Inilayo ni Natasha ang sarili sa binata at pinakita dito na galit siya. Wala na siyang magawa nang umadar ang taxi at napagtulongan siya ng dalawa."Bakit mo ako dinala dito?" galit pa rin ang dalaga at napilitang sunama sa loob ng isang magandang hotel. Ayaw niyang makalikha ng gulo at marami ang tao sa paligid.
"Makapag-usap tayo ng maayos dito at walang istorbo." Seryoso si Yael nang mga oras na iyon.
"Huhhh, gusto mo lang maka iskor kung kaya dito mo napili!" Nakaingos na turan ng dalaga.
"Pwede rin!" Nakangisi na sagot Yael.
Inirapan ni Natasha ang binata at padabog na pumasok sa loob. Dumistansya rib siya sa binata dahil wala siyang tiwala sa sarili kapag nilandi siya ng babaerong lalaking kaharap ngayon.
"Sino ka ba talaga at bakit mo ako pinaglalaruan?" ang dalaga naman ngayon ang seryoso. Nakabalatay sa kanyang mukha ang sakit sa kaalamang laruan ang turing sa kanya ng binata.
"First of all, my name is Gregon Yael Villamor. Maniwala ka at sa hindi, malinis ang atensyon ko sa pakipaglapit sa iyo. Im sorry kung sa ganitong paraan ako nagpakilala sa iyo. Ang suplada mo naman kasi at ang ilap mapaamo." Mahabang paliwanag ng binata.
Ang totoo ay hindi pagiging driver nito ang una nilang pagkikita ng dalaga. Nagpanggap siya na costumer sa restaurant noong una. Ngunit ni hindi manlang siya tinapunan ng tingin ng dalaga nang magreklamo siya kunwari upang makausap sana ito.
Lihim na napangiti si Natasha nang marinig ang kwento ng binata lalo na ang tungkol sa picture niya na kinupit pa nito umano sa matanda.
"Huwag mong sabihin na sa picture ko palang ay nabihag ko na ang puso mo?" Taas kilay na tanong ng dalaga at kunwaring hindi naniniwala sa kwento nito.
"Whether it is sensible or not, that was the truth." Walang pagkukunwaring pag-amin ni Yael sa tunay na damdamin para kay Natasha.
Pilit na sinupil ni Natasha ang ngiting gustong sumilay sa kaniyang labi. Wala sa hitsura ng binata na magpapakabaduoy para lang sa isang babae.
"Mukha kang bakla!" Natatawang buska niya sa binata dahil ramdam niya na naiilang ito sa pag-amin sa kanya ng tunay na damdamin nito.
"Heck! Sa haba ng paliwanag ko iyan lang ang sagot mo?"salubong ang kilay ni Yael at busangot ang guwapong mukha.
"Ano ba dapat ang isasagot ko sa iyo?" pigil ang tawa na tanong nito sa binata.
"Magseryoso ka nga at sagutin mo na lang ako!" lalong nainis ang binata dahil sa nakikitang pagpipigil ng tawa ng dalaga.
"Ano nga ulit ang tanong mo?" mapanukso ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Ayaw na niyang palakihin ang hindi pagkakaunawaan nila ng binata. Matanda na sila pareho para magkaroon pa ng love quarrel.
"Kailangan pa bang ulitin?" Kumakamot sa batok na tanong ni Yael. Pakiramdam niya ay nababakla na nga yata siya dahil ramdam niya ang pag-init ng kaniyang mukha.
Natatawang pinisil ni Natasha ang pisngi ng binata. Ang cute lang nito sa kanyang paningin ngayon. "Ah ah, say it muna bago iyan!" Saway niya dito nang tangka siyang hahalikan sa labi.
Yael groan and close his eyes. Nang magmulat ng mga mata ay puno ng pagmamahal na tumitig sa mga mata ng dalaga. "I don't know how to explain. Pero ito lang ang masasabi ko, mula nang makita ko ang iyong larawan ay hindi ka na maalis sa aking isipan. Believe me or not, napakasaya ko nang makita kita ng personal at nakausap. Handa kong gagawin ang lahat para sa iyo!"
Halos maluha si Natasha dahil tagos sa puso ang bawat kataga na binibitawan ni Yael para sa kanya. Masasabi niyang napakaswerte niya at sa kaniya tumibok ang puso nito. Sa daming magagandang babae sa ibang bansa ay siya ang napili niyon.
BINABASA MO ANG
Biyaheng Langit (Complete)
Short Storya short story, paano matukso sa driver? content are for matured readers. EDITED