Chapter 5

5.7K 110 23
                                    


HINDI alam ni Natasha kung bakit bigla siyang pinatawag ng don sa opisina nito. Lalo siyang nagulat nang may maabutan doon na izang guwapong lalaki. Ang akala niya kanina nang nakatalikod ito ay si Yael. Hindi niya maiwasang ipagkompara ang dalaw lalo na at magkahawig.

"Lolo, bakit ngayon ko lang nalaman na may maganda ka ditong tinatagong dilag?" Simpatiko ang ngiti ni Vincent at hindi na hiniwalayan ng tingin ang nahihiyang dalaga dahil sa hayagan niyang pagpakita ng pagkagusto dito.

"Trabaho ang pag-uusapan natin Hijo kaya kita pinatawag dito. "Naiiling na saway ni Ernesto sa isa pang babaero ding apo.

Nakipagkamay si Vincent sa dalaga at ayaw na pakawalan ang palad ng huli.

"I know na single ka pa, ako rin ay single pa!" Kumindat pa ito sa dalaga.

"Grabe, ang pogi sana kaso sobrang flirt!" bulong ni Natasha sa sarili.

"Si Yael din naman flirt at mas mabilis pa!" sumapi na naman ang kanyang kunsensya sa isip at kinontra ang laman ng kaniyang isipan.

Napatitig si Natasha sa kaharap nang maalala si Yael. Bukod magkahawig ang dalawa at
hindi rin magkalayo ang edad.

"She is already taken so back off!"

Gulat na napalingon ang dalawa sa lalaki na basta nalang pumasok at ni hindi kumatok.

Si Ernesto ay nagbubunyi ang kalooban sa saya dahil gumana ang plano. Hindi na siya nagulat sa bilang pagsulpot ni Yael ngayon.

Tila natuklaw naman ng ahas si Natasha pagkakita kay Yael at bakas sa mukha nito ang galit na nakatingin sa magkahawak kamay nila ni Vincent.

"Ano ang ginagawa mo dito?" nagtatanong na tingin ang pinukol ni Natasha sa binata. Ngunit hindi siya pinansin ito nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa opisina.

"Pinsan, kumusta?" Hindi nito pinansin ang galit sa mukhan ni Yael.

"I said back off!" Flat ang tono ng boses ng binata at blangko ang tinging ipinukol sa pinsan.

Agad naman na binawi ni Natasha ang kamay na hawak ni Vincent at nilapitan si Yael.

"Ano ba ang ginagawa mo, sila ang may ari ng restaurant na ito kaya huwag ka magsalita ng ganyan!" pabulong na sikmat ni Natasha sa binata at hinila ang kamay nito upang palabasin sana.

"I don't care!"

Napamulagat ang mga mata ni Natasha dahil sa lakas ng boses ni Yael. Nilingon niya ang dalawa hihingi sana ng sorry ngunit hinatak siya ni Yael sa kamay papalapit dito. Nanatili ito sa kinatatayuan at ito na ngayon ang nakahawak ng mahigpit sa kanyang kamay.

"Nagbago na ba ang isip mo hijo?" Malapad ang ngiti ng don na nakatingin kay Yael.

Lalong nagugulohan si Natasha nang kausapin ng matanda si Yael na para bang dati nang magkakilala at close pa sa isa't isa.

"Alam mo po talaga kung paano ako mapasunod sa nais mo!" palatak na sagot ni Yael sa abuelo.

"Lolo, wala na pong bawian!" Kunwari ay nagtatampo si Vincent sa matanda. Ang totoo ay kinasabwat siya ng pasaway din nilang Abuelo. Gusto umano nitong masiguro kung ano mayroon sa dalawa na magkadikit ngayon sa kinatatayuan.

"Magkakilala kayo?" Kunot noong tanong ni Natasha sa mga naroon. Hindi pa man niya nakumpirma ang nasa isip ay nasasaktan na siya.

Nang makita ni Natasha sa mukha ng binata na guilty ito ay para siyang sinaksak sa dibdib ng matalim na kutsilyo. Tanggap niya pa ang kataohan nito bilang driver lamang. Pero ang isa sa apo ng bilyonaryong matanda?

Biglang naalala ang sinabi ng matanda noon tungkol sa apo nitong nasa Italy. Kahit hindi pa kumpirmado ay sigurado siyang si Yael iyon. Tumutugma dito ang character na mabilis sa babae at isa na siya sa nabiktima nito. Kaya pala ganoon na lang kalakas ang poob nito kahit sa unang araw palang ng trabaho nito bilang driver niya.

Biyaheng Langit (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon