente nga raw si Jovanni."

"M - Mickee … "

Ngunit wala ng nasabi pa si Calista. Humagulgol na naman ito ng iyak.

"Huminahon ka. Nasaan siya?"

Nakita niya sa mukha ng lalaki ang labis ding pag-aalala. Maagap itong umupo sa tabi ni Calista. Kaya napapagitnaan nila ito.

"N - nasa … loob pa siya … at inooperahan. A - ang asawa ko … Mickee."

Sa kanya natuon ang tingin ng lalaki sa pagkakataong iyon. Tingin niya ay bahagya pa itong napakunot noo. Kung bakit bigla ring kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Parang na-intimidate siya ng lalaking ito na hindi niya alam kung sino bagamat narinig niyang tinawag itong Mickee ni Calista.

"Sino ka?" tanong nito sa kanya.

"A - ako ang kasama ni … ni Jovanni sa gubat dahil … "

"So, ikaw pala ang photographer na nagpa-guide sa pinsan ko."

Iba ang tono ni Mickee. Iba ang paraan ng pagkakatingin nito ngayon sa kanya. At sa sinabi nito, pakiwari niya ay siya ang sinisisi nito sa nangyari kay Jovanni.

Lumunok siya ng ilang beses. Nakatitig pa rin sa kanya ang matang mapanghusga ni Mickee na wari bang siya pinapagalitan nito.

"H - hindi ko gusto ang nangyari, Mr - "

"P - pinsan siya ni Jovanni, Ash." maagap na sagot ni Calista sa kabila ng paghikbi.

At unti unting tumiim ang tingin sa kanya ni Mickee. Pagkatapos ay tumayo ito at tinungo ang pinto ng operating room saka sumilip sa malaking salamin. Ano ba't lalo siyang kinabahan sa tila pagtitiim bagang nito habang nakasilip sa loob ng operating room.

Si Calista ang kanyang binalingan na umiiyak pa rin.

"C - Calista, p - patawarin mo ako kung ako ang … "

"A - ang asawa ko … baka … baka m - mamatay ang asawa ko … "

"Hindi. Makakaligtas siya, Calista. Magdasal tayo. May awa ang Diyos."

When Mr. White meets Ms. BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon