KABANATA 3
Hiyang hiya ako sa nangyari. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay nawala naman ang bumara sa aking lalamunan at nakahinga nang maluwang. My heart was beating fast and he was still there standing on my side.
I looked at him and saw how his lips rose up. Lagi nalang akong napapahiya sa harapan ng lalaking 'to. May kamalasan ba itong dala at ako ang napagbubuntongan? Gosh!
"Hindi mo man lang ba ako a-anyayahan pagkatapos mong sabihin sa akin na babawi ka sa libre ko?" nakangiting aniya.
Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya. Saan ba napulot ng lalaki'ng ang kanyang mukha. Sobrang kapal! Kahit na napahiya ako sa harapan niya ay wala pa rin siyang karapatan na maging close sa akin. Damn this guy!
Wala pa akong sinabi ay umupo na siya. Nakasuot pa rin siya ng uniporme. Sa ginawa niya ay ako ang nahiya. Ano nalang kaya ang iisipin ng mga kakilala niya? Gosh.
Nagtawag siya ng kapwa niya server at nag order. Hindi nalang ako umimik at nag patuloy sa pagkain.
Wala ba siyang ibang magawa rito sa isla at ako ang ginagambala niya? Halata naman kasing boring life niya dahil nagtatrabho siya rito sa isla. Server sa isang coffee shop sa umaga at bartender naman sa gabi. Kahit na sobrang yaman na nila ay nagtatrababo pa rin siya.
Madami siyang inorder at napanganga ako. Grabe, ang lakas pa lang kumain ng isang 'to.
"Mauubos mo ba 'yang lahat ng inorder mo?" tanong ko sa kanya nang umalis na ang server.
He putted his arm on the table and shook his head. "Hindi," nakangiting sagot niya. Grabe. Sayang naman ang pagkain kung hindi niya naman mauubos.
"Hindi dahil mayaman kayo kaya munang sayangin ang pagkain." pangaral ko sa kanya.
"H'wag kang mag alala. Uubosin ko ito lalo na libre mo 'to," he bit his lower to hide his smile. Hindi ko siya maintindihan? What does he mean?
"Huh?"
Saka ko lang narealize ang sinabi ko kagabi. Pinilit ko palang ililibre ko siya pero hindi ko inexpect na ganito karami ang inorder niya. Dapat pala hindi ko na ililibre ang lalaki'ng 'to dahil baka mabutas ang bulsa ko pag ililibre ko siya araw-araw.
The nerve of this guy! Kakakilala lang namin kagabi, ah! Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya! Sobrang fc naman niya!
"Wala akong utang sayo after this," walang ganang ani ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Napairap ako sa kakulitan ng lalaki.
Matapos kong maubos ang dalawang pan cake ay ininom ko ang natitirang kape. He was still eating. Mabilis siyang kumain na tila ba ay hangin lamang ako.
"Kyle Lauren, right?" he asked. Nagpunas siya gamit ang napkin. Nagsingkit ang kilay ko sa sinabi niya. Saan niya nalaman ang pangalan ko? Did we met before? Sa pagkakaalala ko ay hindi.
"Why do you know my name?" tanong ko sa kanya. Nakakrus ang braso sa harap ng aking dibdib.
May kakaiba talaga akong nararamdaman sa lalaking 'to. Lalo na ngayon ay alam niya ang pangalan kahit hindi ko pa naman nasabi sa kanya iyon.
Stalker ko ba siya? Sobrang creepy niya naman. I don't want him around me na.
"Are you a stalker?" paratang ko pa. Buo na talaga ang kompyansa ko na isa siya sa mga iyon. Hindi pa naman nawawala ang mga lalaking sunod nang sunod sa akin. Nakakapanindig balahibo.
"Silly," he said and chuckled. Tinawan niya lang ang paratang ko so, it means totoo talaga! Kaya pala nagkita kami agad pagkarating ko sa isla. Alam kong may plano siyang masama sa akin. "Hey! Hey! Whatever you were thinking of me is wrong. I'm not stalker, you silly girl."
YOU ARE READING
deja vu
Short StoryISLA SAWI SERIES #1 I think I have seen this scene before... The way he sang my favorite song while leaning on his shoulder. The feeling I felt when he held my hand. The way I closed my eyes whenever he kissed me. Everything had happened between us...